Bianca’s POV
Kakatapos lang namig kumain ni Mamita ng lunch. Ito lang kasi yung free time niya since marami pa siyang trabaho sa kumpanya namin. Dahil nga sa wala si Daddy eh siya na muna pansamantala ang namamahala sa kumpanya namin.
Pagkatapos nang nangyari kahapon, si Amarie na ang humingi ng sorry sa’kin. Hindi ko alam kung bakit niya yun ginawa eh wala naman siyang kasalanan. Hindi porket pinsan siya ni Patrick eh kasalanan na din niya yung ginagawa ng pinsan niya. Tsk! I hate Patrick’s guts.
I hate him! Ayoko lahat ng tungkol sa kanya. Alam kong hindi ko pa siya ganun kakilala at mali tung inaasal ko pero siya nag-umpisa eh. Nung nabangga niya ako, nag-sorry ba siya? Sabihin na lang natin ako nga ang nakabangga pero kahit na ganon sana man lang nagsorry siya. At sa tingin niyo magugustuhan ko pa siya matapos niya akong buhusan ng tubig kahapon?! Syempre hindi na! Hindi ako tanga.
Lahat ng tungkol sa kanya screams evil! Ayoko! Ayoko sa kanya.
“Wag mo na akong hintaying mag dinner ha? Gagabihin ako. Marami pa akong gagawin sa office.” Napatingin ako kay Mamita habang naglalakad kami papunta sa may parking space nung restaurant na pinagkainan namin.
“Mamita diba sabi ni Daddy na wag kang masyadong nagpapagod sa office? Andun naman si Tito Richard eh.” Katwiran ko naman sa kanya.
Medyo nag aalala din kasi ako sa kalusugan ni Mamita. Medyo may edad na din kasi siya kaya hindi na siya pwedeng mapagod pa ng sobra. Isali mo pa dyan ang altapresyon niya. At gaya ng sabi ko andun naman si Tito Richard. Ang nag-iisang pamangkin ni Mamita at pinsan ni Daddy. Magkapatid kasi si Mamita atsaka yung tatay ni Tito Richard.
“Wag kang mag alala, apo.” Paninigurado niya sa’kin. Malakas pa naman ako at hindi pwedeng ipagbukas tung mga gagawin ko.” Dumating na yung sasakyan ni Mamita. “Sigurado kang kaya mo nang umuwi mag isa mo, ha?”
Napabuntong hininga na lang ako. Wala na rin naman akong magagawa kahit pa ipagpilitan ko yung gusto kong mangyari eh.
“Oo naman po Mamita. Kaya naman po. May bibilhin pa din po kasi ako diyan. Isa pa, Mamita diba sabi mo may meeting ka oa kaya yung magpapahatid pa ako sayo sa bahay eh malalate ka na. Okay na po ako wag na po kayong mag-alala.” Binigyan ko siya ng isang siguradong ngiti.
“Okay then. I’ll see you later.” Hinalikan na niya ako sa pisngi at sumakay na siya sa sasakyan. “Mag iingat ka.”
“Kayo din po.”
Nung wala na yung sasakyan ni Mamita nag-umpisa na akong maglakad papunta sa isang malapit na bookstore dito. May kailangan pa kasi akong bilhing libro para sa Japanese Literature at English Literature namin eh.
Sabi kasi nung English instructor namin na kailan daw naming basahin yung mga libro na yun para sa mga susunod naming lessons. Meron naman daw sa library ang mga ganong libro kaya lang raw mas maganda kung may sarili kaming mga kopya para raw mas mapag-aralan namin yon.
Nung nabili ko na yung mga librong kailangan ko umuwi na ako. Wala na din naman akong gagawin dito eh. Mag-aaral na lang muna siguro ako. Pampalipas oras.