Final Chapter

518 45 13
                                    

Hindi ko aakalain na darating ang araw na ito.

Naaalala ko pa kung paano kami unang nagkakilala...



"Ang panget mo!"

"Ang baho pa!"

"Feeling maganda!"

Nasa swing ako nang makarinig ako ng kantsawan ng mga batang babae hindi kalayuan sa akin. Kasalukuyan akong kumakain ng adobong sitaw, niluto para sa akin ni Lola. Balak ko sanang sa classroom na lang kumain para tahimik kaso sabi ni teacher bawal daw doon kumain.

"Eto ang dapat sa'yo!"

Napalingon ako nang dahil doon, kita ko kung paano sinipa ng batang babae na naka-ponytail 'yung isa pang babae na may bangs. Napaupo 'yung babae dahil doon at nagsimula nang umiyak.

Mabilis kong ibinalik ang kutsara sa baunan ko at tumakbo papalapit sa kanila.

"Hoy! Bawal daw manakit sabi ni teacher!" sigaw ko.

Nabigla naman 'yung tatlong bata at nagmamadaling nahsitakbo papaalis. Mga duwag naman pala!

Nilingon ko yung batang nakasalampask sa lupa.

"Ayos ka lang bata?" inilahad ko ang kamay ko pero hindi niya iyon tinanggap.

Mag-isa siyang tumayo at pinagpagagan ang marumi niyang palda. Nang matapos ay nag-anggat ito ng tingin sa akin.

Sumalubong sa akin ang bilugan at itim niyang mga mata, bakas pa ang luha sa mga iyon. Isa lang ang alam ko, hindi totoo ang sinabi mg mga bata kanina. Hindi siya pangit.

"Salamat po."

"Walang anuman, sa susunod tawagin mo ako kapag inaaway ka ulit ng mga babae na 'yun!"

"Teka, paano kita matatawag eh hindi ko naman alam ang pangalan mo?"

"Ay! Oo nga no? Ako pala si Triston Cayabyab, 8 years old!"

Humagikgik ang batang babae sa turan ko at nagpakilala rin, "Ako naman si Lyka Marie Canlas, 7 years old."

Parehas kaming napatawa sa pagpapakilala namin.





Parang kahapon lang ang mga sandaling iyon. Parang kailan lang no'ng pimagtanggol ko siya sa mga umaaway sa kanya. Ang bilis ng panahon. Hindi na kami mga bata pa.

Lumipas man ang maraming taon, nagbago man ang pisikal naming mga kaanyuan, pero ang nararamdaman ko para kanya... hindi kailanman nagbago.

Magkaiba man ang estado namin sa buhay, himdi naging hadlang iyon sa pagiging magkaibigan namin. Doon ko nalaman na, siya na talaga. Siya na ang babaeng gusto ko makasama habang buhay.

Bumukas ang pinto ng simbahan, sinalubong kami ng liwanag mula sa labas at unti-unting nitong iniluwa ang pinakamagandang babae sa aking paningin.

Nagsimulang tumunog ang paborito namjng awitin. Awitin na ipinangako namin sa isa't isa na aming patutugtugin sa araw ng mga kasal namin.

Nagsimula na siyang maglakad papalapit sa altar. Papalapit sa akin. Kitang kita ko kung gaano siya kasaya.

Napangiti ako. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang nangyari kung paano kami napunta sa ganitong sitwasyon...



"Kaya mahal na mahal din kita, Lyka."

Kita ko kung paano siya natigilan sa sinabi ko. Rumihistro rin sa kanyang mga mata ang gulat, pagtataka at takot.

Kaagad ko iyong binawi, "Syempre bilang kaibigan!" aniko at pilit na ngumiti.

Napabuga siya sa hangin, tila nabunutan ng tinik, "Akala ko kung ano! Alam mo namang mahal na mahal ko si Harold, Tris."

"Kaya sana... sana, wala kang feelings sa akin." pero, huli na. Matagal na akong may nararamdaman para sa'yo. Gusto kong sabihin. Gusto ko nang sabihin sa kanya. Pero naduduwag ako.

"I mean, romantic feelings. Alam mong mahalaga ka sa akin. Ayaw kong masaktan ka." dagdag niya pa.

Huli na, Lyka. Nasaktan na ako. Nasaktan mo na ako.

Pilit ako ngumiti sa kanya at bahagya tumawa, "Sino bang magkakagusto sa'yo? Himala nga't niligawan ka nu'ng Harold na 'yon!"

Binatukan niya ako, "Walang hiya ka! Ang kapal naman ng mukha mo!"

Parehas kaming napatawa sa nangyari.





Huminto siya sa tapat ko, ngumiti siya sa akin. Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak. Mapaiyak nang hindi dahil sa sobrang tuwa... kung hindi sa sobrang sakit. Ang sakit sakit.

"Salamat, Tris," bulong niya na siyang ginantihan ko ng ngiti.

Nilagpasan niya ako at umangkla sa braso ng isang lalaki. Si Harold. Nilingon nila akong dalawa at sabay silang ngumiti sa akin.

Pinilit kong ngumiti sa kanilang dalawa. Ang sakit makitang ikakasal na ang taong mahal mo sa iba. Pero kailangan kong tanggapin... na hindi siya ang para sa akin. Siguro kasalanan ko rin, I hid my feelings for her and I will still take that secret to my grave.

Pero kahit na ganoon, nandito lang ako lagi para kay Lyka. Kahit pa bilang kaibigan niya.

I felt a hot tear rolled down on my cheeks. I secretly wiped it off. Muli akong ngumiti, ngiting unti-unti ko nang tinatanggap ang katotohanan.

Loving her is the most beautiful and painful thing I've ever done. As much as I love her, I can't. And it hurts... it hurts so much to want someone... that you can never have.


###


The Love I Never HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon