//SLEEP TALK -- 18//

173 9 3
                                    

//SLEEPTALK -- 18//

[Chanelle]

"What if I court you? Would you let me?" Tila napatahimik ako at hindi makapaniwala sa tanong ni Cris.

"Hahaha. I'm sorry Ivonne, just nevermind what I've asked you. Hahaha." Pagpapatuloy niya at alam ko namang pilit lang ang mga nilabas niyang tawa.

Nakatitig pa rin ako sa kanya at gustuhin ko mang magsalita parang walang lumalabas na boses mula sa lalamunan ko.

"Um, I think we have to go. Masyado nang lumalalim ang gabi." Muli niyang saad at saka tumayo.

Nilahad niya ang isang palad niya sakin bilang alalay ko sa pagtayo, inabot ko naman ang kamay ko at marahan na tumayo. Nauna siyang tumalikod at naglakad ngunit nakakailang hakbang pa lang siya'y, dito na 'ko nakahugot ng lakas para makapagsalita.

"C-Cris," bumuntong hininga ako ng malalim. Huminto naman siya sa paglalakad pero hindi pa humaharap sakin. Nagpatuloy ako, "mahalaga ka sakin, mga bata pa lang tayo ikaw na ang nagiging karamay ko sa kahit anong bagay. Ayokong masaktan ka Cris, ayokong masaktan kita nang husto. You're very important to me, I need you. I need someone like you in my life." I stop for a second as I wipe my tears away, "mahal kita but I'm so sorry. . . I love you as a brother and as only a friend, not more than that. Cris, sana sa mga sinabi kong 'to, hindi rito magtapos ang lahat ng pinagsamahan natin. Mahalaga ka. . . Mahalaga ka sakin."

Nasabi ko ang lahat ng 'yon between my sobs. Maya-maya lang, naramdaman ko na lang ang mainit na pagyakap sakin ni Cris habang marahang hinahaplos ang likod ng buhok ko.

"Ikaw talaga, of course I fully understand that. Pasensya ka na ha, nakikisali pa ako sa nangyayaring gulo sa'yo. Ang tanga kasi nitong puso ko, pipili na lang ng mahuhulugan, sa puso pa na iba ang handang saluhin. Haha. Um Ivonne, I'm not that lame para iwanan ka na lang ng basta-basta. Tanggap ko naman. Una palang, alam ko nang ganito ang mangyayari. Na ganito ang isasagot mo, at least I tried, right?" Humiwalay siya mula sa pagkakayakap at hinawakan ako sa magkabilang balikat saka lumevel sakin kasabay ng pagtitig sa mga mata ko, "hindi ba sabi nga nila, walang masama kung magbabakasakali. Huwag ka nang umiyak, pumapangit ka eh. Hahaha."

Ramdam ko na mapait ang pagtawa niyang 'yun pero batid ko naman na sincere siya sa lahat ng sinabi niya. Napangiti ako kahit papaano sa mga nasabi niya kaya napalo ko siya ng mahina sa braso niya.

"Pinaiyak mo 'ko eh!" Giit ko habang sabay kaming naglalakad papunta kung saan nakaparada ang motor niya.

Binigay niya sakin ang isang helmet saka ko sinuot. Umangkas na 'ko at kumapit nang mabuti sa bewang niya. Ilang sandali'y, nakaramdam na ako ng antok kaya sinandal ko na ang ulo ko sa likod niya habang pinapaandar niya ang motor.

Maya-maya lang ay nakarating na kami sa bahay at saka kami nagpaalam sa isa't isa. Tumuloy na lang ako sa room ko at naglinis ng katawan saka nahiga na sa kama ko.

Bigla kong napansin si Ivan sa ulunan ng kama ko. Heto 'yung baboy na binigay ni Winter sakin. Kinuha ko naman at hinawakan sa magkabilang gilid nito, tinaas ko ng konti sa ere at parang baliw kong kinakausap.

"Ivan, 'wag mong bati si Winter ha. Inaway niya kasi ako. Hindi niya na rin ako labs. May iba na siyang labs, kaya 'wag mo siyang labs. Ako na lang ha. Hahaha. Babaliw na 'ko. Sige na, good night na. Inaantok na 'ko."

Tumagilid na 'ko ng higa at niyakap nang mahigpit si Ivan.

"Winter. . ." Naibulong ko na lang at kasabay no'n ang naramdaman kong pagpatak sa pisngi ko ng mainit na likidong nanggaling sa mga mata ko.

** ** **

December 11.

"Ang aga ng bakasyon natin ah. Sana last week pa sinabi satin na hanggang ngayon na lang ang pasok natin." Pagrereklamo ni Sav habang nandito kami sa cafeteria. Kumakain ng lunch.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SLEEPTALK [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon