Purple's POV.
"Dylan gusto mo sabay tayo maglunch tomorrow hehe?" Malambing na sambit ko kay Dylan. Huh! Ano kayo ngayon girls? Akin lang kasi si Dylan so don't you dare to look at him. Pagmamay-ari ko na siya, chena.
Ano ba naman 'yan 'di man lang sumasagot si Dylan, naka-earphones na pala siya. Napahiya tuloy ako sa mga babaeng 'to hays.
"Purps pwede ko bang makuha number ni Mae?" Pagsingit naman ni Darren. OMG! So liligawan niya na ba si Mae?! Shocks goodnews 'to myghad!
"Sure! Itext ko mamaya sa 'yo. Bakit may balak ka na bang ligawan siya? Yieeee ikaw ha!" Pang-aasar ko sa kanya. Mygosh gagawa na ba ko ng facebook page ng loveteam nila? #MaeRren myghad haha!
"Purps, hinigingi ko palang. 'Di ba pwedeng getting to know each other muna?" Luh andaming alam neto. Pero shocks kakakilig yieeee! Chichika ko na agad 'to kina Mae and Jane shocks!
"Yieee buti pa kayo mutual ang feelings. E ako?" Malungkot na sabi ko sa kanya. Ang unfair. Kakakita palang nila kanina ah? Bakit kami ni Dylan ang tagal na kaya naming magkakilala, pero wala pa ring usad yung loveteam namin. #DyPur (deeper) ang lalim na kaya ng feelings ko sa kanya yung tipong nalulunod nako sa sobrang lalim pero siya manhid pa din hays sad reality.
Natapos na naman ang oras na walang ganap sa 'min ni Dylan. 'Di ko namamalayan na malapit na pala ako sa bababaan ko kaya nag-para na 'ko sa driver. Mauuna kasi akong bababa sa kanila kase medyo malayo yung bahay nila Dylan.
"Bye Dylan!" Nakangiti kong pagpaalam ka Dylan. Tapos napatango lang siya at 'di man lang sumagot.
"Bye Purps! Mag-iingat ka daw sabi ni kuya. Yieee!" Pagpapaalam naman ni Darren sa 'ken. Mang-aasar pa e, pero kinilig naman ako ng very very light sa sinabi niya kahit alam kong gawa-gawa niya lang iyon. Alam ko namang 'di sasabihin ni Dylan 'yon e.
"Baliw! Osya na ingat 'din kayo bye!"
"Ano bababa pa ba kayo miss?" Masungit na tanong ni kuyang driver. Hays kaloka si kuya napakainit naman ng ulo niya. Inirapan ko nalang siya tsaka mabilis na bumaba haha.
Nang nakarating na 'ko sa bahay nabigla ako dahil may mga naririnig akong mga kwentuhan nung nasa labas ako ng gate namin. Imposible namang sila mama at kuya lang 'yon dahil ang iingay nila 'no.
Hindi muna ako agad na pumasok at dahan-dahan pang naglalakad na parang spy. Kaloka nagpapaka-spy ako sa sarili kong pamamahay.
Nagulat naman ako nang biglang lumabas si mama.
"O 'nak nandiyan ka na pala?" Tanong ni mama. Kaloka naman bigla nalang sumusulpot si mama, may lahi ba siyang kabute haha?
"O ma, ano meron sa loob?" Nagmano ako kay mama at papasok na kami sa bahay.
"Wala nagkayayaan lang yung mga barkada ng kuya mo." Sabi ni mama. Ahhh so mga ka member niya sa basketball? Nako ba't naman sila nandito.
Nang makapasok na kami sa loob ni mama napatingin naman silang lahat sa akin. Yung iba nagulat pa nga e, siguro dahil sa kagandahan ko ano? Charot!
"O Ubeng Panget nakauwi ka na pala e." Hays 'di ba siya titigil sa pag-tawag ng Ubeng Panget sa akin? Nakakahiya naman sa mga barkada niya hays.
"Ma o! Si kuya lagi ako tinatawag na Ubeng Panget!" Pagsumbong ko kay mama. Dahil doon natawa naman sila. Nahiya tuloy ako lalo! Dumiretso nalang ako sa kwarto ko at inirapan si kuya.
Pagkatapos ko magpalit ng damit. Dumiretso ako ng kusina at nauuhaw na talaga ako. Napatiyempo namang nandoon din sila kuya.
Nagluluto yata si mama at pinanonood nila habang nagkukwentuhan. Ano 'to cooking show lang ang peg? Si mama niyan nagpapasikat nanaman haha charot! Pero magaling naman talaga magluto si mama at 'pag natikman mo ang luto niya I'm sure limot mo na pangalan mo pati na buong angkan mo haha chos.
Nang mapansin ako ni kuya bigla naman niya akong inakbayan at ipinakilala sa mga barkada niya. "Mga bro, kapatid ko nga pala si Ubeng Panget este si Purple haha." Ngumiti nalang ako sa kanila. So kaklase pala niya ang mga 'to? Nakakahiya sila pa naman yung nasa elevator nung araw na iyon mygosh! I'm sure kasama din si kuya dun buset!
"Ahhh siya pala yung kapatid mo bro haha." Sabi naman nung lalaking gwapo na nandun din noon sa elevator na Keanno daw ang name base sa pagkakarinig ko.
"Oo pre baket?" Sagot ni kuya dun kay Keanno. Nakangiti lang si Keanno habang nakatingin saken. Anong problema neto? 'Di porke gwapo siya e pagti-tripan niya na ako ng ganyan.
"Hi Purple, Keanno nga pala." Pagpapakilala niya saken na nakingiti. Shocks gwapo niya hehe! Sorry Dylan myloves anlaki na tuloy ng pagkakasala ko sayo huhu. Naglahad din siya ng kamay para makipag-shake hands sa akin. Kaloka 'to pasmado pa naman ako gosh!
"Hoy bro 'di pa pwede yan baby pa namin yan!" Tinapik naman ni kuya Karl yung kamay ni Keanno. Nako panira talaga 'to si kuya e. Gusto niya siya lang ang humaharot hays. Kahit na may lahing abnormal 'to si kuya Karl e napaka-protective niya.
Ayaw niya na may kasama akong lalaki maliban nalang kung kakilala niya na. Kakilala naman niya sina Darren at Dylan ko kaya okay lang. Ayaw niya rin na may nanliligaw sa 'kin kase bata pa raw ako. Anlaki ko namang baby nako!
"Hay nako kuya ang abnormal mo talaga ang OA mo pa 'di na 'ko baby no!" Sigaw ko sakanya at natawa naman sila.
"Anong sabi mo Ubeng Panget?" Sabi ni kuya sabay pingot sa taenga ko. Kaloka ansaket!
"Aray kuyaaa! Ma o!" Pagrereklamo ko sabay sumbong kay mama.
Natatawa naman si mama pati mga barkada ni kuya sa kulitan namin magkapatid.
"Nako itigil niyo na yan at umupo na kayo ro'n. Tapos na 'tong niluluto ko at kumain na tayo." Hays mabuti nalang at tapos na si mama magluto dahil gutom na gutom na din ako.
Umupo na kami sa upuan. Mabuti nalang medyo malaki yung lamesa namin kaya nagkasya naman kami. Dumating na din si papa galing sa trabaho kaya nagsabay-sabay na kaming kumain tapos nagkuwentuhan na din.
BINABASA MO ANG
Loving You
Teen FictionBakit pa ba tayo nagmamahal kung patuloy naman tayong nasasaktan? Bakit pa tayo sumusugal kung walang namang kasiguruhan? At higit sa lahat, bakit ba sa maling tao pa kung tayo'y magmahal? Yung tipong alam mo namang imposible siyang mahulog sayo per...