Bianca’s POV
“BIANCA!” napalingon agad ako dun sa tumawag ng pangalan ko.
Si Kenzo. Pamilyar na pamilyar na talaga ang boses niya sa’kin.
“Ken? Anong ginagawa mo dito?” medyo gulat at napatayong tanong ko sa kanya.
Agad niyang kinuha yung kamay ko at tinabi niya ako sa tabi niya. Dinuro niya si Ryan. “Gago kang tarantado ka! Sa susunod na isama mo si Bianca sa biyahe mong papuntang langit hindi ko na alam kung anong gagawin ko sayo! Papatayin at papatayin kita kahit gano pa kahirap!” nanggagalaiting sabi niya dito.
“Ano?! Ryan naman?! Bat mo naman ginawa yun? Sana man lang nadadahan dahan ka sa pagmamaneho!” bulyaw ni Rachel sa kanya.
“Oo nga naman Ryan! Ito na nga bang sinsasabi ko sayo eh.” sabi naman ni Natsumi.
“Ryan ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na kahit minsan man lang sana eh magdahan dahan ka sa pamamaneho! Tignan mo na lang nangyari?! Hindi ko man alam yung eksaktong nangyari pero yung ‘biyahe mong papuntang langit’ malinaw na malinaw sa’kin yon!” sigaw ni Amarie sa kanya.
Hindi naman umiimik si Ryan. Nakatayo lang siya dun habang nakikipagtitigan si Kenzo sa kanya. May tensyon na ring nabubuo sa pagitan nila. Kulang na nga lang magkaroon ng laser beam sa pagitan nila eh!
“Binabalaan kita Ryan! Subukan mo pa talagang isama si Bianca papuntang biyahe mong langit lagot ka sa’kin! Mapapatay at mapapatay talaga kita! Tandaan mo yan!” pagkasabi niya nun agad niya akog hinila palabas ng café.
Lumingon naman ako kina Amarie sabay mouthed ng salitang ‘sorry’ sa kanila. Tumango lang naman si Amarie. Ganun din si Ryan.
“Cookie Jam! Okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Yung totoo. Maliban sa muntik-muntikan ka na niya sinama sa biyahe niya papuntang langit ano pang ginawa niya sayo?” nag aalalang tanong niya sa’kin.
Ngumiti ako sa kanya dahil sa concern na pinapakita niya. Ngayon ko lang kasi siya nakita na magalit ng ganito dahil sa’kin. Ngayon ko lang din siya nakita na sobrang nag-aalala para sa’kin.
“Pineapple juice okay lang ako. Isa pa wala naman siyang ginawa sa’kin eh. Aksidente lang din yung nangyari kanina. Natakot lang ako pero wala naman ng ibang nangyari kanina eh kaya wag ka nang mag alala okay?”
“Sigurado ka?”
Tumango ako sa kanya habang nakangiti. “Sigurado ako. Thank you nga pala.”
“Para san?”
“Sa pagaalala mo at pagpunta dito. Salamat sa concern at sa lahat:)”
“Wala yun! Ikaw pa?” sabay gulo niya ng buhok ko.
Nginitian ko na lang siya.
Amarie’s POV
Nagulat ako sa pagsugod at pagsigaw ni Kenzo dito sa may café namin. Ngayon ko lang siya nakita ng ganun. Marahil ay sobrang mahalaga ni Bianca sa kanya. Ano kayang meron sa kanila ni Bianca?
Mamaya ko na proproblemahin yun. Ang kailangan kong asikasuhin ay tung kutong humag na to na muntik muntikan ng ipahamak si Bianca!
Hindi ko alam kung anong meron kay Bianca pero sobrang lapit ng puso ko sa kanya. Gusto ko siyang alagaan at gusto ko siyang maging kaibigan. Gusto ko siyang protektahan. Ang gaan ng loob ko sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit.
“Ryan!” sigaw ni Nats kay Ryan.
Siguro pati rin sila nararamdaman yung nararamdaman ko. Pero bakit nga kaya? Anong meron kay Bianca at gusto namin siyang alagaan lahat?