CONTINUATIONAfter a week, muling bumalik si Harren sa bahay nila ni MK. Naabutan nya itong umiiyak sa sala at halatang nagulat nang nakita sya.
"Bumalik ka.." - mahinang saad nito at mugtong mugto ang mata. Halatang ilang araw ng umiiyak.
"Nandito ako para kunin ang iba kong gamit" -malamig na sabi nito ki MK
Sinundan ito ni MK sa kwarto at sa tuwing maglalagay si Harren ng damit sa maleta inaalis nya ito..
"ANO BA!?STOP IT!" - bulyaw ni Harren dito
Mariin nyang tinitigan si MK..
"Di mo na ba talaga ako mapapatawad!?Ayaw mo na talaga? Sweet, mahirap bang intindihin na nagawa ko yun kasi mahal na mahal na mahal kita mula pagkabata natin" - malumanay na saad ni MK na umiiyak
"Mahirap intindihin" - walang ekspresyon na tugon ni Harren at nagpatuloy sa pag iimpake.
"Ano bang kailangan kong gawin para mapatawad mo ako!?" - pagmamakaawa ni MK
"Meron naman eh. Lumayo ka na sakin, yung malayong malayong malayo sakin. Yung hindi na kita makikita kahit kelan kasi sa tuwing makikita kita, nasasaktan ako. Ayoko ng magtiwala sayo." - nakatitig sya sa mga mata ni MK habang binibitiwan ang bawat salita. Halos mapa upo si MK sa kama sa mga narinig. Talo nya pa ang nawalan ng lakas. Ang sakit sakit para sa kanya.
"Ang hirap ng hinihingi mo Sweet, parang sinabi mo na rin na wag na akong huminga,na tumigil na ang puso ko sa pagtibok. Yun ba talaga ang gusto mo!?" - nagsusumamo ang mukha nya, at hilam na ng luha.
''Oo" - matatag na saad ni Harren.
"Sige, kung yun lang ang paraan" - nakayuko nyang sabi
"Ipapadala ko na din ang divorce papers bukas at sana pirmahan mo yun Margarrette" - napatingin sa kanya si MK
"Agad agad!? Ganun mo ba kagusto na mawala ako sa buhay mo? Na hindi na ako maging parte ng buhay mo!? Bakit? Ngayon ko lang naisip na ang unfair mo. Nagkamali ka din naman Sweet ng maging kayo ni Cindy ng patago pero dinedma ko yun kasi Mahal kita" - hagulgol na naman nito. Kahit sino maaawa sa kalagayan ni MK.
"Nagsasama na kami ni Cindy, gusto kong makasama sya at sana hindi ka humadlang" - blangko ang mukha ni Harren habang sinasabi yun.
Mas masakit sa parte ni MK. Buong buhay nya, si Harren lang ang minahal nya. Ito lang.
Pinahid nya ang luha bago nagsalita
"Hindi ako tututol Sweet, kasayahan mo na yan. Wala rin akong magagawa. Ginawa ko na lahat ng kaya ko. Ito na siguro ang huli nating pagkikita pero sana lagi mong tatandaan na Mahal na Mahal na Mahal kita mula pagkabata natin. Sorry sa nagawa ko, hayaan mo aayusin ko lang mga gamit ko at pag na aaprove na ang divorce natin aalis na rin ako dito sa bahay natin." - iyak ni MK, kahit pigilin nya patuloy pa rin pagluha ang mga mata mata.
"Mabuti naman kung ganun" - pagkasabi nun tuluyan na syang lumabas. Bago tuluyang sumakay sa kotse, rinig na rinig ni Harren ang palahaw ni MK mula sa kwarto nila. Gusto nya man itong aluhin pero pinigil nya. Sa isip tama ang desisyon nya pati ang pagbalik kay Cindy.
Habang sa kwarto naman, niyakap ni MK ang unan ni Harren at umiyak ng umiyak.
Buti na lang dumating ang anim nyang kaibigan. Naabutan nila ito sa ganung sitwasyon.
"Bunso" - umiiyak na sabi ni Amber. Sobrang naaawa sila kay MK.
Tiningnan sila ni MK na tila nawawala sa sarili..
"B-bakit!?Minahal ko lang naman sya ah, sobra sobra" - iyak nya samin
"Na sa sobrang pagmamahal mo sa kanya, nakalimutan mo nang mahalin ang sarili mo" - malungkot na sabi ni Ash.
"Pedeng dito muna kayo? Di ko na alam ang gagawin ko. Pinapipirmahan nya na din yung divorce papers bukas ng umaga. Ang bilis" - humagulgol na naman ito
"Ssshhhhh…magpahinga ka na Bunso" - malumanay na sabi ni Cry pero nang gagalaiti na sya sa galit. Parang nadudurog sila sa nakikita. Bigla itong lumabas oara magpahangin.
Sinamahan nila si MK magdamag.
"Awang awa na ako sa kanya" - naiiyak na sabi ni Isaiah.
"Wala tayong magagawa kundi ang alalayan sya" - sabi ni Lhor
"Sana lang, di pagsisihan ni Harren ang mga desisyon nya. Para syang pumulot ng bato na ipupokpok sa ulo nya." - sabi ni Amber
"Nasa kanya na ang dyamante, pinagpalit nya pa sa tanso"- naiiling ba sabi ni Kate.
AN:
Tagos ba!?:))
Comment.Vote.Thanks.
BINABASA MO ANG
GREATEST DREAM: TO BE HER MRS:))
RomanceMagbestfriend ang mga magulang namin, we grew up together na pati second name pareho kayo kasi akala nila pareho kayong ''kikay". Harren Keith De Fernandez is my guardian, protector and I secretly love her since we were kids. Oo, bata pa Lang ako mi...