Amarie’s POV
“Sino ba kasi yung babaeng yun?! Just who the hell is he?! She really have the guts na pumagitna at ipagtanggol yung Marco na yun! Takte! Hindi niya talaga ako kilala!! Fuck her!! Fuck that woman!”
Andito kami ngayon sa isang classroom na rinelovate nung kambal para maging tamabayan namin. Katunayan niya, Ryan just made it into a studio! Mahilig kasi siya sa pagkuha ng mga masterpeice (that’s what he call it) at dinidikit yun sa isang dingding dito sa kwarto.
“I can’t believe this! Hindi ko matanggap tanggap na natalo ako ng isang babae!” bakas sa mukha ni Patrick ang inis at insulto.
Ngayon lang din naman kasi nagkaroon ng babaeng lumaban sa kanya and to think na transferee student pa ito! Well, I guess that just serves him right. Kung sana lang hindi bawal na lumapit ako o pumagitna sa away nila eh gagawin ko din yung ginawa ni Bianca….. or maybe not.
“Dude, naiinis ka lang dahil hindi lang si Bianca ang nakatalo sayo kungdi pati na rin si Kenzo.”
Tumaas ang kilay ni Patrick sa sinabi ni Bryle.
“What did you just say?!”
Natatawa talaga ako sa pinsan ko kung minsan. I hope lagi kaming ganito. Kung minsan kasi, if his out of control, nakakalimutan niyang pinsan niya ako and I couldn’t do anythin less even protect myself on those times.
“Amarie May Yap! What the hell are you laughing at?!”
Bakit ba pag naiinis o nababasag ang pinsan ko napupuno ang bunganga niya ng English? Pati mura English eh. Dati naman he is cursing with cheap curses.
“Stop laughing!” mariing utos niya sa’kin.
“I’ll stop only when you’ll stop speaking,” medyo natatwang sabi ko pa sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin.
Uh-oh! Alam ko yung mga tingin na yun! Mabuti pang tumigil na ako baka kasi ako pang isunod niya kay Marco.
Hindi ako takot sa kanya. Well, minsan takot ako sa kanya. Pero marunong ako makiramdam. I know when I can be superior to him and when I can’t.
“Kilangan ko siyang turuan ng leksyon! Sino ba siya sa akala niya?!”
That ringed a bell.
“Yan ang wag na wag mong gagawin Patrick! Hindi mo na pwedeng ulitin yung ginawa mo sa kanya last week or else…” banta ko sa kanya.
Tumayo siya at saka sinuksuk ang dalawang kamay niya sa magkabilaang bulsa niya. “Okay. Yun lang naman pala eh.”
Umalis na siya. Ako naman naiwang nakatingin sa may likod niya. That was a fast one.
No! May mali dito! Kilala ko siya hindi siya titigil hanggang hindi siya nakakaganti sa mga taong gusto niyang paghigantian. Kailangan kong bantayan si Bianca.
Bakit ba feeling ko responsibilidad ko si Bianca?
Bianca’s POV
*bzzt**bzzt**bzzt*
Kinuha ko yung cellphone ko sa may bag ko ng naramdaman kong nagvibrate ito.
From: Kenzo :P
“Asan ka?”
Hmmm. Bakit naman kaya natanong nito kung asan ako?
To: Kenzo :P
“Bakit ba?”
Nilabas ko sa bag ko yung ilang libro ko at inayos ko yun sa locker ko.