Bianca’s POV
“Oh kamustang first day?”
Napalingon ako kay Mamita sa may sala. Kakapasok lang ata niya kasi may gardening gloves pa siya sa mga kamay niya.
“Mami, ganun ba talaga sa school na yun? Bat wala lang man kaming break at saktong sampung oras ang klase namin sa isang araw. Kamusta naman yun Mami?”
Napatawa na lang si Mamita sa sinasabi ko at nagtanggal na siya ng gwantes. “Ganun kasi talaga sa Japan. Alam mo naman sigurong Japanese school ang pinasukan mo diba?”
Sumanda ako sa may railings. “Pero Mami bakit ba ang laki-laki ng ininvest mong pera dun eh hindi ka naman Hapon.”
“Mahabang kwento yun apo. Hala! Mag bihis ka na at nang makakain ka na ng meryenda.”
“Sige po.” Pagkasabi ko nun pumanik na akong kwarto ko.
Nakakapagod talaga ngayong araw na to!
Kenzo’s POV
“Ang galing mo talaga Kenzo! Hirap mo talunin dude!” sabi nung isang nakalaban ko ng basketball habang binibigay niya yung sampung libong pustahan namin.
One on one kami. Lagi naman siyang talo. Inayos ko na yung mga gamit ko at ganun din siya. Kailangan eh. Uuwi na ako baka hinahanap na ako sa ‘min eh hindi pa man din ako nakapagpaalam kay Mama. Lagot ako dun.
“Brad, oo nga pala, sino yung kasama ko kanina? Maganda siya ha.”
Napa -isip ako sa sinabi niya. Sinong kasama ko kanina?
“Sino?”
“Baliw! Yung babaeng transferee sa fourth year! Sino yun? Pakilala mo naman ako oh!”
Ahh. Si Bianca lang pala binabanggit.
Napangiti ako.
“Yoko nga! Paglaruan mo pa yun. Una na ako! May pupuntahan pa kasi ako!”
“Damot mo talaga sa babae kahit na kailan! Sige na nga! Umuwi ka na bago pa kita masipa!”
Napatawa ako sa sinabi niya. Tumalikad na ako at kumaway sa kanya bago ako tuluyang umalis sa open court at naglakad papuntang bahay. Hindi din naman kasi siya kalayuan.
Pagdating ko sa bahay, iyak agad ng bata ang narinig ko. Siguro kagigising niya o gutom o natae ewan ko. May yaya naman siya eh. Sino yun? Yung kapatid ko. 7 months pa lang siya eh.
Umakyat na ako para makita ko siya. Ang cute cute ng kapatid kong yun. Miss ko na din siya.