No one POV
Pagkakita ni Harren sa sulat agad nya itong kinuha at simulang basahin..
"Harren,Sweet,
Hello! Hhmmm.. pano ko ba to sisimulan? Divorce na tayo at alam kong masaya ka pero bat ganun ang sakit sakit pa din. Tinanggap ko naman na hanggang dito na lang talaga tayo eh. Gusto ko lang kasi I was given a chance to be your wife, at masaya akong pinagsilbihan ka kahit di man umabot ng taon.
Ang tanging hiling ko lang na sana, na sana this time mahalin ka na nya ng buo, na ikaw lang. Gawin nya lang yun magiging masaya na ako buong buhay ko at pagdumating ang araw na yun saka ko sisimulan ang buhay ko, ang buhay ko na wala ka.
Dadalhin ko sa puso ko, the kiss we shared…hindi man typical na halik na makikita natin sa mga pelikula ngayon pero yun yung halik na dadalhin ko habambuhay kasi I had the chance to share it with you, with the person I love the most. Dito na lang to. Take care and always remember, lagi kang may special na puwang sa puso ko.
-MK"
Pagkatapos basahin ang sulat ay isang hagulhol ang kumawala kay Harren.
Hindi nya kaya ang sakit na nararamdaman nya. Gusto nyang makasama si MK. Agad naman syang nilapitan ni Tito at inalo..
"Anak, tama na! Hindi matutuwa ang anak ko nakikita nya. M-mas gusto nyang ipagpatuloy mo ang buhay mo. Kayanin mo para sa kanya. Malulungkot sya kung asan man sya" - pag aaalo ng ama ni MK sa kanya.
Yumakap naman si Harren dito..
"Hindi ko kaya Tito. Namimiss ko na po sya ng sobra. Sa bawat araw, pinipilit ko na lang mabuhay pero bumibigay na ako Tito. Hindi ako sanay na wala sya. I miss her so much and it scared me kasi hindi ko alam kung paano na ako" - sabi nya sabay punas ng luha.
"Magpahinga ka na iha. Kelangan mong lumaban para samin, para sa anak kasi malulungkot sya sa nakikita nya" - sabi ni Tito
"Tito, panu nyo kinakaya? Turuan nyo ako"- wala sa sariling tugon ni Harren
"Kayanin mo. Dapat kayanin mo kasi gaya ng sabi ko mas malulungkot ang anak ko sa nakikikita nya" - sabi nito
"Susubukan ko po. Alis na ako" - paalam ni Harren.
Agad syang umuwi sa bahay nila ni MK at nagkulong sa kwarto. Kakulangan ang nararamdaman nya. Inikot nya ang paningin sa buong kwarto, bawat sulok nito si MK ang nakikita nya, ang mga ngiti nito sa tuwing gigisingin sya umaga. Ang amoy ni MK na gustong gusto nya. Napadako ang tingin nya sa cabinet, nilapitan nya ito at tumambad sa kanya ang damit nya nung kinasal sila, kinuha nya at sinuot pati ang wedding ring nila. Napatingin sya sa salamin, kulang sya. Kahit ayos na ayos sya, kulang pa rin kasi wala na sya. Unti unti syang napaupo at nagsimulang umiyak.
"Sweet, n-namimiss na kita. Hindi,hindi ko na alam kong kakayanin ko pa. Gusto na kitang makita at makasama. Hindi kita kayang bitawan. Sa araw araw ng buhay tinatanong ko sya kung bakit? Bakit di tayo nabigyan ng chance? Im trying to make things right but I guess its too late. Im trying to live my life but I cant, its so hard knowing that youre not at home waiting for me. I want to be with you, gustong gusto ko pero papayag ka ba?" - hagulgol nya kasi alam na alam nya ang sagot sa tanong nya kasabay ng pagihip ng hangin sa kanyang mukha..
"S-sweet, did you just kiss me? I love you so much. Dalawin mo ako kahit sa panaginip lang" - sabay tayo at humiga na si Harren.
"Magkita tayo Sweet sa panaginip ko" - saad nya sa hangin.
AN:
*^▁^*
May Epilogue pa to Loviiess, so dont be sad:))
Malapit na:)
Comment.Vote.Thanks.
BINABASA MO ANG
GREATEST DREAM: TO BE HER MRS:))
RomanceMagbestfriend ang mga magulang namin, we grew up together na pati second name pareho kayo kasi akala nila pareho kayong ''kikay". Harren Keith De Fernandez is my guardian, protector and I secretly love her since we were kids. Oo, bata pa Lang ako mi...