Chapter 3
Nang umalis na ang Adviser namin na si Ms. Thalia ay bumalik na ulit ang nakakabinging katahimikan sa buong silid. Kanina si Ms. Thalia lang ang salita ng salita sa harap. Ni hindi kumikibo ang mga kaklase ko sa kanya. Masyado silang tahimik, Napakatahimik.
Tumingin ako sa katabi kong upuan. Wala pa rin ang tao dun o kung meron man na nakaupo. Pero sino nga ba ang nandito? Hindi naman siya siguro absent o late diba? Bakit ko nga pala tinatanong eh nasa star section ako. Dahil nadin sa sobrang nacu-curious ako kaya tinatanong ko na lang ang katabi ko sa kaliwa. “Excuse me? Pwedeng magtanong?”
Tinignan niya lang ako ng kakaiba bago sumagot “What?” Tumikhim muna ako bago sumagot sa kanya.
“Dito,” Sabay turo ko sa katabing upuan na walang nakaupo. “Sinong nakaupo?”
Tinignan lang niya sandali yun saka tumingin sa harap. “Si Fretzie. Ang class valedictorian sana natin.” Class valedictorian? Sana? Pero anong nangyari? Gusto kong magtanong ulit pero wala naman akong lakas ng loob gawin dahil baka sabihin nila na pakielamera ako. Gayong transferee palang ako dito. Tumingin na lang ako sa harap ko at nakita ko ang kaklase kong babae na nakatingin ulit sakin ng masama? Inirapan lang niya ako saka humarap. Tumahimik na muli ang paligid.
“Excuse me! Bumaba daw lahat sa Delkin Hall para sa Class Opening Ceremony.” Napatingin kaming lahat sa lalaking nag-announce sa may pintuan. Nanlaki ang mata ko ng makilala ko siya. Siya yung lalaking nagtanong sakin kanina! Yung may lollipop!
Isa-isa ng nagtayuan ang mga kaklase ko samantalang umalis na yung lalaki. Isa isa rin silang nagsilabasan. Hindi man lang sila nagku-kwentuhan habang naglalakad kami. Nang makarating kami sa Third floor ay may mga estudyante rin na naglalabasan na sa mga kwarto nila. Nang makita nila kaming pababa ay agad silang nagsitabihan. Hindi lang sa paraan na para padaanin kami dahil parang ayaw nilang madikit samin. Pero ng tignan ko ang mga kasama ko ay wala silang pakielam. Ganun lang ang nangyari hanggang sa makababa kami papunta sa Delkin Hall. Lahat ng mga nagdadaldalan at nagkukulitan ay napahinto para tignan lang kaming dumaan.
Nang makapasok na kami sa Delkin Hall ay napanganga ako sa laki! Ang laki nito na halos kasing-laki na ng isang indoor basketball court. Pinaupo agad kami sa upuan sa baba at rinig na rinig ko ang pangbubulungan tungkol sa Section namin. Dahil sa pakiramdam ko ay outcast ako dito kaya medyo umakyat ako at umupo. Kung titignan mo sila dito sa baba, Napakaayos nilang tignan. Kahit ang pagupo nila, lahat!
“Taga star section ka diba?” Napatingin ako sa nagtanong sakin saka niya ako inakbayan. “Anong ginagawa mo dito?” Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya sakin ngunit mas lalo pa niyang hinigpitan yun. Naglabas siya ng isang lollipop at binalatan ito ng mabilis sabay lagay sa bunganga ko.
“Ganyan talaga ang pakiramdam sa umpisa. Pero habang tumatagal, Magiging ganyan ka rin kagaya nila.” Pagkasabi niya yun ay nakaramdam ako ng kakaiba. Hindi ko maipaliwanag kung anong yun pero parang hindi maganda. Umiling iling lang ako at saka tinanggal ang lollipop sa bunganga ko.
“Sino ka ba ha! Feeling close ka eh!” Sermon ko sa kanya habang pilit na kumakawala sa pagkakaakbay niya. Tumingin naman siya sakin at kinindatan ako kaya kitang kita ko ang nunal niya malapit sa mata niya sa kanan. “See, Nagiging anti-social ka na rin.” Sabi niya saka umiling iling pa.
“Pwede ba tigilan mo nga ako!” Hindi ko napansin na napalakas na pala ang pagsasalita ko kaya napatingin samin ang iba, Lalong lalo na ang mga kaklase ko. Nakikita ko sa mga tingin nila ang inis at pagkadismaya. Napayuko na lang ako. Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkaakbay niya sakin kaya napatingin ako sa kanya. “Hindi na sila nakatingin.” Sabi niya habang nakatingin sa baba. Napatingin rin ako at totoong hindi na nga sila nakatingin.
“Alex! Siya ba si Ms. Transferee?” Pabulong na tanong ng nasa likod namin. Hindi ako makalingon kaya hindi ko makita kung sino ang nagtanong pero sa boses pa lang, Alam kong lalaki na siya. “Oo, Si ??”
Tumingin siya sakin na parang nagtatanong. “Asia.” Tipid kong sagot. Tumawa naman yung lalaki sa likod ko. “Ang daldal ah. Ngayon lang ako nakaencounter ng madaldal na taga-star section.” Nagtaas ako ng kilay. “Bakit?” Tanong ko dito, Si Alex naman kuno ang sumagot.
“Wala. Kris, Transferee siya.” Sagot nito sakin at kay Kris. “Ibig sabihin, Hindi pa niya alam?” Tanong nito na ipinagtaka ko. Magsasalita na sana ako ng maramdaman kong hawakan niya ang ulo at ibinaba iyon.
“Alex! Ano ba!” Pabulong kong sabi para makaiwas sa mga atensyon ng iba. Maya maya lang rin ay itinaas niya rin ito. “Alex?”
“Kilala mo na agad ako?” Sabi nito saka ngumiti. Napakamot naman ako ng ulo. Ang kulit! “Shh, Tahimik ka lang. Ikaw na lang ang maingay oh.” Sabi niya sabay bitaw na sakin. Tumingin naman ako at napapansin kong yung mga papasok na lang ang maiingay kaya tumahimik na ako. Tumingin ulit ako sa mga kaklase ko na parang estatwa na hindi man lang gumagalaw.
“Napakatahimik talaga nila.” Bulong ko sa sarili ko ng mapuna ko sila.
“You see, No one plans a murder out loud.” Sagot ni Alex.
BINABASA MO ANG
Top Student
Mystery / ThrillerSa isang klase kung saan mahigpit ang kumpetisyon, Isa lang dapat ang manguna, Ang maaakyat sa mataas. Na kung saan lahat gagawin para lang manguna, Na lahat ng paraan ay gagawin , Kahit magkamatayan pa.