Chapter 8

665 27 11
                                    

Chapter 8

"Pinatay siya..." Sagot ni Alex habang binabalatan ang lollipop na hawak niya. Hindi man niya ipahalata ang emosyon niya ay halata ko to dahil sa paraan ng pagbalat niya ng lollipop na hawak niya, Halata ko ditong galti na galit siya.

Matapos ipakilala ni Maam lahat ng mga kaklase ko ay agad akong bumaba para pumunta sa room ni Alex. Nasulubong ko ang tatlong babae kahapon sa C.R at nagbubulungan na naman ito.

Doon ko lang naalala ang mga pinagusapan nila sa C.R. Hindi kaya ang kambal na tinutukoy nila ay si Fretzie at si Alex? Si Lee ba si Alex?

"Nakita siyang hubo't hubad malapit sa music room. Hinihinalang ginasa siya bago patayin....." Sabi nito sabay abot sakin ng lollipop na nabalatan na niya. "At isa sa mga kaklase mo ang may gawa nun... o baka nga pinagpalanuhan nila yun."

Nalaglag ang lollipop na aabutin ko sana. Isa sa mga kaklase ko? Isa sa kanila ang pumatay sa kambal niya?

"Paano mo nasabi?"

"Dahil labis ang inggit nila sa kapatid ko."

"Labis ang inggit? Bakit naman?"

Sumandal siya sa pader saka nilagay ang mga kamay niya sa bulsa niya.

"Class valedictorian si Fretzie. Naiinggit sila dito dahil may mga bagay siya na hindi kaya ng mga kaklase mo, Hindi nila kayang talunin ang kambal ko. Kahit ako, Hin---."

"Ikaw ba si Lee?" Putol ko dito. Tinanong ko na agad to ng maalala ko. Mahirap na, baka hindi ko na naman matanong to sa kanya.

Tumango naman siya. "Kanino mo nalaman?"

"Narinig ko lang ... Pero .... May narinig pa ako."

Kumunot ang noo nito. "Na kapalit mo daw si Kione So ibig sabihin, Dapat kaklase rin kita?"

"Si Kione? Ah, Hindi.... Hindi ako ang kapalit niya, Kundi ang kambal ko." Napakunot ang noo ko. Kambal niya? Pero kung kapalit ang kambal niya dapat nasa section namin siya.

"Ganon ba? Pero bakit wala ka sa section namin?"

Tumingin naman ito sa akin. Unti-unti ko ng nakikita ang emosyon sa mga mata nito.

"Dahil baka mapatay ko silang lahat."

Agad na nanindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Nakakatakot kasi ang paraan nito ng pagsasabi nun. Parang ..... parang kayang kaya nitong gawin ang sinasabi niya.

Mas lalo akong kinabahan dahil taga star section rin ako. Hindi kaya may motibo siya sakin? Kinakausap lang ako nito dahil may balak siyang gawin at sa akin niya sisimulan yun?

"Okay ka lang? Nanginginig ka?" Tanong nito at hahawakan ako nito sa balikat, Agad naman akong umiwas. Sinasabi ko na nga ba.

"A-ah. Okay lang ako." Sagot ko rito at bahagyang umatras. Napansin naman niya ata yun. Kaya hindi siya lumapit.

"Natatakot ka ba sakin?" Tanong nito. Gustong gusto kong sagutin siya ng oo. Sino ba naman ang hindi matatakot sa sinabi niya diba? Bakit niya sakin binunyag lahat ng yun!?

Ngumiti siya sakin at pinat ang ulo ko. "Wag kang mag-alala, Hindi ko naman gagawin yun eh. Nasa tamang pagiisip pa ako." Nasa tamang pagiisip nga siya, pero lahat ba ng kriminal o mamamatay tao ay nasa tamang pagiisip sa tuwing pumapatay sila?

"Bakit mo ba ako nilalapitan? Diba galit ka sa star section? Nung una nating pagkikita diba sinabi ko sayo na taga-star section ako? Kaya mo ba ako tinalikuran nun? Kaya ba.... Kung anu-ano ang sinabi mo sakin kahapon sa Delkin Hall?" Sunod sunod kong tanong dito. Halos hindi na ako huminga sa mga tanong ko.

Umiling lang siya. "Binalaan lang kita dahil ayokong maulit pa yun at dahil.... ayokong magig katulad ka nila."

Tinignan ko lang siya ng masama. Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi. At lalong hindi ko alam ang tumatakbo sa isipan niya!

"Totoo nga! Promise!" Sabi nito saka tinaas ang kanang kamay niya na parang batang nangangako sa magulang. Tumingin siya sa bandang likod ko , kaya napatingin din ako. Nakita ko na nakatingin na sakin ang mga estudyante dito sa hallway. Haharap na ako sa kanya ng bigla niya akong akbayin. Muntik na akong mahulog dahil sa bigat niya. Kilakadkad naman ako nito papunta sa hagdan.

"Alex! Ang bigat mo ah!" Sabi ko dito. Tumingin ako sa paligid namin. Napahinto kami ng makita niya si Kris. Kinawayan niya ito at saka tinawag.

Bigla akong nakaramdam na parang may nakatingin sakin. Titingin na sana ako sa gilid ko ng makita ko sa peripheral vision ko ang mukha ni Alumit.

Agad na akong napatingin dito at pagtingin ko......

Walang alumit ang nakatayo. Napasapo ako, Nandiyan ka na naman Asia. Mukhang nababaliw ka na ata.

Top StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon