Masarap sa tainga ang mga Christmas songs na pinapatugtog sa loob ng cafe. Nakakagaan ito sa pakiramdam dahil kasing laming ng panahon ngayon ang boses ng kumakanta.
Tumunog ang metal wind chimes na nakasabit sa itaas ng pinto, senyales na may pumasok. Ibinaba ko sa lamesa ang aking iniinom na mainit na kape.
"Kumusta na, Triston, pare? Long time no see!" bakas ang pananabik sa tono nito.
Napalingon ako sa nagsalita, mas matikas na katawan nito. Naka-ayos din ang buhok nito hindi tulad ng dati na parang hindi nadadaanan ng suklay ang buhok niya.
"Ayos naman ako, kayo ba ni Alyssa, Joseph?" nakangiti kong tanong pabalik sa kanya at saka nakipagkamay dito.
Naupo sa tapat ko si Joseph, inalok ko siya kung gusto niya rin bang um-order ng maiinom o kumain dito sa Starbucks pero tumanggi siya, aniya kumain na daw sila ni Alyssa bago pumunta rito.
"Eto, halos araw-araw na yata niya akong binubugbog at binubungangaan," reklamo ni Joseph at nagsimula nang magkwento.
Napangiti ako sa sinabi niya, akalain mo 'yun? Nagdilang anghel ako? Sinasabi ko na nga ba't sila rin ang magkakatuluyan sa huli. Hindi na talaga ako nagtaka nu'ng sinabi nilang sila na at ngayo'y isang taon na silang nagsasama bilang mag-asawa.
"Nasaan na pala si Aly?" tanong ko.
"Ayun, nasa Botique na tapat nitong Starbucks. Window shopping muna raw."
Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip. Ilang taon na ba ang lumipas? Pitong taon na rin pala. Ang bilis naman ng panahon. Parang kailan lang ng maging magkakaklase kami sa unang taon namin sa Kolehiyo. Ngayon, nakamit na namin ang mga pangarap namin.
Isa nang ganan na Veterinary Pharmacologist si Aly. Hindi man halata sa kay Aly, pero pet lover siya. Kaya naman ang dami nilang babies— I mean puppies at kittens sa bahay nila. Sobrang bilib ako sa kanya. Akalain mo nga naman, 'yung dating ginagawan ko ng school works dati, milyon na ang kinikita at isa ng propesyonal!
Si Joseph naman, isa na siyang Biological Technician sa isang Ahensiya ng Pamahalaan dito sa Pilipinas. Parehas naman silang mag-asawa na dito nakabase ang trabaho nila. Trabaho nila Joseph ang mag-eksperimento o mag-develop ng mga bagong gamot na makakatulong para makapagpagaling ng sakit. Halos tumira na nga daw iyan sa laboratoryo no'ng unang taon niya sa trabaho.
Samantalang ako ay nakabase sa US bilang isang Healthcare Scientist, isang klase ng Microbiologist na kung saan pini-prevent at kino-control namin ang paglaganap ng infectious diseases.
Pinili kong sa US manirahan kasama ang pamilya ko. Maliban sa mabibigyan ko sila ng maginhawang buhay sa US, doon ko rin kasi sinubukang mag-apply sa trabaho ko ngayon. Gusto kong matuto pa mula sa mga eksperto bago ako bumalik sa Pilipinas at manilbihan sa publiko.
Wala man ako sa Pilipinas, pero alam ko parin ang nangyayari sa kanila rito. Lalo na sa kanya.
Muling tumunog ang wind chimes sa cafe at maya-maya pa ay may lumapit sa amin. Nakasuot ito ng puting loong sleeves, khaki slack at nude block heels. Nakalugay ang itim at maalon nitong buhok taliwas sa buhok niya dati na palaging nakatali dahil buhaghag daw ito.
"Hindi gano'n kagaganda ang mga damit doon! Daan na lang tayo mamaya sa BGC, Otep," sabi ni Alyssa at saka humalik sa pisngi ng asawa.
"I can't say no challenge mo na naman ba ito?" tanong ni Joseph.
Bumaling ang tingin nito sa akin at binalewala ang tanong ng asawa. Bakas ang pagkabigla sa kanyang mukha. Nanlalaki ang mga mata itong lumapit at yumakap ng mahigpit sa akin.
"Oh my goodness marimar! Nandito ka na nga, Triston!" sigaw nito dahilan para maagaw ang atensyon ng mga taong nasa loob ng cafe. I gave them an apologetic look.
Joseph cleared his throat, "Nagseselos ako, ehem."
Hinawakan ko ang magkabilang braso ni Alyssa at inilayo sa aking katawan, "Parang hindi naman ako bumisita rito."
"But that was five years ago! Buti naman at naisipan mong bumalik pa rito!" singhal nito.
Muli namang tumikhim ulit si Joseph kaya napatingin ako sa kanya, "Pakalmahin mo nga muna itong asawa mo," sambit ko.
Lumapit si Joseph at inakay paupo si Alyssa na hanggang ngayon ay bakas sa mukha ang magkahalong inis at saya na makita ako, "Babe, hinay muna. Bawal kang magalit, mas lalo ka lang papangit."
Nanlilisik ang mga mata ni Alyssa nang tumingin ito sa asawa. Napalunok naman sa kaba si Joseph at nag-peace sign dito. Muli akong napangiti sa kanilang dalawa. Ano kaya ang pakiramdam ng may asawa?
Bumaling ang tingin sa akin ni Aly, seryoso ang kanyang itsura ngunit makikita mo sa kanyang mga mata ang pag-aalala. "Sigurado ka na ba sa diyan desisyon mo, Triston? Alam mo, pwede namang hindi ka n—"
"Sigurado na ako," may diin kong sagot.
Napabuntong hininga si Alyssa na ginaya rin ni Joseph at napahilot sa sintido. Napailing-iling pa si Alyssa habang nakahalukipkip na nakatingin sa akin.
"Kung iyan ang gusto mo, suportado ka namin."
BINABASA MO ANG
The Love I Never Had
Krótkie Opowiadania[COMPLETED] There's a time in our life wherein we fall in love to someone we can never have. It's the worst feeling. To see that person everyday knowing that she can never be yours. All you can do is to dream about and wish for her. And we tend to w...