Chapter 1

1K 35 3
                                    

Chapter 1: 

“Asia, anak?”  Tinignan ko si Mama na ngayon ay nakasilip sa pinto saka ibinalik ang tingin ko sa cabinet ko para magimpake “Bakit ma?”

“Sigurado ka bang papasok ka na? Ayaw mo ba munang magpahinga. Kakalabas mo pa lang ng ospital?”  Alalang tanong ni Mama saka dahan-dahang pumasok at naglakad papalapit sakin. Saglit kong itinigil ang pagiimpake at humarap sa kanya. “Ma, Okay lang ako. Saka first day of class ma. June na june aabsent ako.”  Yeah right. First day of class at napunta pa ako sa Star section. Kaya kailangan talaga na always active at present ako. Mahirap na, Nagsasaksakan pa naman sila ng patalikod.

“Sige, Pero mas mabuti na muna na dito ka na lang kaysa dun sa Ate mo. Baka hindi ka niya maalagaan?”  Napabuntong-hininga ako at  humarap kay Mama. “Ma, Kailangan ko ng matutong maging independent. You see, Next year college na ako. Kaya habang maaga pa ay dapat matuto na ako.” Tumango na lang rin si Mama saka ako tinulungang magimpake. Kay ate na muna ako makikitira since mag-isa lang siya sa apartment niya at walking distant lang yun sa school na papasukan ko. Pero dati nagco-commute ako papunta sa school but after that incident, Mas minabuti na ni mama na hindi na ako magcommute at itransfer sa school na mapalit lang which is yung malapit sa bahay ni Ate.

Nang matapos kami ay binaba ko na rin ang maleta ko habang si Kuya naman ang nagtawag ng taxi. Nang dumating ang taxi ay isinikay ko na rin ito. Naginsist pa si Kuya na ihatid ako sa bahay ni Ate pero tumanggi ako.

Nang makaalis na ang taxi ay wala akong ginawa kundi ang tumitig sa harap. Ayokong  tumingin sa labas dahil naalala ko na naman yun. Yung aksidente na muntik ko nang ikamatay. Nakaramdam ako ng pagsakit ng ulo ko kaya kinuha ko agad ang painkiller ko sa small pouch ko at ininom yun. Napatingin naman ako sa rearview mirror kung saan nakita kong nakatitig rin sakin ang taxi driver. Kumurap ako at nakita kong  nakatingin na siya sa dinaraanan namin.

Nang makarating na kami sa paroroonan ko ay agad akong nagbayad sa taxi ngunit nakatitig na naman siya sakin. Baka napaparanoid or nagha-hallucinate lang ako?

“Hija, Pagbaba mo. Dumiretso ka at sunugin mo ang damit mo. May demonyong sumusunod sayo kanina eh.”  The heck! Nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan. Hindi ako makagalaw. Shit! Anong ibig sabihin niya. Tapos ay bigla siyang tumawa “Binibiro lang kita hija, naalala ko kasi yung kwneto sa U.P eh. Sige na, Gusto mo pa bang tulungan kita sa pagbuhat ng mga maleta mo?”  Tanong nito. Hindi nakakatuwa ang biro ni Manong! Kaya umiling ako at bumaba na. Kinuha ko ang maleta ko at sakto naman nun ang pagdating ni Ate Freya.

“Oh, Asia. Okay ka lang ba talaga?”  Yan agad ang bungad niya sakin saka ako tinulungang ipasok ang maleta. Tumango naman ako. “Oh siya sige, Kumain ka na muna. May turon at pancit diyan. Ako nang bahala dito sa maleta mo.”  

Pumunta na ako sa Dining room ng makita ko ang lighter na nasa lamesa. Naalala ko yung sinabi nung Taxi Driver kanina. May parte sa isip ko na naniniwala sa sinabi niya at meron namang hindi. Pero wala namang masama kung susubukan diba? Kukunin ko na sana yung lighter ng biglang nagsalita si Ate Freya.“Asia, Bakit hindi ka pa kumakain. Kumain ka na.”  Tumango ako at umupo. Pero siguro, Hindi naman totoo yun diba? As if naman, Totoo ang demonyo diba?

Nang matapos akong kumain ay nagpaalam ako na lalabas muna ako. Pumayag naman si Ate. Nagpalit muna ako ng damit saka nagmamadaling lumabas. Palakad lakad lang ako, since subdivision naman ito kaya walang masyadong tao at alas-dos pa lang hapon kaya wala pang mga bata na naglalaro. Wala namang bago sa paligid, Ganun pa rin naman ito gaya ng dati. Madalas kasi akong dumalaw kay Ate kaya madalas ko rin nalilibot ito noon. Naisipan kong pumunta sa Basketball court para tignan kung may naglalaro. Pero ang nakita ko ay mga babae na nagvovolleyball. Anim na babae yung nandoon. Dalawa ang naglalaro at ang dalawa naman ay nakaupo at mukhang naghihintay na sila naman ang susunod.

Nanonood ako ng bigla akong may naramdamang kakaiba. Tinignan ko ang balahibo ko sa braso at napansin kong nagsitayuan ito. Napatingin ako bigla sa isa sa babaeng nakaupo. Nakatingin lang siya sakin at nakangiti ng nakakaloko. Napataas ang kilay ko, Anong ningingiti ngiti niya?

“Ate, Gusto mong sumali?”  Napapitlag ako ng biglang may magsalita sa tabi ko. Katabi ko na pala yung isang babaeng nakaupo kanina.

“Huh? Pero kumpleto na ata kayo. Hinihintay niyo na nga lang ata yung turn niyo eh. Saka okay na ako dito na manood.”  Sagot ko sa kanya. Napakunot naman ang noo niya na nagtataka. “Kumpleto? Eh kulang po kami ng isa kaya hindi ako makasali para maging tatluhan.”  Sagot nito sakin. 

“Pero anim na kayo diba?” Tanong ko.Tumingin lang siya sakin ng kakaiba. “Pero ate, Lima lang kami dito kanina pa. Tapos ikaw na yung pang-anim na dumating.”  Pagkasabi niya nun ay automatic akong napatingin sa kinauupuan ng babae kanina at nakita kong walang tao dun..

___________________

Sana lang matuloy ko to ng bonggang bongga XD.

Top StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon