Chapter 2
“Pumasok ka na Asia! Dali!” Sabi ni Ate sabay tulak sakin papasok sa malaking gate. Tinignan ko naman si Ate at nakita kong naglalakad na siya palayo at kumakaway. Ito na talaga, Unang araw na ng klase namin at kinakabahan ako. Siguro dahil bago sakin ang lahat, Ang school na to, Ang paligid at ang mga estudyanteng nagaaral dito.
Habang naglalakad ako papunta sa building namin ay nakikita ko ang estudyante na masayang masaya at nagtatawanan. Mukhang namiss ata nila ang isa’t-isa. Mukhang masayang masaya pa sila dahil pasukan na. Nabawasan ang kaba ko dahil dun, Siguro ay magiging maganda ang pagpasok ko dito.
Nang makapasok ako sa building ay tinignan ko ulit ang card na hawak ko. Room 101 sa 4th floor pa pala, kaya sinimulang ko ng umakyat. Sa hagdan na madadaanan ko ay punong puno ng mga estudyante gaya kanina sa labas. Pero nung nakarating ako sa first floor ay mas lalong dumami ang estudyante. Nakatambay lang sila at nagke-kwentuhan.
“May bagong mukha ata dito!” Hindi ko pinansin ang nagsalita pero sigurado ako na lalaki yun. “Miss! Harap naman dito.” Sigaw niya. Napahinto ako at napansin ko na nakatingin na sakin ang lahat. Ngayon pa lang ata sila nakakita ng tao eh?! Humarap ako at nakita ko ang isang lalaking may hawak hawak pang lollipop na lumapit sakin. “Bago ka nga lang dito, at mukhang naliligaw ka.” Sabi niya. Pinandilatan ko lang siya ng mata.
“Naliligaw?” Hindi naman siya siguro tanga o bulag para hindi makita ang card na hawak ko diba? Obvious naman na sasabihin kung anong room, floor at section ka kung transferee ka diba?
“Oo, Baka nandito lang ang room mo?” Tanong niya sabay turo sa mahaba nilang hallway pero ang nakikita ko lang ay ang mga estudyanteng nagkukumpulan sa paligid namin na tuwang tuwa pa sa nakikita nila.
“4th floor. Room 101 ang room ko. Kaya hindi ako naliligaw.” Sabi ko saka humalukipkip. Nagbulungan ang mga estudyante habang nakatingin sakin.
‘Isa pala siyang star student’ Rinig kong bulong ng isa.
‘Tsk! Sa malamang, Isa na naman yan sa magmamaliit satin.’
‘Dapat pala hindi natin tinawag yan!’
Yan ang naririnig kong bulungan sa paligid. Yung iba tumingin sakin na parang iba ako, yung iba naman walang pakielam, yung iba naman nagsialisan na. Anong nangyayari?
Tumango naman ang lalaki sabay lagay ng lollipop sa bibig niya at tumalikod sakin. Naglakad na siya palayo at kumaway kaway pa. Tuluyan na silang nagsialisan lahat at bumalik na sa ginagawa nila kanina. Umiling na lang ako. Mga istorbo naman sila.
Umakyat na ako at sa bawat palapag na madadaan ko ay pakaunti ng pakaunti ang mga tao, Hanggang sa makarating na ako sa fourth floor kung saan wala na talagang estudyante kahit isa. Napatahimik na aakalain mo eh walang tao dito. Pinuntahan ko na ang room ko at ng nasa tapat na ako ay nagdadalawang isip ako kung papasok ako o hindi. Para kasing walang tao sa loob. Kung sa bagay, Maaga pa naman, 6:45 am pa lang at mamaya pang 8:00 am ang klase. Masydao lang siguro akong excited pumasok.
Nang buksan ko ang pinto ay nagkamali ako. May tao sa loob. Ah mali, May MGA tao sa loob. Lahat sila nagbabasa ng libro, ni wala nga atang nakapansin sakin. Mukhang kanya kanya sila. Naglakad na ako papasok at naghanap ng bakanteng upuan. Dito, May nakita akong dalawang bakanteng upuan. Umupo ako sa isa at dahil sa hinatak ko ang upuan ko ay nakagawa ito ng ingay at dahil dun kaya nakuha ko ang atensyon nilang lahat.
Wala silang sinabi pero nakatingin lang sila sakin ng masama. Napayuko lang ako, “Sorry.”
Saglit pa ulit nila akong tinitigan ng masama saka bumalik ulit sa pagbabasa. Hindi ganito ang inaasahan ko. Ibang iba sila sa mga estudyante kanina. Ganito ba talaga pag nasa Star Section ka. Feeling ko hindi bagay sakin ang klase na to o baka naman ako ang hindi bagay dito?
Masyadong tahimik dito sa loob at ako lang talaga ang naiiba sa kanila dahil silang lahat may binabasa samantalang ako wala, Nakatunganga lang dito. Mukhang mga English Novel ang binabasa nila tapos ang kakapal pa. Nakita ko naman ang French Novel na binabasa ng babae sa harap ko. Ibang klase sila, Hindi ba sila inaantok diyan?
Hindi ko na namalayan ang oras at biglang nag ring ang school bell. Hudyat na umpisa na ang klase. Isa-isa na nilang binalik ang mga libro nila sa bag nila. Kasabay nun ang pagpasok ng adviser ata naman namin. Ibang iba ang aura niya. Mukhang masayahin ang adviser namin at yun ang nagugustuhan ko.
“Good morning class.” Masaya nitong bati samin. Tumayo ako para bumati rin sana pero nagulat ako ng ako lang talaga magisa ang tumayo at sila hindi.
“Oh! Nga pala! Nandito na nga pala ang bagong transferee natin! Halika dito! Come on!” Parang bata nitong sabi. Lumapit naman ako.
“Kindly introduce youself. Wag kang mahiya sa kanila.” Sabi nito at tumabi sa gilid.
“Ah--uhmmm. I am Anastasia R-rouge.” Halos paos kong sabi ng mapansin kong masama ang titig nila sakin na parang papatay ng tao. “From what school Anastasia?” Tanong ni maam.
“From St. Anthony maam.” Sagot ko. Mas lalo pang tumalim ang mga titig nila.
“Oh! Galing pala sa isang prestigious school. That’s nice. Hindi na ako magtataka kung bakit ka napunta dito sa Star section.” Sabi nito sa akin. Galing nga ako sa tinatawag nilang ‘One of the most prestigious school ‘ dito sa city namin at tinatawag rin ito na bagsakan ng mga matatalino at halos lahat ng school dito ay mahigpit na kalaban nun, kaya hindi na ako ngayon magtataka kung bakit mas lalong tumalim pa ang titig nila sakin. Pinabalik na ako sa upuan ko ng marinig ko ang sinabi ng babae sa harap ko.
“From St. Anthony huh? Let see.” Nang tumingin ako sa kanya ay nakasmirk na siya sakin. Not just an ordinary smirk but a dangerous one.
______________________________
Tinatamad akong ibackread to kaya sorry sa mga wrong typo.
BINABASA MO ANG
Top Student
Mystery / ThrillerSa isang klase kung saan mahigpit ang kumpetisyon, Isa lang dapat ang manguna, Ang maaakyat sa mataas. Na kung saan lahat gagawin para lang manguna, Na lahat ng paraan ay gagawin , Kahit magkamatayan pa.