Chapter 5

471 18 3
                                    

Chapter 5

Paakyat na ako sa ikaapat na palapag ng mapansin kong walang mga estudyante sa paligid. Nasan sila? Wala bang pasok ngayon? Kahit mga guro wala rin.

Napahinto ako ng makarinig akong isang malakas na ingay. Napahinto ako. Nakiramdam ako sa paligid. Nagkaroon ng mahabang katahimikan. Dahan dahan akong naglakad paakyat at tanging ang mga yabag ng sapatos ko lang ang maririnig.

“P-parang awa mo na! Ayaw ko pang mamatay! Pangako! Hindi na talaga kita lalamangan! Tulungan mo lang ako dito! Ibabagsak ko na lahat ng grado ko! Ikaw na ang mangunguna! Para mo na talagang awa!”  Yan ang narinig ko nang malapit na ako. Parang takot at kabadong kabado ang boses ng babae. Naghihintay ako na may magsasalita pa ngunit wala... Wala na akong  narinig na sagot sa pagmamakaawa ng babae.

Nang makarating na ako sa ikaapat na palapag ay nakita ko ang isang babaeng nakatayo sa harap ng isa pang babae na nakakapit sa railings. Mukhang mahuhulog na ang babae ngunit hindi siya nito tinutulungan. Nakatayo lang ito at mukhang pinapanood lang siya. Hindi ko masyadong makita ang mukha ng babaeng nakatayo dahil na rin sa buhok nito na natatakpan ang mukha niya.

Tumingin sakin ang babae ng  nagmamakaawa at umiiyak. “Asia! Para mo ng awa! Tulungan mo ako!”

Agad akong napatakbo sa kanya para tulungan siya pero ng palapit na ako ay humarap na sakin ang babaeng nakatayo. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko! Siya! Siya na naman? Bakit siya nandito? Simula ng makita ko siya sa basketball court , hindi na niya ako tinantanan!

Nilagay niya ang isa niyng daliri sa labi niya at nagsalita. “Shh. Wag kang magalala, Hindi naman kita ilalaglag.” Sabi nito saka humarap sa babaeng nakakapit sa railings.

“Hi-hindi! Asia! Asia! Tulungan mo ako!” Pagmamakaawa nito. Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko maigalaw ang mga  paa ko dahil sa takot. Nakita ko kung paano niya tapakan ang kamay nito at kung paano mabitawan ng babae ang pagkakapit niya.

“Huwag!! Huwag!” Dun na ako natauhan at napatakbo para sana hatakin ang kamay niya ngunit huli na ako. Napaatras ako ng makita ko kung paano tumama ang katawan niya sa lupa at  ang pangingisay nito.

“Dapat lang sa kanya yan.” Narinig kong sabi ng babaeng ito na ngayon ay nakatingin naman sakin. Tinignan ko lang siya ng masama at ambang lalapitan sana niya ito ng magsalita ito ulit. “Hindi mo ba ako maalala?” Tanong nito sa akin at pumungay ang mga mata nito.

Nakaramdam na naman akong kakaiba. Ang mga matang yun ay parang nakita ko na pero hindi ko maalala kung saan? Oo, Maaaring nakita ko na yun sa Basketball court o sa Girl’s comfort room pero parang nakita ko na yun sa ibang lugar?

Umiling lang ako sa kanya at matapang siyang tinignan. “Hindi! Sino ka ba?! Bakit mo ginawa yun sa kanya”

Tumaas ang sulok ng labi niya. “Naging parte na ako ng buhay mo Anastasia. Baka nakakalimutan mo ang dahilan kung bakit ko yun ginawa?”  Tumawa pa ito ng mahinhin ngunit ramdam ko ang panganib sa mga mga tawa niya. Napatingin ako sa bagay na kumikinang sa may bandang dibdib niya. Isang kwintas.

Kwintas na may letrang ‘A’. Napakunot ang noo ko. Pamilyar sakin ang kwintas na yun!

Naglakad siya ng papunta sakin. Muntik na akong mapasigaw ng malapit na siya ngunit nilagpasan lang niya ako.

“Magkikita at magkikita tayo Anastasia. Kahit saan ka pa pumunta ay kasama mo ako. Masakit lang dahil nakalimutan mo na ako.” Sabi nito at bago pa siyang tuluyang umalis ay natanong ko sa kanya ang isang tanong na gusto kong malaman.

“Sino ka ba talaga? “ Humarap siya sakin at nakita ko na naman ang pagkinang ng kwintas niya sa dibdib niya.

“Alumit. Ako si Alumit, Anastasia.” Sagot nito at  tumalikod na ulit at muling naglakad palayo.

Nang mawala siya ay naramdaman ko ang pagyugyog ng building na tinatayuan ko. Teka? Anong nangyayari? Dumidilim na rin ang langit at makikita rin ang pagbiyak ng lupa! Oh hindi! Katapusan na ba ng mundo? Napapikit ako at naramdaman ko ang paglaglag ko sa kinatatayuan ko.

“Asia!”  Napadilat ako at naramdaman ko ang pagsalo sakin. Pagkatingin ko ay nakita ko si Alex na buhat buhat ako! Nang marealize ko na buhat nga niya ako ay agad akong kumawala dahilan para tuluyan akong malaglag sa sahig. Napahawak ako sa likod ko! Ang sakit!

“Ang likot kasi!!”  Suway sakin ni Alex habang tinutulungan akong  tumayo. Tinignan ko naman siya ng masama. “Bakit mo ako binuhat?”

Ngumisi lang siya sakin saka tinuro ang kama sa tabi ko. “Ang likot mo kasi matulog. Tapos kakagalaw mo eh muntik ka ng mahulog sa sahig, Buti nga sinalo pa kita eh.” Sabi pa nito at pinaupo ako sa gilid ng kama.

“Nasaan ba tayo? Anong nangyari?”  Tanong ko sa kanya. Umupo siya sa isang sofa sa tapat ko. “Nasa clinic tayo, Nahimatay ka daw kasi sa C.R kanina sabi ng Tres Marias.” Sagot nito sakin. Napahawak naman ako bigla sa ulo ko. Yung nangyari kanina, Si... Si Alumit? Ang alam ko gumuguho na yung building kanina ah? Ibig sabihin ba nito, Panaginip lang yun? Tumingin ako kay Alex at nakita ko naman ang bahagyang pagtayo niya.  “Okay ka lang ba? Gusto mo, tawagin ko yung nurse?”  Tanong ni Alex. Umiling lang ako.

“Nasan yung painkiller ko?”  Tanong ko sa kanya. May kinuha siya sa bulsa niya at hinagis sakin. Tumingin naman ako sa paligid para tignan kung may orasan ba sila. Nakakita naman ako ng wall clock at nakita kong 2: 30 P.M na! Shit! Tapos na yung klase namin! Ilang oras ba akong natulog?

Napatingin naman ako kay Alex . “Alex? Ikaw? Kanina ka pa ba nandito?”  Tanong ko sa kanya. Tumango tango naman siya. Aishh! Nandamay pala ako ng ibang tao!

“Wag kang magalala. Excuse ka naman eh.”  Sabi nito ng mapansin niya atang nagpapanic ako.  “Pero ikaw! Wala ka bang pakielam sa attendance mo? Hindi mo ba alam na nakakaapekto yun sa grades mo?!” Sagot ko sa kanya. Nasa lower section na nga siya at graduating na pero pa-petiks petiks lang siya?

Mukhang nagulat ata siya sa pagsigaw ko kaya tinaas niya ang dalawa niyang kamay na para bang sumusuko. “Kalma lang okay. Masyado ka namang paranoid oh! First day of class pa lang. Getting-to-know-each-other pa lang ang ginagawa ng mga teacher dito. Saka hindi naman included ang attendance pag June, Kaya kahit araw araw ka pang umabsent ngayong buwan ay okay lang.”  Sagot nito. Hindi ko alam na ganito pala dito. Tumayo na siya at binuhat ang bag kong nasa tabi lang pala niya. “Tara na, Umuwi na tayo. Ihahatid na kita sa inyo.”  Pagpresenta nito. Umiling lang ako.

“Sa gate na lang. Magpapasundo na lang ako sa Ate ko.”  Tumango siya at lumabas na kami. Kahit na mabait tong si Alex ay hindi pa rin ako dapat magtiwala sa kanya. Minsan kasi, Kung sino pa yung mabait at mapagkakatiwalaan, Sila pa yung sasaksak sayo pagnakatalikod ka na at manghihila sayo pag nasa tuktok ka na. Mabuti ng sigurado, at saka kakakilala ko lang rin sa kanya.

Habang naglalakad kami papunta sa gate ay nakikita ko ang ibang mga estudyante na nagsisiuwian na rin na nakatingin sakin, samin.  Tinignan ko lang rin silang lahat at dito, nakita ko ang isang pares ng mga mata na nakatingin sakin. Si Alumit ....

_______________________________

Alumit,’ pronounce as al-yu-mit

 Cleo-PATA dedicated sayo XD

 

 

 

Top StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon