Bianca’s POV
“Bianca, tara sa café nina May!” sabi ni Karah. Siya yung natural na straight hair na kasama ni Amarie kahapon.
Teka sino si May?
“It’s Amarie, Karah!”singhal ni Amarie.
So siya si May? Bakit naman kaya May?
“Dame mong arte! Siya din naman na pangalan mo eh!” may nagsalita sa may pinto kaya napatingin kami dun.
Siya yung may brace sa kanilang apat na may rebonded na hair. Siya yung nagsalita kanina. Hindi ko pa alam pangalan niya hanggang ngayon pati yung si girlfriend ng bayan.
Si Karah at Amarie pa lang kasi nakikilala ko kasi yung dalawa absent kahapon at ang kasama ko ay si Amarie at si Karah.
“Whatever May!” nang-aasar na sabi naman nung girlfriend ng bayan.
“Oh andito na pala kayo eh! San kayo galing?” tanong ni Karah sa kanila. Kararating lang din kasi nila. Katatapos lang ng Math namin which is last period ng hapon.
“Galing kaming CR! Ito kasing si Rach lagi na lang nagpapasama sa CR!” sabi ni girlfriend ng bayan dun sa Rach daw.
“Eh nakakatakot naman kasi talaga ang CR lalo na pag sa school ano!” pangangatwiran pa niya.
“Tama na nga yan! Mahiya naman kayo kay Bianca,” sabi ni Karah.
Napangiti na lang ako ng iling dito.
“Bianca,” napatingin ako kay Amarie tapos lumapit siya sa’kin. “Siya nga pala si Natsumi,” sabay turo kay girlfriend ng bayan “at siya naman si Rachel,” turo kay rebonded girl.
“Hi. Sorry nga pala sa inasal ko nung isang araw. Hindi lang talaga ako sanay na may ibang tao sa grupo namin.” Sabi ni Natsumi sa’kin.
“Okay lang. Hindi ko naman kayo masisis eh. Bago lang din naman kasi ako at isa pa sigurado namang matagal na kayong mag kakakilala eh.”
“Sinabi mo pa, girl!” sabay sipat sa braso ko ni Rachel na sadyang ikinagulat ko naman. “Matagal na talaga kaming magkakakilala noh! Alam mo sumama ka na lang sa’min sa café nina Amarie. Libre naman niya eh! Tara na!” tapos hinila na niya ako palabas ng classroom namin. Hindi na din talaga ako nakapalag.
Pisikal masyado tong si Rachel! Tsk. Tsk. Tsk. Tsk.
Habang dumadaan kami napalingon ako sa may likod namin kasi biglang may sumigaw. Akala ko may sunog pero sina Kenzo lang pala.
“Andyan nanaman sila.” napatingin ako kay Karah.
“Sino ba yung mga kasama ni Kenzo?”