Pain 4

3 0 0
                                    

Inaatake nanaman ako ng insomia ko. Nakakainis! I badly want to sleep! Tumayo ako sa pag kakahiga at tinignan ang mga natutulog na kaibigan ko.

It's been a week since the day I came here and met these people with mental disorders, hoping that they'll be fine soon.

Tumayo ako nang mapansin na wala si Aly sa higaan niya. Where is she?

Nag suot ako ng tsinelas at lumabas nang tahimik sa tent. Hahanapin ko si Aly at baka napano na iyon gabing gabi na.

Sumalubong sa akin ang malamig na hangin kaya na payakap ako sa sarili ko. I am just wearing a spaghetti strap and pajama. I don't have jacket coz i forgot to brought it here in the camp.

Nakapatay na ang siga ng kahoy at patay na ang ilaw ng bawat tent, tanging tunog ng kulisap ang maririnig sa paligid. Nag umpisa na ako mag lakad lakad para hanapin ang kaibigan.

"Tama na...." napatigil ako sa narinig at nangilabot. Ano yun?

Sinundan ko ang boses ng babae na umiiyak hangang sa marating ko ang isang malaking puno ng kahoy di kalayuan sa tent namin.

"Argh... tama na..." nakita ko ang isang babae na nakayuko at yakap ang sarili habang umiiyak.

Alysandra?

Iyak ito ng iyak habang paulit ulit na sinasabi  ang salitang .tama na..

"Aly?" Pag tawag ko sa pangalan niya.

Tiningala ako nito at sinunggaban ng yakap habang umiiyak " Amanda....." banggit nito sa pangalan ko

"Why are you crying? What happened?" Nag aalala kong tanong, ngunit iyak lang ang itinugon nito. "Tahan na..." hinagod ko ang likod nito para patahanin. Nanatili kami duon ng mga limang minuto hangang sa humupa na ang luha niya. "Okay ka na?" Tanong ko nang kumalas siya sa yakap. Tumango ito habang nakayuko. "Mind to share?" Inalalayan ko itong umupo sa malaking ugat ng puno bago ito tabihan.
" ewan ko.." umpisa nito habang humihikbi "nababaliw na ata ako... lagi nalang ganito! Hindi ko maiwasan isipin na wala akong kuwentang tao! I am so fuckin' worthless! And i hate myself for being like this.... i hate myself." Muli nanaman tumulo ang luha nito. Seeing my friend like this breaks my heart. Kahit ako nalang, wag sila...

Huminga ako ng malalim " hey... don't say that, okay? You are not worthless..." ngumiti ako dito at pinahidan ang luha niya

"Kung may kwenta akong tao! Bakit hindi ko natulungan ang kapatid ko sa sakit niya?! Bakit namatay siya?! Tell me why she died! I am worthless! Wala akong kuwentang tao!" Humagulgol ito nang iyak

"Look, Alysandra, hindi mo na hawak yun." Umayos ako ng upo at sumandal sa puno " death is a human thing... dadating talaga sa punto na mawawala ang isang tao. Maaga man, o matagal bago iyon mawala." I stopped. I suddenly remember my mom. " wala na tayong kontrol sa buhay ng tao. No one knows when our lives will end. Ayun ang nakatakdang mangyari...."

"Bakit kailangan niyang mawala ng maaga?" puno ng sakit na tanong nito " siya nalang ang meron ako..."

" isipin mo nalang.... hindi na siya mahihirapan sa sakit niya. She'll not going to experience this cruel life anymore. Magiging masaya na siya palagi." Pag papaunawa ko dito at ngumiti. Natahimik ito at tinitigan ang mga paa.

Hinayaan ko lang siya at hindi na ako nag salita pa. Muli kong nayakap ang sarili dahil sa pag ihip ng malamig na hangin. " Amanda..." napalingon ako sa pag tawag niya sa akin " thank you... that helped, really." Niyakap ako nito ng mahigpit " always remeber that you have worth. You are a precious gem, Aly. Always remeber that." Hinagod ko ang likod nito at kumalas sa yakap " bumalik ka na sa tent at matulog." Ngumiti ako dito at tumayo para tulungan siyang tumayo. "Ikaw?" Hindi na ito lumuluha pero may tumatakas parin na hikbi mula sa labi nito " hindi pa ako inaantok. Sige na, goodnight." Paalam ko dito at pina una na siya sa tent.

Natulala ako. No one is worthless except for me. In all precious gems around me, I am that one stone who doesn't belong.

Napapikit ako nang umihip muli ang napakalamig na hangin. Tinignan ko ang wrist watch ko. It's already twelve midnight.

Natigilan ako nang biglang may nag patong ng kung anong tela sa balikat ko. Nilingon ko kung sino ito. It was angelo..

"It's too cold in here, you should bring a jacket." He said coldly

"Thanks."

An awkward silence suddenly appears. Why is he staying beside me, anyway?

"The way you gave that advice.... it seems like you already forgot the reason why you're here. You shouldn't be like that. Show us that you are weak, show us that you are afraid. " Natigilan ako sa sinabi nito. Nilingon ko ito at tinitigan. His usual cold eyes suddenly change and turn out to an eye full of emotion and pain...

Sinubukan kong mag salita ngunit walang boses ang tumakas sa mga labi ko kaya pinili ko nalang manahimik at yumuko. He is right... i shouldn't act like this.

I gasp when I felt a tear escape from my eyes. Not this time...

"Go to sleep." Tinapik nito ang ulo ko at umalis na. 

Hinawakan ko ng madiin ang jacket na ipinatong niya kasabay ng pag agos ng mga luha ko.

You are worthless...

You are nothing but a big disappointment to this family!

Wala kang utak!

Ayan lang ba ang kaya mo?!

Ayan na nga lang ang pinagagawa ko ay hindi mo pa magawa!wala kang kwenta!

Napahagulgol ako nang muling bumalik sa akin ang ala ala kung kelan palagi akong hinihiya sa harap ng madaming tao ng sarili kong ama. He never sees my worth. He never treats me as his own. He never loves me! He loves her wife more than me! I am nothing to him but a big dissapointment! My best will always be not enough for him! He never sees how I tried my best just to satisfy him! And I bet when I am already dead.... he will not feel anything, he'll not get hurt. He doesn't care at all!

I look up the stars... they all shine perfectly but hide thousands of secret and stories. Just like me. I never show my pain and never let anyone see it. I hide those tears behind my smiles and lies. Keeping my darkest stories just for me to look perfectly fine.

Suicidal CampWhere stories live. Discover now