Tsapter 47 - Pagsisisi

4K 82 7
                                    

Harren POV

After ng pag uusap namin ni Daddy, di ko maiwasang ikumpara ang dalawa. Cindy - kung titingnan mo she's perfect, babaeng babae at mukhang aalagaan ka pero hindi on the other hand, MK - makulit, isip bata, brat pero marunong mag alaga, magluto..wala man sa itsura pero she's a keeper. Natatakot akong muling magkamali ng desisyon baka lalong mawala lahat sakin kaya I'll stick with what I have. Pero nahihirapan na ako, namimiss ko na si Sweet ng sobra. Mula nung nagsama kami ni Cindy, marami akong na realize lalo na sa nararamdaman ko.  Natapos ang pagmumuni muni ko ng nagsalita si Cindy. Kasalukuyan kaming nasa grocery..

"Eto pa Harren. I want this"  -sabi nya

"Anong gagawin mo sa napakaraming itlog na yan?magbebake ka ba?" - pagtataka kong tanong

"hindi,wala akong alam sa baking noh. Stock sana." - sagot nya

"That's too much baka naging sisiw na yan bago pa natin naluto" -sabi ko

"Tse! Di ikaw mag grocery!Leche!" -sagot nya at iniwan ako dito

Di ko na sya hinabol. Napapagod ako sa kaartehan nya. Habang nakatingin sa itlog, may naalala ako.

FLASHBACK

"Sweet, okey na ba to?" - tanong ko

"Hahaha..a-anong gagawin mo dyan sa napakaraming itlog?Hahaha..sabi ko bibili tayo ng stock hindi magtatayo ng poultry. Baka sisiw na yan bago pa natin nakain. Hahaha" -sabi nya na tawa pa rin ng tawa

"Ewan ko syo. Di ikaw na!" -sabi ko na naiinis, pahiya ako dun ah. Nilapitan nya ako at humilig sa balikat ko. Pinagtitinginan kami ng mga tao.

"Wag ka nang magtampo. Pag mag gogrocery ka Sweet, yung sakto lang hindi labis, hindi sobra. Tingnan mo yung expiration date." - sabi nya sakin habang kumukuha ng oatmeal at kape.

Tumatango tango lang ako. Di ko akalain may alam pala sa buhay tong babaeng to. Hehe..

Akmang ibabalik ko yung mga itlog pero nagsalita sya..

"Hayaan mo na yan. Ipagbebake na lang kita. Okey ba yun?" - nakangiti nyang tanong

Tumango ako at napangiti.

END

Napangiti ako sa naalala ko. She's a keeper. Ayaw nyang sumasama ang loob ko. Pero eto ako ngayon, nag go grocery magisa.

Nakakainis, nung kami ni MK partner kami dito actually sa lahat ng bagay. Pag off ko, naglilinis kaming dalawa kasi ayaw nyang may katulong kami. Mas gusto nya na daw na sya ang mag aalaga sakin at sa bahay namin. How sweet samantalang si Cindy, gusto nyang magkatulong kami at nang di ako pumayag,AKO!ako ang gumagawa. Arrgghhh!

Nagtext na si Cindy na nasa parking na sya. Agad kong binayaran lahat at pumunta aa parking. Damn!shopping na naman!

puro paperbags.

"Shopping?again?" -naiinis kong tanong

"Bakit?bwisit ka eh" -sabi nya

"Kekelanganin mo ba yan?" - tanong ko pa

"Hindi naman. Gusto ko lang" - pagkikibit balikat nya

"Sa susunod, bumili ka lang kong kelangan mo na. Wag kang magastos" -sagot ko bago tuluyang pinaandar ang kotse. Sabi nga ni MK, dapat bumili kami kung kelangan lang hindi porket may pera dapat magastos na. Dapat masinop kami. Haiissttt.

Pagkababa namin ni Cindy sa sasakyan, nilapitan kami ng mga batang pulubi pero..

"ANO BA? TSUPI!LUMAYO NGA KAYO SAKIN? ANG DUDUMI NYO! " -sigaw nya

Hinawakan ko ang braso nya at inawat sya

"Stop it!" -sabi ko

Nilingon ko yung mga bata at kumuha ng biscuit sa grocery bag

"Pasensya na hah. Oh eto, paghati hatian nyo lang at saka biscuit oh" - sabi ko,.

"Ano bang ginagawa mo?" -tanong sa inis ba tono

"Im helping. Di mo dapat sinigawan yung mga bata" - sabi ko

"I dont care. Madumi sila" -sabi nya sabay talikod. Napailing na lang ako. Kung si MK ,iba ang gagawin nun baka nga pinag bake nya pa to ng cake.

Pagkapasok namin sa bahay. Agad syang pumasok sa kwarto di man lang ayusin tong pinamili namin. Naiinis na ako. Paglabas nya bihis na bihis na ulit sya.

"Gabi na. San ka na naman pupunta?" - tanong ko

"Bar. Party. Hello!weekend kaya" - maarte nyang sagot

"Hindi ka aalis. Tutulungan mo akong ayusin to at maglilinis tayo ng bahay" - matigas kong sabi sa kanya

"Bahala ka. Aalis na ako saka inaantay na ako"-sabi nya

"Napapagod na ako sayo Cindy. Wala kang alam gawin kundi yan. Matuto ka namang mag ayos dito" - sabi ko

"Pagod ka na? Di magpahinga ka.my god Harren!Alis na ako. Bye" - sabi sabay labas ng pinto.

Sa sobrang inis ko sinundan ko sya bar na pinupuntahan nya. Lagi syang andito.

Pagkapasok ko sa loob, usok at maingay na tugtog ang sumalubong sakin. Puwesto ako sa may bandang bar habang hinahanap ng mga mata ko si Cindy, mayamaya pa nakita ko syang papalapit at may kasama pa, agad akong tumalikod.mukhang di nila ako napansin.

"Kelan ka ba babalik sa condo natin Bheb?"- tanong nung lalaki. Ano daw?Bheb?

"Pag stable na yung business namin ni Harren saka ko sya iiwan. I need her para mapalago yun, marami syang alam about business saka isa pa ayokong ma disappoint si Papa"-sagot ni Cindy. Ano na naman to? Nakakainis. Ginamit nya lang pala ako all this time. Naikuyom ko ang mga kamay ko.

"Pero sabi mo kasal na sya sa bestfriend nyang epal" - sabi nung lalaki na ngumiti pa. Kaasar!

"Well, since matalino ako.. inoffer ko yung business sa kanya kaya lang di nya naman napapagtuunan ng pansin masyado kasi nga may family business sya. So, pinilit ko syang kunin sa bestfriend nya para pag kami.Hahaha.. alam kong pagtutuunan nya ng pansin yun di mas mabilis lalago yun..Hehehe..pero di ko naman iniexpect na aabot sila sa divorce" - kwento nya. Naiiyak na ako, yun lang yun. Nasayang ang nasimulan namin ni MK dahil dito, dahil sa isang makasariling tao. hindi aabot sa ganito kong di rin sa sulsol ng babaeng to at kung nakinig sana ako kay Sweet pero huli na, andito na to. Agad akong lumabas at umuwi samin. Matagal ko na dapat tong ginawa.

Pagkadating ko, inayos ko agad ang mga gamit ko. Napaka tanga ko talaga. Bwisit!Nag iwan ako ng note kay Cindy:

User, umalis na ako sa bulok at magulo mong condo.magsama kayo bheb mo. Bye.

PS: bahala ka sa business mo kasi i pupull out ko na ang share ko.

Dinikit ko yun sa ref at nagmaneho pauwi samin. Nagulat pa si Mommy at Daddy ng makita ako dala ang mga maleta ko. Ang sama sama ng loob ko.

"Oh, anong nangyari?" - tanong ni My

"It didnt work." - I simply answered.

Tanging tapi sa balikat ang natanggap ko kay Daddy.

"Alis lang ako Dad, Mom. I need to unwind pero uuwi din ako agad" - sabi ko

"Wag lang maglalasing anak hah"- bilin ni Daddy

"Wag po kayong mag alala. Hindi po ako nanghihinayang kay Cindy at hindi na ulit ako maglalasing tulad ng dati.  Kung maglalasing man ako dahil sa katangahan  ko na po, kasi sa totoo lang nanghihinayang ako na pinakawalan ko ang bagay na hinihiling ng marami, being contended and happy with a relationship. Nakita ko na kay MK pero sinaktan ko pa rin sya,pinakawalan ko" - umiiyak ako habang sinasabi ko yun. Lumabas na ako. Nakita ko ang malungkot na tingin ng mga magulang ko. Nasa huli talaga ang pagsisisi.,

AN:

Awwttsss:(

Readers, gusto nyo bang magkabalikan pa sila?

Comment.Vote.Thanks..



GREATEST DREAM: TO BE HER MRS:))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon