//SLEEP TALK -- 2//

186 12 5
                                    

//SLEEPTALK 2//

[Chanelle]

"Of course. We're going to practice." naka-smirk pa sya. Nakalayo naman ako agad sa kaniya bago pa sya tuluyang makalapit talaga.

Sunod-sunod naman ang lunok ko. "A-ano... Oh! Yung script mo?!" Naiistutter pa ko. Leche! "Sa may bandang ending tayo natapat so mamamatay ka don." mouhahahaha! Oo nga pala, mamamatay si Jack don. Buti nga mamamatay sya don! >:)

Bumalik sya sa may couch. Nagpunta naman ako sa tapat nya at umupo rin. Palitan lang naman ng dialogue ang papractisin namin ngayon eh so para bukas lilinisin na lang. Minsang nagkakatamaan ang paningin namin pero agad ko ring naiiwas. Nakakailang kaya! >.<

Seryoso lang naman sya. Minsan di ko rin lubos maisip na may utak din pala tong damuhong 'to.

Ilang sandali lang, natapos rin kami magpractice. Maayos ang naging practice namin at paplantsahin na lang bukas.

Paalis na sana ko pero naalala ko, di ko pa pala alam ang pangalan ng kulugong to.

"Hoy, ano palang pangalan mo?" sabay tayo ko at nag-ayos-ayos na para sa pag-alis ko.

"Winter" sagot nya at dumapa sya sa sofa.

Winter? Di naman umakma yung personality nya sa pangalan nya? Ang lamig din kaya ng taong to!

"Sige, uwi na ko" di na sya sumagot. Tulog na sya agad?! Ang bilis naman makatulog nito, ganun na ba yun nakakapagod? Ni hindi nga ko pinagpawisan eh!

Lumabas na ko ng condo at tinext si kuya Ruben para magpasundo. Dumating naman agad sya at dumiretso na ko sa kwarto ko pagdating ko sa bahay. Inantok na lang kasi ako bigla. ~yawn~

Kumusta naman kaya ang magiging outcome ng play namin? Ni hindi pa nga kami masyadong magkasundo ng kumag na yun. Pag kakausapin mo naman, parang kailangan mo pang hulugan ng limang piso para sumagot. Psh!

"Ate! May naghahanap sa'yo!" sigaw ni Ariel mula sa labas ng room ko.

"Sino?!"

"Basta lumabas ka na lang. Matutulog na ko, andon sya sa sala naghihintay"

Narinig ko ang pagsarado ng pinto ng kwarto ni Ariel. Ano ba yan?! Sino naman kayang istorbo ang pupunta dito in wee hours of night? Si Sav? Tsk. Asa ka pa, magtetext na lang yun kesa magpunta dito.

Nag-ayos lang ako ng konti at lumabas na ng kwarto ko. Pababa na ko ng hagdan. Pero nang maaninag ko kung sino ang nasa sofa, para akong nastuck. Anong ginagawa nya rito?

Nagtama ang paningin namin. Parang sumikip ang dibdib ko.

"Chanelle" pagkarinig ko pa lang sa boses nya, parang nag-uunahan na ang mga luha ko para bumagsak. Pilit ko lang pinipigil ang pagpatak.

"Tyrone, umalis ka na" akmang pabalik na sana ulit ako sa kwarto ko pero parang may nagtutulak sakin na wag akong umalis.

"Chanelle, please let me explain" muli nyang sinabi.

Naramdaman ko na lang na nasa likod ko na pala sya nang hawakan nya ang braso ko. Dito na tuluyang bumagsak ang mga pinipigil kong luha.

Wala akong lakas para harapin sya ng ganito. I feel so weak again.

"Tyrone please, masaya na ko." pinunasan ko ang luha ko at humarap sa kanya. "Bakit bumalik ka na naman?! Para saktan ulit ako? Para ipamukha sakin na ako ang tanga sa laro mo, na ako ang dakilang talo?! Para ba ipaalala ang lahat ng katangahan ko?!! Haha! Oh ngayon masaya ka na?" sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha ko. Hinawakan nya ng dalawang palad nya ang magkabila kong pisngi at pinunasan ang mga luha ko gamit ang thumb nya.

SLEEPTALK [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon