Continuation:Nasundan pa nang nasundan ang ganung eksena pero hindi ako kumibo. Mahal ko sya, kelangang intindihan na trabaho lang yun MK, trabaho lang. Nagkaroon ulit sila ng out of town pero okey lang kasi kasama ang Secretary nya at close kami nun. Ako pa ang nag impake ng damit nya. Ang sweet ko noh..
Lumapit ako sa kanya at inayos ang sleeve ng damit nya.
"Galingan mo hah kasi para sa future natin yan. Mahal na mahal kita Sweet at kahit anong mangyari andito lang ako" - sabi ko
"O-o naman. Para satin to Sweet. Mahal din kita" - yinakap nya ako ng mahigpit at hinalikan, smack lang naman. Hehehe..
Kumain muna kami..
"Pinagbaon na din kita ng pagkain, para sainyo ni Cindy at Thea (secretary) baka gutumin kayo sa byahe." - sabi ko
"Saka yung dessert mo please.." -magpapacute nya
Inayos ko na ang mga gamit nya sa kotse.
"2 days kang mawawala Sweet. Mamimiss kita at sana sakin ka pa rin uuwi" - sabi ko sa kanya
"Oo naman" - bago tuluyang umalis
Since, wala naman akong gagawin. Ive decided na pumunta kina Mommy at magpalipas ng gabi dun. Pagdating ko dun, nagluto ako at maghapon ata kaming nagkukwentuhan. Kinumusta kami ni Harren kasi malapit na kaming magcelebrate ng 1 year Anniversary 2 days na lang. Excited na ako. Hehehe..
Bago matulog, pumunta ako sa Secret room ko. Lagi tong pinapalinisan ni Daddy.
Naisipan kong mag paint, ang wedding picture namin. Gagawin kong gift for her at balak kong ipakita sa kanya tong room na to, for her to know how much I love her.
Mahal na mahal ko ang bestfriend at kung may pagkakamali man ako yun ay ang ipakasal sya sakin pero its for her own good. Nagparaya na ako kay Cindy noon at di ko na uulitin yun.
After nun, nagpaalam na ako kina Mommy at Daddy. Kelangan ko pang mag grocery eh, bibili ako ng ingredients para maipagluto ko sya pagbalik ko.
Ang ganda ng araw na to.
Pumunta ako ng grocery, kelangan kong bilhin to. Dampot dito, dampot dun.
Hanggang sa may nakita akong pamilyar sakin..
"T-thea?" - sambit ko. Medyo napalakas pala kaya napalingon sya
"Miss MK, kayo po pala?kumusta? Di nyo po ata kasama si Maam Harren?" - tanong nito habang palingon lingon na tila may hinahanap.
"H-huh? Nasa bahay. Nagpapahinga." - sagot ko na lang
"Ahh akala ko po matutuloy yung plano nila ni Maam Cindy na mag unwind. Narinig kong usapan nila nung isang araw" - sabi nya na nakangiti pa
"Unwind?" - pagtataka ko
"Opo. Di po ba kayo kasama dun?" - tanong nya
"K-kasama ako kaya lang di naman natuloy. Haha. Sige mauna ba ako Thea. Ingat" - tangi kong nasabi at tumalikod na.
Nagmadali akong pumunta sa counter at binayaran lahat ng binili ko. Pagkasakay ko, dun na bumuhos ang luha ko.
"Bakit Sweet?Bakit?" - yan na lang ang tanging nasabi ko habang humahagulgol.
Sa sama ng loob ko pumunta ako sa race track para maglabas ng sama ng loob. Alam kong nagulat sina Ash ng makita ako dun pero di sila umimik.pagkasakay ko sa sasakyan, pinaharurot ko to sa track. Gusto kong alisin lahat ng sakit na nararamdaman ko, gusto kong alisin ang sama ng loob ko sa kanya. Uulit ulitin kong sasabihin. Mahal na mahal ko sya pero napapapagod na ako. Sana maranasan ko naman ang wedding Anniversary namin.
Pagkababa ko agad nagsalita si Cry..
"Anong meron?"
"Wala naman." - sabay ngiti ng mapait
"Kami pa pagsisinungalingan mo, ultimo utot mo alam namin ang amoy" - sabat ni Lhor
"Hahaha..Ano ba kayo..wala nga. Namiss ko lang" - sagot ko
"Namiss mo? O baka naman umiiwas ka sa katotohanan Bunso" - tiim bagang sabi nu Ash
"Huh?" - maang maangan ko
"BAT DI KA UMALIS SA RELASYON NYO?!!!ANO BA?!! HINDI PAGMAMAHAL YAN, KATANGAHAN YAN MK!!KATANGAHAN. KAHIT ILANG BESES MO SYANG PAGTAKPAN LALABAS AT LALABAS ANG TOTOO!! MAAWA KA SA SARILI MO" - nagulat ako sa sinabi ni Ash, so all along alam nila? Di ko mapigilang mapaiyak. Linapitan ako ni Amber.
"Hindi kami nagsalita nung una kasi sabi mo business lang ang meron sa kanila bunso, purely business pa nga di ba? Pero hindi iisang beses namin silang nakita ni Ash na kumakain sa labas at ang mas grabe? Lagi nyang pinupuntahan si Cindy sa condo nito, di nila siguro alam na same floor kami. Kakalipat lang ata ni Cindy dun." - pahayag ni Amber
"At nung lumabas tayo?Nung hinatid ka namin tapos tinawagan kita to check if Harren was there? Sabi mo nasa bahay nyo pero hindi eh, andun sya kay Cindy." - nakatalikod si Ash habang sinasabi yun
"Ayokong magalit kayo sa kanya. Mahal ko sya alam nyo yun. M-matagal ko nang alam yun pero di ako naniniwala kasi di ko naman nakikita. She's innocent until…" - sabi ko pero
"CUT THE CRAP! Gumising ka na sa realidad MK. Please! Mahalin mo naman ang sarili mo. Magtira ka para sa sarili mo. " - umiiyak na sabi ni Isaiah.ganito ba ako nakakaawa?
"Pero…" - sasagot sana ako
"Hanggang kelan Bunso?Kelan? Kasi kami ang nahihirapan para sayo, kung nasasaktan kami?pano pag nalaman to nina tita Amanda hah?" - tanong ni Kate
"Hindi ko alam, hindi ko alam..Baka di ko kayanin..natatakot ako. Mahal na mahal ko sya higit pa sa sarili ko" - tanging nasabi ko habang humahagulgol.
AN:
Patayuan ng monumento!:((
Malapit na syang matapos. Kapit lang Loviiesss;))
Anong gusto nyong ending? Meron na akong ending eh unless may suggestion kayo. Hehehe..
Vote.Comment.Thanks
BINABASA MO ANG
GREATEST DREAM: TO BE HER MRS:))
RomanceMagbestfriend ang mga magulang namin, we grew up together na pati second name pareho kayo kasi akala nila pareho kayong ''kikay". Harren Keith De Fernandez is my guardian, protector and I secretly love her since we were kids. Oo, bata pa Lang ako mi...