//SLEEP TALK -- 5//

156 12 8
                                    

//SLEEPTALK 5//

[Chanelle]

"What?!!" natatarantang tanong ni Winter. Heto naman ako, pawis na pawis na. Nanginginig na nga ko eh. Kaya ko pa naman pigilin. >.<

"N-nat-tatae ak-o." palunok-lunok na ko magsalita. Namimilipit na talaga ako sa sakit!

"Shit!" naramdaman ko ang biglang bilis ng takbo ng kotse. Sobrang bilis talaga! Mixed na tuloy ang nararamdaman ko ngayon, takot, hiya, sakit at kung ano-ano pa! Antae naman oh!

Nagbublur na talaga ang paningin ko sa sobrang sakit ng tyan ko! Gusto ko ng ilabas ang mga natipong lason dito sa tyan ko. >.<

Napansin ko na lang na huminto ang kotse namin sa parking lot ng isang mall. Bakit dito sya huminto? Eh hindi pa naman open ng ganitong oras to! Waaaaaa!!!

Dali-daling binuksan ni Winter ang pinto ng kotse at binuhat ako papasok ng mall. Eh? Ano to? Manganganak ba ko at kelangan pa buhatin?

"H-hoy! Ibaba mo nga ko!" pero parang wala s'yang narinig at dire-diretso lang syang pumasok ng mall. Ni hindi man lang s'ya sinita ng mga guard? Anyare dito?

Ibinaba nya lang ako nang nasa tapat na kami ng cr ng girls. Di ko na s'ya kinausap, diretso na agad akong pumasok sa isa sa mga cubicle dito.

Phew~! Hays! Akala ko di na ko makakaabot. Buti na lang di kami sinita nung mga guard kundi patay na talaga. Magsasabog na talaga ako ng di ka-aya-ayang bagay kung nagkataon.

Kumuha na ko ng maraming tissue dito sa gilid ko pagkatapos at naghugas na ng kamay sa may sink. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at ngayon pa lang umuusbong ang hiya sa katawan ko. Anong mukha na lang ang ihaharap ko kay Winter? Aist! Bahala na si Popeye!

Nakasandal lang si Winter sa pader ng entrance ng cr habang nakapamulsa paglabas ko. Eeessh!

"W-Winter." kasabay nun ang pagngiti ko ng pilit sa kanya.

"Success?"

"Ah... Hehe..." sabay ang dahan-dahan kong pagtango at pagkamot sa ulo ko.

Nagsimula na syang maglakad at ako eto, nakasunod lang. Ang lalaki kasi ng hakbang nya palibhasa ang laking tao. Hinabol ko sya para makasabay sa paglalakad nya.

"Winter, bakit nga pala di ka sinita ng mga guard kanina?" diretso pa rin ang mga mata nya sa dinaraanan namin. Nakatingin naman ako sa kaniya. Ang sarap nya kayang pagmasdan.

"We owned this mall." 0.0

What the frog?!! Yemen!! Middle class ang family ko pero di ko akalain na ganito kayaman sina Winter.

"Penge naman discount coupon dyan! Hehe!" I'm trying to make this conversation not to be so freakin' serious. Ang seryoso nya kasi eh. (_._)

He just gave me a glimpse on the corner of his eye tapos nagdiretso na ulit sya ng paglalakad. ~sighed~

Tumahimik na lang ako, baka kung ano pang magawa sakin ng taong to. Mamaya may nakakita na lang saking nakalutang at nakasako sa ilog ng Puerto Rivas. Hehehe! San daw yung Puerto Rivas? Hulaan nyo! *0*

Hays, malelate pa kami. Bumalik na ulit kami sa kotse nya at papunta na ulit kaming school. Itanong ko kaya sa kanya si Tyrone kung bakit wala sya kahapon?

"Bakit pala wala si Tyrone kahapon?" simula ko. Tumagal ng ilang segundo bago sya sumagot habang focus sya sa pagdadrive nya.

"Di ko alam."

Very informative! Let's give him a round of applause!

-__________-

Nakakawalang gana naman tong kausap. Matipid nang sumagot, wala pang alam sa mundo! Psh. Nakakainis!

SLEEPTALK [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon