Chapter 4

393 49 14
                                    

Lunch break.

Kasalukuyan kaming kumakain nila Alyssa at Joseph sa cafeteria. Maingay at mainit dito dahil sa dami ng estudyanteng tulad namin ay nanangahalian din.

"Uy! Pahingi naman ng chicken kyurie mo, Otep!"

Akmang sasandok na si Alyssa sa plato ni Joseph nang bigla niyang tinampal ang kamay ni Aly. Nabigla naman si Aly kaya nabitawan niya ang plastic spoon niya at nanlalaking mga matang nakatingin kay Joseph.

"Bakit mo ko hinampas? Ayan tuloy may darating na plastic na babae!" isterikong saad ni Aly.

"Kasalanan ko pa? Patay gutom ka kasi! May adobo ka na nga, naghahanap ka pa ng iba!" usal naman ni Joseph.

Napailing na lang ako sa dalawa. Kailan ba mag-uusap ng matino ang dalawang ito?

"Triston?"

Naputol ang pag-aaway nila Aly at Joseph nang may dumating. Kaagad din naman akong lumingon sa pinaggalingan ng boses.

"Lyka..."

"O 'diba? May dumating nga," dinig kong bulong ni Aly na siyang dahilan kaya bigla siyang sinubuan ni Joseph ng chicken curry.

"Ack! Punyemas ka, Otep!"

"Manahimik ka na lang, Aly! Diba gusto mo 'to? Oh eto pa!" sambit pa ni Joseph at saka muling sinubuan si Aly.

Tumikhim si Lyka kaya muling natuon ang atensyon ko sa kanya.

"Kain, Lyka," paanyaya ko.

Kahit na masakit ang ginawa niya sa akin kahapon. Wala naman akong karapatan. Kaibigan niya lang naman ako. At hanggang doon na lang iyon.

Dapat alam ko kung saan ako lulugar.

"Ah! Hindi na, Triston. Kumain na kasi kami kanina ni Harold sa labas."

Tila nabasag muli ang puso ko sa narinig. Okay lang, Triston. Hindi niya naman alam na gusto mo siya. Gustong gusto. Wala siyang alam. Hindi ka dapat magselos. Hindi ka dapat masaktan.

"Insensitive naman, oh!" pagpaparinig ni Aly.

Nilingon ko siya at pinanlakihan ng mata, hudyat na manahimik siya kung hindi wala siyang narrative report para sa Philo. Nakuha naman niya ang ibig kong sabihin kaya umakto siyang itinikom ang kanyang bibig.

"Ano palang sadya mo, Lyka?" aniko at bumaling ulit kay Lyka.

"Gusto ko lang sana kitang makausap, Triston."

Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin, pero pangatlong beses na niyang tinawag ang pangalan ko ng buo. Hindi gaya ng dati na 'Tris' ang tawag niya sa akin.

"S-sige," kinakabahan kong sagot.

Hindi pa naman niya siguro alam, 'diba? Hindi naman ako naging masyadong halata sa feelings ko, ata? Wala namang nagsabi sa kanya na gusto ko siya-

Nilingon ko si Aly na nagpatuloy na sa pagkain.

No. Kahit ganyan siya, pinagkakatiwalaan ko siya. Hindi niya naman magagawang ilaglag ako.

"Una na muna ako, guys," paalam ko.

Tumango si Joseph habang kumakain samantalang nag-thumbs-up naman si Aly, "Balakadyan sa buhay mo," sambit pa nito.

Napakunot na lang ako ng noo, anong connect?

Sinundan ko si Lyka hanggang sa huminto kami sa Botanical Garden. Napakatahimik dito at kakaunti lang ang mga estudyanteng tumatambay. Medyo tago kasi itong Botanical Garden ng mga Pharma. May mga nagtataasang puno at mga iba't ibang uri ng halaman ang nakatanim. Naupo kami ni Lyka sa mga bench.

Ilang segundo kaming binalot ng katahimikan habang parehas na nakatingala sa mga puno. Dinig na dinig namin ang huni ng mga ibon dahil sa katahimikan. Maliban sa amin ay may isang Pharma student — dahil sa kulay ng lace na suot niya — na tahimik na nagbabasa sa bandang dulo.

"I'm sorry."

Agad akong napalingon sa kan'ya. Nabigla ako nang makitang nakatingin na rin ito sa akin dahilan para bumilis ang pintig ng puso ko.

Sandali akong napatitig sa kan'ya. Palihim na hinahangaan ang kagandahan at kabaitan niya. Nakaramdam ako nang kirot sa aking dibdib. Tama na, Triston. Kaibigan lang ang tingin niya sa'yo at hindi na hihigit pa roon ang nararamdaman niya para sa'yo.

"Sorry talaga Tris kung hindi ko kaagad nasabi sa'yo ang tungkol kay Harold. Sasabihin ko naman sana sa'yo, eh. Kaso—"

I cut her off, "Hindi mo na kailangang magpaliwanag pa, Lyka. Naiintindihan ko naman. Busy ka sa school works mo. Pero medyo nasaktan lang naman ako,  Medyo lang, naglihim ka sa akin, eh." ngiti ko, pero alam kong sa sarili ko na hilaw iyon at hindi iyon umabot sa aking mga mata.

"Hala! Sorry na talaga, Tris! Babawi ako!" aniya at kumapit sa aking braso. Nanigas naman ako sa aking kinauupuan.

"A-ah! B-basta ililibre mo ako!"

"Oo na nga! Sa park? 'Yung ice cream ni Manong Ronald?"

Napangiti ako, at least alam niya kung ano ang paborito ko, "Oo, 'yung ice cream ni Manong. Pero dapat lima, ha?"

Napasimangot si Lyka sa huli kong sinabi.

"Ang takaw mo talaga!"

"Hindi naman. Pero hindi naman magagalit 'yung... ano mo, hindi ba?" hindi ko kayang banggitin ang salitang "boyfriend niya," masyadong masakit sa akin. Kasi ako dapat iyon, eh. Kaso ako yung bestfriend.

"Hindi 'yan! Hindi naman siya seloso at wala naman siyang dapat ikaselos sa bestfriend ko! Parehas ko naman kayong mahal, eh!" ngiti niya.

Napangiti na lang din ako kahit sa loob-loob ko, napakasakit. Oo mahal niya ako, pero bilang kaibigan lang. Dapat ba akong maging masaya o malungkot?

"Kaya mahal na mahal din kita, Lyka."

The Love I Never HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon