Chapter 12

8 4 4
                                    

Purple's POV.

Kinabukasan, maaga akong pumasok. Wala lang trip ko lang hehe.

Nadatnan ko naman sina Mae at Darren na maaga ding pumasok ngunit hindi sila magkatabi ng upuan dahil nga nasa kabilang row na ang pwesto ni Darren. Nang makapasok ako sa room si Mae lang ang nakapansin sa 'kin.

Silang dalawa palang ang nasa room. Natatawa naman ako sa kanila haha. Nahihiya pa sila sa isa't isa e naganap na nga ang getting to know each other stage kahapon. Emeged kinikilig nanaman ako haha!

Teka parang may mali? OMG! Parang ang sarap kumanta ng

🎶Himala... Kasalanan bang humingi ako sa langit ng... Isang himala...🎶

Yes tama kayo, may himala ngang nagaganap. Anong meron at ang aga ng Darren na 'to? Tinapon na yata niya ang korona niya bilang dakilang Best in Late.

OMG! 'Wag nila sabihing nagde-date sila ng ganito kaaga hahaha. Iba talaga ang MaeRren loveteam!

"Hi dai! Mukhang ganda ng gising natin ah haha." Pagbibiro ko kay Mae.

"Hala dai anong magandang gising? E napuyat nga ako e." Yieee siguro napuyat siya dahil magdamag silang magka-text or magka-chat nina Darren yieee!

"Sus palusot ka pa e no hahaha." Sabi ko nalang sa kaniya habang natatawa.

"Baliw haha." Aniya. E halata namang kinikilig. Siguro tama ang hula ko na magdamag nga silang magkausap ni Darren hihi.

"Pst Darren!" Tawag ko kay Darren.

"Hindi ka maririning niyan dai, naka-earphones e." Pagsingit naman ni Mae. Omygosh alam na alam e yieee haha charot! Talagang may pagka-shunga lang ako minsan e, alam ko namang nakaearphones e tatawagin ko pa haha. Sorry na nagbabaka sakali lang naman ako e, parang yung feelings ko kay Dylan na baka marinig din niya 'tong tibok ng puso ko. Na baka balang araw siya naman 'tong hahabol habol sa 'kin. Na baka balang araw mahuhulog din siya sa 'kin tulad ng pagkahulog ko sa kanya. Sana lang sa panahon na siya na ang magmahal sa 'kin ay mahal ko pa din siya. Oppss cut! Sorry napahugot na ba 'ko? Bigla na lang nasama si Dylan e 'no haha? Sensya na nadala lang hehe.

"HOY DARREN!" Pagsigaw ko nang marinig niya naman ako. Mabuti at effective ang volume ng boses ko dahil napalingon naman siya.

"O nandiyan kana pala Purps." Tugon niya tsaka inalis ang isang earphone niya sa kaniyang kanang tenga.

"Anong meron Darren ba't ang aga mo? Bagong buhay kana rin haha?" Pang-aasar ko sa kanya.

"Wala naman Purps, gusto ko lang malaman niya na seryoso talaga ako." Tugon niya. Ano nakain neto? Iba talaga 'pag inlove e 'no?

Alam ko namang si Mae ang tinutukoy niya. Yieee ang harot-harot naman! Hindi man deretsahan pero lantaran talaga kung magpakilig? Torpe pala ha? Torpe pa raw siya sa lagay na yan ha? Bipolar ata yung pagkatorpe netong Darren na 'to kakaloka.

Sure ako na pulang-pula na si Mae ngayon haha. Nakatalikod kasi siya e, siguro nagwawala na 'to sa kilig ayaw niya lang ipahalata bwahaha.

"Ayieee haha kayo ha pumupuso." Sabi ko nalang habang natatawa na sa kilig sa kanila. Tumalikod na naman si Darren at muling inilagay ang earphone na kaniyang tinanggal kanina.

"Hoy babae, anung sinasabi non?" Tanong ko kay Mae na kaniyang ikinagulat.

"Girl anu ba nakakagulat ka naman." Tugon niya. "May kasunduan kasi kami."

"Aba anung kasunduan yan?"

"Na dapat 'wag na siyang malelate dahil ayokong makaapekto 'yon sa pag-aaral niya." Sagot naman ni Mae. Yieee!

"Ayieee!" Pang-aasar ko sa kaniya. Kita ko namang namula siya hahaha.

"Enebe hehe." Ay pabebe si ate girl haha. Baliw talaga ang isang 'to. "Concern lang naman ako sa kaniya no." Dagdag pa niya. Oo nga naman baka kung lagi nalang late si Darren e bumagsak siya sa first subject namin. Practical Research pa naman namin 'yon.

"'Buti at hindi kayo magkatabi?" Tanong ko kay Mae.

"Ayaw namin ng issue dai." Sagot naman niya. Nako mas okay na kung ganon. Marami nga namang judgemental sa panahon ngayon. Magkatabi lang kayo kung ano-ano ng sasabihin o iisipin ng ibang tao. Kahit anong gawin mo e may masasabi at masasabi pa rin naman sila. Sabi nga nila you can never satisfy everyone. "Isa pa hindi pa naman niya 'ko nililigawan 'no tsaka na kami magtatabi 'pag kami na hehe chena." Dagdag pa niya. Yieee haha kakilig naman!

Habang nag-uusap kami ni Mae bigla namang dumating si Jane, inihatid siya ni Josh na boyfriend niya. Yieee isa pa 'tong couple na 'to! Kailan kaya ako ihahatid ng ganon ni Dylan hehe myghad!

Sumunod namang dumating na si Danah. Kahit kailan talaga napaka-jolly ni Danah. Laging naka-smile e laging happy haha, sarap maka-goodvibes. Binati rin niya kaming tatlo.

Nagsimula na ring magsidatingan ang mga classmates namin habang gumagana ang oras. Bulung-bulungan ding may new transferee na naman. And lalaki daw yata from Manila. Lakas din makasagap ng chismis ng mga classmates ko e haha. Sana gwapo hehe charot!

Nang 7:30 a.m. na e dumating na yung adviser namin. Ipinakilala niya din ang new classmate namin tsaka na nagstart mag-discuss. Nagsitili naman ang mga classmates ko ng nakita nila si Darwin, and syempre medyo nakitili na rin ako ng very very light. Dahil very very wrong naman kung may Dylan na 'ko at humaharot pa 'ko ng todo 'no hehe kaya dapat slight lang.

Galing daw pala ng Manila si Darwin, and aaminin ko gwapo nga siya. Tumabi siya dun sa tabi ni Danah sa dulo kung saan nakaupo dati si Leanne. Absent yata si Leanne ngayon.

Kilig na kilig naman si Danah dahil katabi niya si Darwin. Pero 'di niya lang pinahalata syempre nakakahiya din ano, dapat pabebe muna sa una hehe 'wag pahahalatang kinikilig 'pag katabi si crushieee.

Yieee may new loveteam bang mabubuo haha? #DarNah? Hehe charot ang baduy naman baka lumunok pa sila ng bato haha darna ding ang bato. Okay waley ang joke ko haha kbye!

#DaWin(deywin) nalang hihi! Mukhang namang magkakadevelopan ang dalawang 'to in the future e yieee. Ako nalang yata ang napag-iiwanan huhu. Oppss bawal ang nega. Na-traffic lang siguro yung feelings ni Dylan para sa 'kin. Baka dumaan sa edsa?

Pero kahit saang lupalop pa dumaan yung lovelife namin ni Dylan handa naman akong maghintay.

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon