"Ang baboy mo naman, Aly."
"Nagbibigay lang naman ako ng example, ang arte mong payatot ka!"
"Kahit na ang baboy parin pakinggan, pwede namang walang kasamang kulangot, eh."
"Shut up payatoters! At least may ganap ako sa love life ni Triston, eh ikaw?"
Napailing ako sa kanilang dalawa. Nagpatuloy ako sa pagbaba at iniwan sila. Hindi ko na rin muling nilingon sila Lyka, baka kasi mas lalo lang ulit akong masaktan.
"Ayan tuloy iniwan tayo! Paepal ka kasing toothpick ka!"
"Mas paepal ka, huwag kang papatalo."
Nakarinig ako ng mga yabag ng paa. Nag-uunahan ata silang makalapit sa akin hanggang sa mabangga ako ng isa sa kanila.
"Bagal mo naman payatot! Baka bigat na bigat ka pa sa katawan mong 'yan?"
"Tigilan mo nga ako sa kakapayatot mo! Mayroon akong pangalan! It's Joseph! Joseph!"
Nakabusangot akong lumingon sa kanila, "Hindi na talaga ako magugulat kung kayong dalawa ang magkakatuluyan sa huli," walang emosyon kong sambit.
"Wawawaw naman po Triston! Mandiri ka nga sa mga sinasabi mo! Kidlatan ka nawa," sabi ni Alyssa at itinaas ang kan'yang kamay sa tapat ng aking mukha at pumikit. Balak niya atang sa ulo ko itapat, eh kaso ang liit niya.
"Bakit ba napunta sa amin ni Aly ang asar? Diba dapat ikaw kasi broken hearted k— Araouch ko naman Aly!" naiiyak na usal ni Joseph at napahawak sa kanyang sikmura nang sikuhin ito ni Aly. Pati ako ay napangiwi sa nangyari, sino ba naman ang hindi masasaktan kung ang sisiko sa'yo ay may matalim na siko dahil sa kapayatan?
"Maging sensitive ka naman kasi Otep!"
Napabuntong hininga ako, "Okay lang ako, para talaga kayong mga timang. Ano pa palang ginagawa niyo rito?"
Nagpatuloy na muli kami sa paglalakad. Nakatingin lang ako sa harap at hindi ko mapigilang maalala ang nangyari kani-kanina lang.
"Oh ayan na naman siya, tuwang-tuwa ka sigurong saktan ang sarili mo, noh? Huwag mo munang isipin si mareng Lyka at ilibre mo muna kami ni Otep. Maawa ka naman, nangangayayat na, oh!" sinubukan akong akbayan ni Alyssa kaso sa liit niya, hindi na niya halos maisukbit ang kan'yang braso sa aking leeg.
"Akala mo siya hindi payat," pagpaparinig ni Joseph mula sa likod.
"Sana sinagot niyo muna ang tanong ko, diba? Tara na nga sa Starbucks, sagot ni Joseph!" anyaya ko, hinintay kong makasabay sa amin si Joseph saka ko sila inakbayang dalawa.
"Yown! Walwalan na!"
"Bakit sa Starbucks pa, P're? Pwede naman tayong mag Kopiko 78 sa 7/11!" reklamo ni Joseph.
Napabitiw ako sa pagkakaakbay sa kanila para buksan ang bag ko at ipacheck sa Guard ito. Gano'n din ang ginawa ng dalawa. Hanggang ngayon hindi ko parin makuha kung bakit kailangan pa naming ipacheck ang bag kapag lalabas na kami sa campus. Wala naman sigurong may balak na mag-uwi ng armchair sa mga bahay nila, 'diba?
"Ito naman! Pagbigyan mo na ang broken hearted! At saka ang yaman-yaman mo pero ang kuri-kuripot!" singhal sa kan'ya ni Alyssa mula sa kaliwa ko. Wala ng nagawa si Joseph kung hindi ang umu-oo. Mahirap na at baka bigwasan pa siya ni Aly.
Napangiti ako, dahil sa kanila kahit panandalian lamang, nakakalimutan ko ang sakit.
Mayroon din naman akong mga kaibigan bukod kay Lyka at ito ay ang dalawang tukmol na nasa magkabilang gilid ko.
Parehas kaming kumukuha ng BS Biology at magkakaklase na kami simula pa no'ng unang taon namin sa Kolehiyo.
Si Joseph ay anak ng isang Congressman dito sa aming syudad. Mayaman, matalino, may itsura pero hindi pala-ayos sa sarili kaya palagi siyang inaasar ni Alyssa. Mas matalino pa sa akin ito, paano kasi nasa kan'ya ang lahat ng pressure ng pamilya niya, only child, eh.
Si Alyssa naman, may pagka-boyish kung kumilos pero siguro kung inaayusan din ito tulad ng mga kikay, t'yak dadami ang manliligaw nito. Hindi siya katalinuhan pero madiskarte. Iblackmail daw naman ba ako na sasabihin niya kay Lyka na matagal ko na siyang minamahal ng palihim. Ang kapalit? Ako ang gagawa ng mga school papers niya sa mga major subjects namin. Mautak.
Walking distance lang ang Starbucks mula sa University namin kaya naglakad lamang kami. Sa aming paglalakad, walang ginawa ang dalawa kung hindi ang magbangayan sa mga bagay na walang kabuluhan.
Nang makarating kami, kaagad na humanap si Aly ng mauupuan habang dumeretso naman si Joseph sa counter para mag-order. Nagagawi naman kami rito kapag sobrang daming gagawin, dito na kasi kami gumagawa ng mga school papers at s'yempre, hindi naman kami kasingyaman ni Joseph kaya siya ang nanglilibre sa aming dalawa. Kaya naman alam na rin ni Joseph kung ano ang oorderin niya para sa amin.
Umupo ako sa tapat ni Aly at inilabas ang binabasa kong libro kanina sa room.
"Hoy Triston! Tapos mo na ba 'yung post-lab ko?"
Pinaningkitan ko siya ng mata, kay kapal talaga ng apog ng babaeng ito.
"Opo, Master Aly."
"Good job!"
Napailing ako sa kan'ya. Dumating na si Joseph at naupo sa tabi ko. Wala talagang may balak sa amin na tumabi kay Aly, ayoko namang umuwi na puro pasa ang katawan ko sa kakahampas at kurot niya, noh. At alam king gano'n din ang naiisip ni Joseph.
Habang hinihintay namin ang inorder ni Joseph, nagkwentuhan muna kami. Ang topic? Ako at ang sugatan kong puso. Ang saya talagang maging kaibigan ang dalawang ito.
"Bakit kasi hindi mo na lang sabihin sa kan'ya na gusto mo siya, Triston?" tanong sa akin ni Joseph.
Pinanlakihan naman ng mata ni Aly si Joseph at sinipa ito mula sa ilalim ng mesa, "Bobo ka ba, payatoters?! Kapag sinabi niya, wala na akong ipamba-blackmail sa kan'ya!"
"Aray ko! Kanina ka pa, Aly ha! At kasalanan ko pa kung wala nang gagawa ng school papers mo? Hindi naman nakakamatay ang pagiging masipag, Alyssa. Try mo rin kaya, 'diba?"
Napabuntong hininga ako habang nagbabasa at saka sinagot si Joseph, "Alam mo kasi sa panahon ngayon Joseph, kapag umamin ako, lalayo siya."
"Wawawaw hugot!" napapalakpak ng malakas si Aly dahilan para mapalingon sa amin ang mga tao sa loob ng café.
"So ano? Ikikimkim mo na lang ba 'yan, habang buhay?" tanong ulit ni Joseph.
Silence enveloped the three of us until I finally broke it.
"Ganoon na nga siguro."
BINABASA MO ANG
The Love I Never Had
Conto[COMPLETED] There's a time in our life wherein we fall in love to someone we can never have. It's the worst feeling. To see that person everyday knowing that she can never be yours. All you can do is to dream about and wish for her. And we tend to w...