Chapter 2

719 53 31
                                    

Nangingibabaw ang ugong ng makina mula sa bendilador na nasa kisame. Tahimik akong nagbabasa ng libro tungkol sa Molecular Biology sa isang sulok. Tapos na ang klase pero pinili ko munang magpaiwan sa classroom namin para magbasa. Masyado na kasing madaming tao sa library at isa pa, may hinihintay ako.

I'm a graduating BS Biology student in a state university. Hindi kami ganoon kayaman kaya pinagsisikapan kong makapagtapos para sa mga magulang ko at pangarap ko.

Hinay-light ko ang mga importanteng salita sa librong may kalumaan na. Nagpapasalamat ako sa best friend ko dahil ibinigay niya itong libro sa akin. Luma na ito dahil sa kapatid niya pa ito nanggaling, pero wala naman na akong karapatan pang magreklamo. Pasalamat pa nga ako at nabawasan pa ang mga gastusin ko.

Nadistorbo ako sa pagbabasa nang makarinig ako ng umalingawngaw na tunog ng takong, sunod-sunod ang pagtunog nito tila may tumatakbo.

Bumukas nang marahas ang pinto at iniluwa nito ang isang babaeng tila hapung-hapo. Tagaktak ang pawis nito sa noo at wala na sa ayos ang buhok nitong nakapusod. Nakasuot ito ng puting loongsleeves na pinaibabawan ng itim na vest. Nakapencil cut skirt din ito at heels na parehas na kulay itim.

Despite on her current appearance, she's still beautiful and will always be beautiful in my eyes no matter what.

Agad akong tumayo at lumapit sa kan'ya upang alalayan siya, "Ayos ka lang ba, Lyka?"

Tiningnan ako nito ng matalim at saka naupo sa pinakamalapit na armchair.

"Adik ka ba? Malamang hindi! Kita mo na ngang hinihingal pa ako dahil sa pagtakbo papunta rito!" aniya at nagbuga ng isang malalim na hininga.

Napakamot ako sa aking batok.

"Sino ba kasi ang nagsabi sa'yong tumakbo ka papunta rito? Hindi naman ako mawawala nang parang bula."

Alam mo naman na palagi lang akong narito para sa'yo at kayang kaya ko namang maghintay para sa'yo.

Nakaugalian na kasi namin na hintayin ang isa't isa pagkatapos ng dismissal. Kindergarten pa kami no'n at hanggang ngayong nasa huling taon na kami sa Kolehiyo, ginagawa pa rin namin.

She uttered a 'tsk.'

"Hindi nga pero ayaw ko namang paghintayin ka ng matagal, noh. Hindi ko ugali 'yun," seryosong sambit niya habang nakatingin sa akin.

Nakakabakla man kung papakinggan, pero mga pare! Kinikilig ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Para akong hinehele at dinadala sa paraiso. Walang halong biro.

Ramdam ko ang pag-init ng aking mga tainga, malamang namumula na ang mga ito. Wala sa sarili tuloy akong napakamot muli sa aking batok at bahagyang napayuko.

Sometimes, she made me feel that I actually had the chance with her but whenever I tried to take that chance she made me realized that... I never really did.

O baka wala naman talaga siyang binibigay na motibo? Ako lang naman ata ang nagbibigay ng mga kahulugan na hindi naman dapat bigyan?

"Hoy! Ikaw naman ang tatanungin ko, okay ka lang ba?" tanong niya at sinilip ako mula sa aking pagkakayuko. Napaiwas ako ng tingin at tumikhim.

"Oo naman, tara na nga!"

Nagmamadali akong bumalik sa upuan ko at iniligpit ang aking mga gamit. Nang matapos ay kaagad akong bumalik sa kinauupuan niya.

"Arat na!" anyaya at tumayo na.

Pagkalabas namin ng room ko, may isang lalaki ang nag-aabangan sa labas. Nakasandal ito sa pader habang nakapamulsa ang mga kamay.

May katangkaran, matipuno, may kaputian, at naka-clean cut — mukhang malinis ika nga ng mga kababaihan.

Kaagad itong umayos ng tayo nang makita kami at lumapit kay Lyka. Base sa unipormeng suot niya, isa siyang Engineering student.

Napakunot ang noo ko. Hindi ko gusto ang presensya niya. Parang ang angas at mayabang.

"Lyka," pagtawag niya sa aking kaibigan. Ngumiti pa ito ng matamis kay Lyka at akmang kukunin ang kan'yang bag.

Otomatiko akong humakbang at inilagay si Lyka sa aking likod. Hindi ako papayag na may basta na lang makahawak kay Lyka habang narito ako. Lalo na kung lalaki ito.

"Whoa! Easy ka lang pare! Ihahatid ko lang naman pauwi ang girlfriend ko," anito sa isang maangas na tono habang nakataas ang dalawang kamay sa ere.

Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko. Natulala sa lalaking kaharap ko. Tila naririnig ko ang unti-unting pagkabasag ng puso ko. Pinigilan ko ang maiyak kagit masakit. Lalaki lang ako, may pakiramdam, nasasakatan, lumuluha.

Parang kanina lang ay kinilig ako sa paraan ng pagtingin sa akin ni Lyka, ha? Tapos ngayon... ito... malalaman ko na lang na mayroon na pala siya.

Ang bilis namang mapalitan ang saya at kilig ng sakit.

Napapitlag ako ng hawakan ako ni Lyka sa aking balikat at napalingon sa kan'ya. Hindi ko alam kung nakikita niya ba sa aking mga mata ang sakit na pilit kong ikinukubli.

"T-tris... sorry kung ngayon ko lang sasabihin sa'yo. Ano kasi uhmm... Si Harold, boyfriend ko. H-harold, si Triston, best friend ko," utal-utal niyang sambit.

Best friend... hanggang doon na lang ba talaga ako?

As I blinked I felt a teardrop escaped in my eyes. Kaagad akong yumuko para hindi niya makita.

Ang sakit na malaman na mayroon na siyang nobyo. Pero ang mas masakit ay nagawa niyang maglihim sa akin.

I gulped and cleared my throat, "Sige Lyka, mauna na ako sa inyo mukhang may kasabay ka naman na, eh," aniko at saka humarap sa lalaki, "Ikaw, ingatan mo si Lyka. Bubugbugin kita kapag sinaktan mo 'yan," pagbabanta ko.

"Psh. No need to say it, pare. Iingatan ko talaga si Lyka."

Matalim ko siyang tinitigan. Siguraduhin mo lang. Sabi ko sa aking isipan.

"H-hey, ano ba 'yan. Kung magtitigan kayo para kayong magpapatayan."

Ako ang unang bumitiw sa titigan at humarap kay Lyka, "Mag-ingat ka, ha?" paalala ko at saka ginulo ang buhok niya.

"Tsk! Nakakainis ka talaga, Tris!"

Ngumiti lamang ako at nagsimula nang maglakad palayo sa kanila. Nang nasa tapat na ako ng hagdan, lumingon ako sa kanila na siyang pinagsisihan ko, nakita ko silang magkayakap habang nasa noo ni Lyka ang labi ng lalaki.

"Can't you see that I'm the one who understands you, been here all along so why can't you see, you belong with me."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

Nakangisi ito sa akin at marahang umiling-iling, "Mas madali pang mangulangot nang patago kaysa magmahal ng palihim, Triston."

The Love I Never HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon