This chapter is dedicated to Misha. Sya lang kasi ang kadalasang nag-uupload ng mga updates ko pagkatapos ko itype sa fone. Wala kasi kami PC kaya pasensya na kung matagal ang update ko. Hehehe. :)
----------------------
//SLEEPTALK 7//
[Tyrone]
Papunta sana ako ngayon sa hospital para dumalaw sa isang kaibigan kaso huminto muna ako sa isang flower shop. Ibibili ko sya ng flowers, I'm sure magugustuhan n'ya to. Mahilig sa flowers yun eh.
"Thanks po." sabi ko sa babaeng bantay ng shop.
Bumalik na ulit ako sa kotse ko at nilagay ko sa passenger seat yung dozen ng flowers na binili ko. I'm glad kasi okay na kami ng pinsan ko na si Winter kahit papano though may ilangan pa rin paminsan-minsan. Siguro kelangan ko pang maghintay ng konting panahon para tuluyan nya kong mapatawad. Yung samin ni Chanelle, masaya rin ako kasi nagkaayos na kami. Sobrang pinagsisihan ko talaga ang lahat na nagawa ko sa kanya.
Naghanap ako ng space para ipark 'tong sasakyan ko dito sa parking lot ng hospital. Napansin ko yung kotse ni Winter, andito rin pala sya. Sabagay, lagi naman.
Naglakad na ko papasok ng hospital habang hawak tong flowers na binili ko pero teka? Sino 'tong babaeng 'tong nakatayo sa may pintuan ng room ng dadalawin ko? Tinitigan kong mabuti at kung di ako nagkakamali, si Chanelle 'to. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kanya at hinila sya palayo sa lugar na yun. Umiiyak sya. Di kaya, alam na nya ang lahat?
Huminto kami sa may parking lot kung san walang masyadong tao. Tinignan ko si Chanelle at patuloy lang s'ya sa pag-iyak. Inilapag ko muna yung hawak kong flowers sa makitid na edge ng mga may tanim na halaman at sya sa magkabilang balikat. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.
"Chanelle." mahinang sabi ko pero nananatil pa rin syang nakayuko at patuloy sa pag-iyak.
"T-Tyrone. Sino sya? Sino yung babaeng yun?" hindi pa rin sya tumitingin sakin at nakatuon lang ang mga mata nya sa baba.
"Kaibigan namin sya, Chanelle." mahinahon kong sagot.
Pinahid nya ang mga luha nya and she stares directly to my eyes with the bitter smile forms on her lips.
"Kaibigan? Tama ba ang narinig ko? Kaibigan? Kaibigan ba ang tawag don? I'm not damn blind para di makita ang ginawa nila kanina. I've seen them kissing at nakita mismo ng mga mata ko kung papano sagutin ni Winter ang mga halik na yun! Tell me Tyrone, ano ang kaugnayan nya sa babaeng yun?! Niloloko lang ba ako ng pinsan mo, ha?!!" she shouted at the top of her lungs.
The tears from her eyes start to stream down her face. Gusto ko mang punasan ang mga luhang yun pero parang di ko maigalaw ang mga kamay ko. Alam ko namang masakit yun para sa kanya at kahit ako nasasaktan kapag nakikita syang umiiyak. Di ko rin alam kung tama bang ako ang magsabi nito kay Chanelle. Ewan. Bahala na.
"Chanelle... Chanelle, huminahon ka." nilapit ko sya sakin at niyakap pagkasabi non. Nararamdaman ko pa rin ang paghikbi nya pero ilang sandali lang medyo kumalma na rin sya. Humiwalay ako sa pagkakayakap at hinawakan sya sa magkabilang balikat. Sa tingin ko kelangan ko nang sabihin at ipaliwanag sa kanya ang lahat.
"Tyrone please, tell me." pagmamakaawa nya. I looked away and heaved out a sigh.
"Alright, don tayo sa kotse ko."
Naglakad kami papunta sa pinagpark-an ko ng kotse ko at binuksan ang passenger seat para kay Chanelle. Sumakay na rin ako.
Silence is still hanging between us. Walang nagsasalita and I don't even know how to start. Napailing na lang ako at huminga ng malalim before I start myself to explain.
BINABASA MO ANG
SLEEPTALK [On Hold]
Novela JuvenilInaya ni Chanelle na manood ng sine ang kapatid na si Ariel at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkrus ang landas ng isang misteryosong lalaki na nagngangalang Winter at ng dalagang si Chanelle. Nagkaroon sila ng kasunduan hanggang sa humantong s...