Chapter 4
Napatulala ako sa kanya. Anong ibig sabihin niya dun?
Ngumiti lang siya sakin at tumango “Hindi lang sila basta tahimik Asia.Kailangan ko pa bang tagalugin?” Narinig ko naman ang pag oo nga ni Kris sa likod. Bakit parang ang dami nilang nalalaman? To think na nasa medyo lower section sila dahil na rin sa encounter ko sa kanila nung nasa first floor ako which is doon ang room ng mga taga lower section?
“Bakit? Paano mo nalaman?” Hindi ko na napigilang itanong sa kanya. Tumingin lang siya kay Kris saka tumingin ulit sakin at nagkibit balikat. “Ang galing ko kasi eh.” Sagot pa nito at sabay pa silang tumawa na dalawa. Sinimangutan ko lang sila.
“Pero alam mo Asia, Marami kasing mga bagay na hindi na dapat malaman dahil baka maguluhan ka lang.” Dagdag nito. Siguro tama nga siya, Pero hangga’t hindi ko naman malalaman yun ay baka mabaliw na ako dito kakaisip!
Narinig naman ang mga yabag ng sapatos ng lalaking naglalakad ngayon papunta sa gitna na sa tingin ko ay principal namin. Nagsimula na siyang magsalita ngunit hindi ko maintindihan ang sinasabi niya dahil sa patuloy na pagtatawanan nila ni Kris.
“Shh! Wag kayong maingay!” Suway ko sa kanila. Mas maganda siguro kung hindi na ako pumunta dito at naupo na lang sa tabi ng mga kaklase kong tahimik. Kani-kanina lang eh pinatahimik ako nitong si Alex na to? Tapos ngayon silang dalawa naman ang magiingay?
“Sus, Wag ka ng makinig sa mga sinasabi niyan. Makitawa ka na lang samin!” Sabi ni Kris at tumawa ulit silang dalawa ni Alex. Bigla ko na lang naisip yung sinagot sakin kanina nung katabi kong lalaki tungkol sa babaeng nakaupo sa tabi ko, Si Fretzie. Tutal naman eh magaling nga daw sila kaya siguro maku-kwento nila sakin ang nangyari kay Fretzie.
“Kayong dalawa, Kilala niyo ba si Fretzie?” Tanong ko. Napatigil naman ang dalawa at sabay na napatingin sakin. Kakaiba ang tingin nila na hindi ko maintindihan? “B--akit? May problema ba sa tanong ko?” Tanong ko ng mapansin kong tinignan lang nila ako. Tinapik naman ni Kris ang balikat ni Alex sabay nguso sakin.
“Ano? Sasagutin mo ba?” Mahinang tanong ni Kris kay Alex na rinig na rinig ko pa rin. Teka? Ibig sabihin may alam nga sila? Pero imbes na sagutin ni Alex ang tanong naming dalawa ay nagtanong lang rin siya sakin.
“Sino ang nagsabi sayo tungkol kay Fretzie? Mga kaklase mo ba? Anong sinabi nila sayo?” Sunod sunod na tanong sakin ni Alex. Umiling lang ako sa kanya. “Sinabi lang sakin na soon-to-be class valedictorian niyo daw sana siya. Yun lang.” Sagot ko sa kanya. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya at ang pagkuyom ng kanyang kamao. Dahil dun kaya hindi ko na nagawang magtanong pa ulit sa kanya. Tumahimik na rin silang dalawa.
Hindi namin namalayan ang oras ng matapos na ang class opening ceremony na hindi ko na rin pinakinggan dahil sa pagiisip sa mga sinabi at kinikilos ni Alex. Pakiramdam ko talaga may alam siya tungkol kay Fretzie at hindi lang basta ganun yun.
Isa isa na kaming nagsilabasan at hindi na ako sumabay sa mga kaklase ko dahil dumiretso na ako sa Girl’s comfort room. Pumasok ako sa isang cubicle ng may marinig akong naguusap.
‘Hindi naman talaga matalino yung si Kione eh! Lolo lang niya kasi yung principal natin. Tapos kung makataray, Naku!’
‘Oo nga. Akala mo kasi kung sino, Eh kung hindi na yan ang principal natin baka nasa lower section na yan at kapalit niya si Lee!’
‘Dapat nga daw si Lee yung nasa star section kaso ayun, Kinausap daw siya ng principal natin kaya nakipagpalit daw siya! Yun ang sabi sakin ni Jack!’
Lumabas ako at nakita ko ang tatlong babae na nagre-retouch at naguusap. Tumabi ako sa kanila at binuksan ang gripo para maghilamos. Pag-angat ko ng mukha ko ay nakita kong nakatingin na silang tatlo sakin. Tinuro pa ako ng isa. “Siya yung transferee na kinakausap ni Lee diba?”
Umirap naman ang isa. “Sus, Ginagamit lang siya ni Lee para makilala kung sino ang pumatay sa kambal niya no!”
Tinaasan ko lang sila ng kilay. Lee sila ng Lee, Eh sino ba yun? Tinignan ko lang sila sandali saka kumuha ng tissue at pinunasan ang mukha at kamay ko. Pagtingin ko ulit sa salamin ay napasigaw ako at napaatras ng makita ko ang babaeng nasa basketball court nung isang araw! Nakangiti na naman siya sakin ng nakakaloko at nakakatakot!
“May ipis ba?” Tanong ng isang babae sakin at nagpapanic na tumingin sa paligid. Tumingin rin ako sa paligid at sinipa ang mga pinto ng cubicle para tignan kung nandun siya pero walang tao ni isa!
“Anong nangyayari?” Tanong ng isa pa. Napasandal naman ako sa pader at napahawak sa dibdib ko. Nakaramdam ako ng kakaiba at hindi ko gusto yun. Naramdaman ko na naman ang matinding pagsakit ng ulo ko kaya napahawak ako ng madiin dito..
“Hoy! Anong nangyayari sayo?” Umiling iling ako at napahiga na lang ako. Kinapa kapa ko ang painkiller ko sa bulsa ko ng makita ko na naman siya sa pinto dahilan para mabitawan ko ito.
“Ahhhhh!!” Sigaw ko bago ako mawalan ng malay at bago pa siya mawala sa paningin ko.
BINABASA MO ANG
Top Student
Mystery / ThrillerSa isang klase kung saan mahigpit ang kumpetisyon, Isa lang dapat ang manguna, Ang maaakyat sa mataas. Na kung saan lahat gagawin para lang manguna, Na lahat ng paraan ay gagawin , Kahit magkamatayan pa.