"Hey Tris, have you ever been in love?"
Isinara ko ang librong binabasa ko at nilingon siya.
"Bakit mo naman natanong?"
"Basta! Sagutin mo na lang! Sagutin daw ba 'yung tanong ko ng isa pang tanong, tsk!"
Tinitigan ko siya. Bakas sa mukha niya ang iritasyon, nakakunot ang kan'yang noo at nakabusangot ang mukha. Hinahangin ang kan'yang itim at mahabang buhok gawa ng hangin na pumapasok sa bintanang katabi niya. I smiled.
She never knew and she will never know.
"Siguro," sagot ko.
Mas lalong nalukot ang magandang mukha niya. Nangingiti akong umiling at bumalik sa pagbabasa.
"Anong siguro? Ayusin mo kasi sagot mo Triston!"
Nagkibit-balikat ako sa turan niya dahilan para mas lalo siyang mainis.
"Bahala ka nga diyan! Damot nito, nagtatanong lang, eh!" Pabulyaw niyang sambit at nagmartsa palabas sa classroom namin.
Kaming dalawa na lamang ni Lyka ang naiwan sa classroom dahil mas gusto kong nag-a-advance reading sa room kaysa sa bahay. Hindi ko alam kung bakit.
Napailing ako, napakamainitin talaga ng ulo ng babaeng iyon. Weird mang sabihin pero isa yu'n sa mga bagay na nagustuhan ko sa kan'ya bilang kaibigan.
Mabilis kong iniligpit ang gamit ko at dali-dali siyang sinundan. Hindi ko matitiis na mayroon siyang tampo sa akin.
"Lyka, sandali lang!"
Huminto ito at marahas na lumingon sa akin, "Oh, bakit?" masungit na tanong nito.
Mayroong dumaan na dalawang babae kaya naman hinintay ko muna silang makalayo bago ako magsalita.
"Huwag ka nang magalit," aniko sa isang malambing na tono. Sinamahan ko pa ito ng konting paawa para umepektibo.
"Bakit ba kasi ayaw mong sabihin sa akin? Akala ko ba walang lihiman?" pabiro itong umirap sa akin at humalukipkip.
Ngumisi ako at ginulo ang kan'yang buhok, tinampal naman niya ang kamay ko, "Ano ba!" singhal niya.
"Oo, nagkagusto na ako sa babae," pag-amin ko.
Nanlaki ang kan'yang mata at kinurot ako sa tagiliran.
"Aray ko naman Lyka!" reklamo ko, napakasakit niya talagang mangurot! Parang matutuklap 'yung balat ko!
"Ikaw ha! Hindi mo sinasabi sa akin na may crush ka na pala!" she huffed and rolled her eyes.
Malungkot akong napangiti, "Kahit naman sabihin ko sa'yo wala naman akong pag-asa sa kan'ya, eh."
Lumingon ito sa akin nang nagtataka, "Bakit naman? Gwapo ka naman, ah? Mabait, matalino tapos gentleman pa?"
"Talaga ba? Eh bakit hindi niya ako gusto?"
Nagsimula na kaming maglakad palabas ng campus. Binagalan ko ang paglalakad para masulit ko ang oras na kasama ang kaibigan ko.
"Baka bulag siya? O kaya mababa ang standards niya," aniya at saka tumawa.
Napailing na lamang ako at piniling manahimik. Hinila ko siya at nagpalit kami ng pwesto ng makalabas kami ng campus, hindi ko naman hahayaang mahagip siya ng mga sasakyan sa sidewalk.
"Alam mo nakakainis minsan si Cupid, eh."
I looked at her, nakatitig lamang siya sa harapan niya habang nakahawak sa strap ng backpack niya.
"Bakit mo naman nasabi?"
"Kasi palagi na lang siyang nauubusan ng arrows kaya imbes na dalawang tao ang napapana niya, isa na lang. Nagkakaroon tuloy ng unrequited love."
Napahinto ako sa paglalakad at tinitigan ang kan'yang likod habang siya ay nagpatuloy sa paglalakad.
Kung titingnan mo, mukha siyang masungit dahil sa singkit niyang mata pero kung makikilala mo siya nang lubusan, matutuwa ka sa kainosentihan at pagiging palabiro niya. Syempre hindi naman mawawala sa mga babae ang maging moody pero para sa akin hindi naman iyon nakakainis.
Hindi man siya ganoon katalino pero mabait naman siya. At nasabi ko na bang napakaganda niya? Hayskul pa lamang kami ngayon pero maraming lalaki na ang gustong makuha ang atens'yon niya, nagkakandarapa para maging nobya siya.
"Hoy Tris! Ano pang ginagawa mo d'yan? Bilisan mo kasing maglakad para kang pagong!" sigaw niya mula sa malayo.
Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses niya.
Kumapit ako nang mahigpit sa strap ng bag ko, "Nagulat kasi ako sa biglaan mong paghugot!" sigaw ko pabalik at hinabol siya.
Maraming lalaki ang naiinggit sa akin dahil nakakalapit ako kay Lyka, nakakausap ko siya, nakakabiruan.
But I don't know if I should be happy because she is my friend or cry because that's all I will ever be.
BINABASA MO ANG
The Love I Never Had
Cerita Pendek[COMPLETED] There's a time in our life wherein we fall in love to someone we can never have. It's the worst feeling. To see that person everyday knowing that she can never be yours. All you can do is to dream about and wish for her. And we tend to w...