Bianca’s POV
First day ko dito sa Sakura Private High School o Cherry Blossom Private High School. Japenese daw may ari nung school kaya Sakura. Isang prestigious high school dito sa lugar namin. Lumipat kasi akong bahay eh. Si Daddy kasi nagpunta ng Amerika. Mommy ko? Patay na! Hindi ko na siya nakilala. Sabi kasi ni Daddy iniwan na daw niya kami nung seven months old pa lang ako.
Hindi ko na siya nakilala. Siguro may iba na siyang pamilya ngayon. Ewan ko. Pero okay lang naman yun eh. Meron pa naman akong Mamita! Sa kanya ako titira ngayon. And also no worries, eron din kasi akong step mother. Asa ibang bansa din siya. Wala man yung biological Mom ko hindi ko naman naramdaman na kulang ako. Thanks sa stepmom ko.
Katunayan niyan dun naman talaga kami nakatira kasama si Mamita pero sabi ni Mommy kinailangang umuwi ni Mamita dito sa Pilipinas dahil daw may kailangan siyang asikasuhin sa mga papeles niya. Ako naman dito na nag aral ng third year kasama si Mommy at Daddy at yung baby sister ko. Kaso umalis si Mommy last summer papuntang Amerika kasi nagkaroon ng problema dun tungkol sa grandpa ko. Mga after one week sumunod naman si Daddy kailangan daw kasi siya ni Mommy. Pumayag naman ako para magkaroon sila ng time together at kami na din ni Mamita.
“Bianca!” napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko.
Si Kenzo. Yung kapitbahay ni Mamita. Schoolmate ko pala siya. Nakilala ko siya nung nasa mid school ako. Grade eight ako nun eh. Dito din kasi ako nun sa Pilipinas nag Grade Eight eh pero nung last year ko na ng mid school bumalik akong Amerika. Hindi ko na siya nakita nun. Pati din nung bumalik ako dito sa Pilipinas. Last week lang din ako lumipat kay Lola eh at dun ko na lang din ulit siya nakita.
“Tama ba namag ibroadcast ang napakaganda kong pangalan?” tanong ko sa kanya pagkalapit niya.
“Wow! Hiyang hiya naman ako sayo!” sarkastikong sabi niya kaya medyo napatawa ako. “San ka ba pupunta?”
“Ah pupunta akong Admin Office eh. Kukunin ko yung schedule at section ko. Ikaw? San ka galing?”
“May basket practice kami. Every Monday, Wednesday at Friday kasi pracktices namin kaya yun maaga dapat kami.”
“Sasamahan mo akong admin?” nakangiting tanong ko sa kanya.
“Geh ba! Wala naman na akong gagawin eh!”
Nag umpisa na kaming maglakad. Pansin ko lang ha. Halos lahat ng nadaraanan namin pinagbubulungan kami. Yung iba naman nagpipigil ng tili, tawa at mukha pang kinikilig. Ano bang meron?
“Hoy pineapple juice!” tawag ko sa kanya.
Pineapple juice kasi mahilig siya sa pineapple juice. Dapat bawat meal niya may pineapple juice. Masmasarap daw kasi ang pagkain pag may pineapple juice. Taste buds talaga niya kakaiba!
Ngumiti siya at dahil ata sa ngiti niyang yun eh nagtititili ang mga babaeng nadadaanan namin sa may corridor. Agad akong napatakip ng tenga! Grabe! Mababasag na talaga ang ear drums ko sa kanila. Ano bang meron kay Kenzo?