Chapter 7

402 17 2
                                    

Chapter 7

“Good morning Asia!”  Tumingin ako sa bumati sakin.

“Ah, Kris! Good Morning.”  Bati ko dito pabalik. Sinabayan niya ako maglakad papasok sa building namin. Tumingin ako sa tabi niya. “Hanap mo si Alex?”

“Hindi.”  Walang kagana-gana kong sagot. Wala kasi ako sa mood ngayon mang-entertain ng ibang tao pero sino nga ba ang ie-entertain ko kung wala naman akong makausap dito maliban sa kanilang dalawa?

Tahimik lang kaming naglalakad ng magkahiwalay na kami sa first floor dahil dun nga ang floor nilang mga uhm.... lower section. Nakita ko si Alex sa di kalayuan  na may lollipop pa rin sa bibig, at gaya kahapon, Nakita ko na naman ang mga estudyanteng nakatingin sakin. Hindi ko na lang sila pinansin at umakyat na ako sa papunta sa room ko.

 “Anastasia.”  Napatingin ako sa tumawag sakin. Pagtingin ko, Si Ms. Thalia. Lumapit at tumabi ito sakin.

“Ah Maam Thalia!”  Bati ko dito. Ngumiti naman siya sakin.

“Sabay na tayo?”  Tanong ni maam. Tumango naman ako.

Habang naglalakad na kami paakyat ay nakita ko kung paano siya batiin ng lahat ng estudyanteng masasalubong namin.  Mabait kasi si Ms. Thalia kaya hindi na ako magtataka kung bakit ganon na lang ang paggalang at pagrespeto sa kanya  ng mga estudyante dito.

“Anastasia, Anong masasabi mo sa mga kaklase mo?”  Tanong nito ng paakyat na kami sa third floor. Gusto kong sagutin ang tanong ni maam, pero hindi ko alam ang mga dapat isagot. “Anastasia?”

“Ahh maam. Ano kasi eh .... Okay lang naman po sila. Hindi sila ganun palakaibigan. Saka... Hindi ko pa nga po sila kilala eh.”  Diretsahang sagot ko dito. Tumango tango naman si maam.

“Sumunod ka sakin sa faculty. Maaga pa naman eh, Ipapakilala ko sila isa-isa sayo.”  Utos nito. Kinabahan ako bigla. Teka, ipapakilala sila sakin. Ibig sabihin ba nun ....

“Ipapakita ko sayo ang class picture nila last year.”  Sabi ni maam saka ako tinap sa balikat. Nahalata niya siguro na kinabahan ako.

Sumunod naman ako kay maam sa faculty room. Nakita ko ang ibang mga teacher dun at binati sila. Sinenyasan ako ni maam na umupo sa harap ng table niya habang si maam naman ay may hinahanap sa drawer niya.

Maya maya ay inabot niya sakin ang isang picture, Class picture to be exact.  Mukhang ito nga ang class picture nila last year.  Tingnan ko isa-isa ang mukha nila. Lumapit naman lalo sakin si Ms. Thalia.

“Eto si Antoinette Blue, Ang class president last year hanggang ngayon.”  Tumango tango ako. “ Hindi na nila binago ang officers since last year.”

“Eto naman si Kione, Ang vice president.”  Napanguso ako ng makita ko ang itsura ni Kione. Kione pala ang pangalan ng nangiirap sakin na nakaupo sa harap ko. Napatingin ako kay Ms. Thalia. Hindi ko alam kung  itatanong ko ba o hindi? Aishhh, Bahala na!

“Maam, Totoo po bang apo ng principal natin si Kione?”  Hindi ko alam kung may sense ba tong tinanong ko. Pero wala na, Natanong ko na!

Ngumiti si Maam saka tumingin sa class picture “Yes.”

Tumango naman ako. Ibig sabihin, Totoo ang sinabi nung tatlong babae? Pero sino si Lee?

“Eto naman si Emmanuella, ang secretary. Si Tracey, Ang treasurer. Sila yung mga class officers sa section niyo.”  

“Teka maam, Wala pong peace officer? Muse & Escort? PIO?”

Umiling lang si Maam.  “Sabi kasi nila, Hindi na nila kailangan ng ganon. Kaya daw nilang disiplinahin ang sarili nila kahit walang peace officer. Hindi rin naman daw nila magagamit ang muse at escort, ganon din ang PIO.”

Napahanga ako sa sinagot ni maam. Ibang klase rin pala tong mga kaklase ko.

Pinagpatuloy ni maam ang pagpapakilala sa mga kaklase ko.

“Eto naman si .....”  Tinignan ko ang tinuro ni maam at tumingin rin sa kanya ng napahinto siya.

“Maam, Anong problema?”  Tanong ko dito at napatingin sa babaeng tinuro niya. Tinitigan ko ito ng mabuti.  Parang pamilyar kasi ang mukha nito, Pero parang hindi ko pa siya nakikita sa classroom namin kahapon?

“W-wala.”  Sagot nito saka ngumiti. “Eto si Fretzie.”

Agad kong inilapit ang class picture sa mukha ko para matitigan ito ulit. Teka? Siya si Fretzie? Naalala ko, Sinabi sakin nung lalaking katabi ko na siya daw sana ang class valedictorian nila.

Tinitigan ko pa ulit ito ng mahagip ng mata ko ang pamilyar na mukha na katabi nito.  Nagpalit palit ang tingin ko kay Fretzie at sa katabi nito.

Kung titignang mabuti, Parang siya ang babaeng version ni Fretzie.

Agad ko namang natanggal ang tingin ko dito ng ituro na ito ni Ms. Thalia.

“Eto naman ang kakambal niya....”

Tumango ako.

“Si Alex....”  

Top StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon