PROLOUGE
Pag-ibig.
Ang salitang yan ang nakapagpabago ng tahimik kong buhay. Hindi ko inakala na sa lahat ng pagiging bitter ko matatagpuan ko ulit at mararamdaman ko din ang totoong pagmamahal.
Minsan narin akong nasaktan. Minsan narin akong napaasa at napaniwala. At minsan narin akong nagakala na nahanap ko na ang true love. Akala ko lang pala.
Pero bakit ang tao, laging binibigyan ng kahulugan ang pag-ibig? Marami ng na-usong quotes, phrases at kung ano-ano pa na talaga namang pag-iisipin ka lang kung mararanasan mo rin ang 'naisip' nilang kahulugan.
Love is blind
Love is feeling not a word in itself
Love is a very exciting ride in life
Pero ang alam ko ang love, isang salita na nagpapagulo sa buhay mo, na nagbibigay pasakit sa buhay ng isang tao. Pero sa kabila 'daw' non ay magiging masaya ka naman bandang huli, dahil sa lahat ng sacrifices mo?
Yeah. Love is sacrifice..
Yaan lang ang tanging meaning na nangibabaw sakin. Kasi alam ko lahat ng sakripisyo may mapapasaya ka. Teka, bakit ba puro pag-ibig nalang? Gusto ko lang naman magpakilala. Dami ko pang sinabi noh? Para kunwari madami akong alam sa love. Pero ang totoo, I hate that word! Pinahirapan narin ako niyan sa loob ng tatlong taon.
I'm Rianne. A girl who doesn't believe in love. A bitter girl, dahil nasugatan narin ang puso ko. At nagising na ako sa reyalidad na wala ka na talagang mahahanap na tunay na pagmamahal sa mga panahong ito. Mga lalaking manloloko, paglalaruan ka lang. Ah basta yung mga pesteng lalaki na katulad ng ex ko.
Ito ang storya niya kung saan isang tao ang magtuturo sa kanya kung ano ang totoong ibig sabihin ng Love.
"Pero kung ikaw ang tatanungin, ano ang ibig sabihin ng pag-ibig para 'sayo?"
----- x
Edited: 4/8/15
Author's Note:
Sagutin niyo yung tanong ko plesh :"> Aheheheks, okay lang kung ayaw niyo. Hahaha, btw thanks for reading!
All rights reserve. 2015 © iChimmer
BINABASA MO ANG
My Bitter Girlfriend
RomanceBitterness. Happiness. Sobrang laki ng pinagkaiba ng dalawang salitang yaan. Kapag naramadaman mo yung happiness na hinahanap mo, masarap at masaya. Pero kapag nalaman mong may katapusan ang lahat dahil sa ilang pagsasawa, masasaktan ka. at doon pap...