Bianca’s POV
“… hindi ba malinaw sa school handbook na bawal ang PDA dito sa school na to?! Ano na lang ang ginagawa niyong dalawa sa loob ng banyo ng mga babae ng kayong dalawa lang?! Ano na lang iisipin ng mga tao? Ng board? What the hell would your parents say upon hearing this?! Just what the hell would I say to your parents?!”
Gosh! Bakit kasi hindi na muna kami pagsalitain dito. Its not like we did something really unbearable!
Haaay! Ayoko talaga ng nasa ganitong sitwasyon. Napapa English ako eh. Eh nag Eenglish lang ako pag andyan si Mommy.
Kaasar naman oh!
“Explain yourselves! NOW!”
Haaaaayy! Buti naman ng magkaliwanagan na. Ayoko talaga nito. Ano na lang iisipin ni Mamita at ni Tita Dianne?! Na may relasyon kami ni Kenzo?!
Nakakahiya! Hindi lang kina Tita Dianne at Mamita kundi pati na rin kay Kenzo. Nako naman kasi pahamak yung mga estudyanteng yun eh.
Kung hindi lang nila kami pingabubulungan at pinagtitinginan di sana wala kami ni Kenzo sa ganitong sitwasyon ngayon. Nakakaasar naman talaga oh!
“Miss, wala po kaming ginagawang masama ni Bianca sa loob ng banyo tinulungan—” hindi na niya pinatapos pa si Kenzo sa pag-eexplain at tumalak nanaman.
Ito problema sa mga matatanda kung minsan eh!
“Wala?! Are you sure about that Mr. Alquino? A boy and a girl?! Imposibleng walang mangyari sa inyo ni Ms. Alejandrino sa banyo ng kayong dalawa lang! What?! Seven minutes in heaven? How insanitary can youth be now?! Just what will I te—”
Just GROSS! Nakakadiri siya!
“Nathanniella Alejandrino!”
Natigil siya sa pagsasalita nang sumigaw ako. Hindi ko na rin kasi kaya yung mga pinagsasabi niya. Alam kong wala akong kasalanan dito at hindi dapat ako maguilty kaya lang kasi nakakaasar siya eh. Nakakadiri siya! Ni hindi man lang kami payagang magpaliwanag tapos nag-ju-jump na siya agad sa conclusion?! Nakaka asar lang talaga!
Kailangan kong gumawa ng paraan para malinis ang mga pangalan namin ni Kenzo at kung kailangan kong sabihin sa kanyang apo ako ni Ms. Nathanniella Alejandrino, bakit hindi?! Tanga ba siya? Alam ng adviser kong apo ako ni Nathanniella Alejandrino pero siya hindi?! And to think na principal pa siya ng school na to?!
“What about her?” taas kilay na sabi nung principal sa’kin.
“She’s my grandmother. Isang sabi ko lang po sa kanya talsik kayo sa trabaho niyo. Alam ko pong kilala ang Mamita ko sa pagiging fair niya pero kailangan niyo rin ping i-consider na hinding-hindi niya kayang tanggihan ang nag-iisa niyang apo. Ayaw ko po sanang gamitin tung kapangyarihan na to pero you gave us no other choice. Ayaw niyo po kaming pagpaliwanagin in that case pag sinabi niyo to sa mga magulang namin, ako na mismo ang magsasabi sa Mamita ko kung anong dahilan kung bakit kami andun at hindi ko na din kailangang sabihin sa kanyang ipatanggal kayo dahil siya na mismo ang magtatanggal sa inyo. Alam kong alam niyo na pag sinabi ko to sa Mamita ko matatanggal kayo agad sa trabaho niyo.”