Purple's POV.
Nang paglabas ko gusto ko na sanang umuwi kaso nakakahiya naman kung iiwan ko nalang bigla ang Marurupokz squad.
Tsaka isa pa hindi pa rin naman ako nakapagpapaalam kay kuya kaya lagot ako kung bigla nalang akong mawawala. Mamaya mag-alala pa 'yon.
Dito na muna 'ko sa labas habang hindi pa tapos tumugtog ang buong banda nina Blaze at Dylan. Hindi ko na naman masyadong rinig dito sa labas e kaya okay lang na dito muna 'ko.
Habang nagmumuni-muni ako bigla namang sumulpot ang Marurupokz squad. Tapos na siguro tumugtog ang banda ng STEM.
"Girl ba't 'di ka pa pumasok kanina ka pa namin hinihintay?" Tanong ni Mae.
"Wala ang init kase kanina e kaya lumabas muna 'ko." Pagpapaliwanag ko.
"Nainitan nga ba o sadyang na-amazed lang kay Blaze?" Pang-aasar naman ni Marvie.
"Ha? Anong na-amazed? Pangit lang kaya ng boses niya." Pagpapalusot ko.
"By the way, bakit 'di mo pala pinagcheer ang bebe Dylan mo?" Tanong ni Danah. "Baka magtampo 'yon dai." Dagdag pa niya.
"Nako tama na 'yan pasok na tayo. Ang lamig pala dito sa labas." Pagsingit ni Jane kaya 'di ko na nasagot ang tanong ni Danah. Mabuti nalang dahil wala talaga akong alam na isagot sa tanong niya.
Pagpasok namin, umupo muna kami sa area kung saan kaming mga ABM.
Hays ayoko magpakita kay Dylan, nakakahiya baka nakita pa niya yung titigan namin ni Blaze. Pa'no nalang kung napansin din niya yung shirt namin Blaze? Baka kung ano pang isipin niya? Baka magselos yo'n hays. Oppss, bakit naman siya magseselos e wala naman siyang pake sa 'kin. Pero ihhh kasalanan lahat 'to ni Blaze e! 'Wag lang siyang papakita sa 'kin kung hindi lagot talaga siya buwiset!
Bigla namang sumulpot sina kuya sa harapan ko. Mabuti nalang at hindi nila kasama ang Blaze na 'yon myghad!
"Ubeng Panget okay ka lang?" Tanong ni kuya.
"Oo naman, baket mukha na ba 'kong may saket kuya?" Muli kong tanong sa kaniya.
"Hindi naman sa ganon, parang... lalo ka lang kaseng pumapanget hahaha." Biro pa niya. Hay nako dumagdag pa 'tong isang 'to.
"Baliw." Inirapan ko nalang siya. "Gwapo mo ha." Dagdag ko pa.
"Ako pa siyempre pogi talaga ako." Aniya. Saksakan talaga 'to ng kakapalan ng mukha e.
"Wow ha, dun ka na nga kuya nananahimik ako dito e." Pagtataboy ko sa kanya kaso natawa lang siya. Engot talaga 'to.
"Hi Purps musta na? Nakita mo bang tumugtog si kuya kanina?" Tanong ni Darren. Kabute rin 'tong isang 'to e, bigla nalang sumusulpot. Magkasama na pala sila ni Mae, uy ang #MaeRren loveteam kumekerengkeng na naman.
"Ah-h e oo naman." Maikling sagot ko sa kanya.
Nakita ko ring magkasama ang couple na #JoshAne. Pati ang #DaWin magkausap rin. Si Marvie naman may kausap ding guy, Teejay ata yung name base sa pagkakarinig ko. Mukhang dati pa sila magkakilala and halata namang nagkakadevelopan ang dalawa. Mukhang ako nalang ang walang loveteam sa 'ming lima myghad! Dylan where are you na huhu?
Habang nage-emote ako bigla namang nag-announced yung coordinator namin. Start na yata ng slow dance dahil tapos na rin namang tumugtog lahat ng banda ng bawat strand.
Nakitang kong niyaya ni Darren si Mae, sumunod naman sina Josh at Jane. Niyaya rin Darwin si Danah tapos sumunod sina Marvie at Teejay. At ako eto nakaupo pa rin.
Mukhang cellphone ang karamay ko neto sa kahihiyan na 'to. Myghad single na single ang peg ko dito. Si kuya ayun may kasayaw na, ang harot ni kuya jusqo dinaig pa 'ko.
Habang busy ako kunyare na nagce-cellphone at nakayuko biglang may dalawang lalaking sumulpot sa harapan lo. Familiar 'tong dalawang 'to.
"Pwede ba kitang maisayaw?" Sabay na sambit ng dalawa habang nakalahad ang kanilang mga kamay. Sa boses palang alam ko na kung sino ang dalawang 'to kahit 'di ko na itaas ang ulo ko para tignan kung sino sila.
Pag-angat ng ulo ko 'di nga ako nagkamali, si Dylan at si Blaze nga. MYGHAD!
Takang-taka ako, bakit nila gagawin 'to. Lalo na kay Dylan. Nananaginip ba 'ko? Kung nananaginip ako, pakisampal nga ako, pakilakasan ha myghad!
"Ha?" Nagtatakang tanong ko sa kanilang dalawa. 'Bakas din sa mukha ko na 'di ko alam kung ano nagaganap sa paligid ko. 'Di pa rin kase nagsi-sink in sa utak ko kung totoo ba 'tong nangyayaring 'to.
"Purple, pwede ba kitang maisayaw?" Pag-uulit muli nilang dalawa. Kailangan talaga magkasabay? Scripted ba 'to? Nagpractice ba sila? Bakit 'di ako aware? 'Di ako na-informed. Or sadyang coincidence lang 'to? Hays.
Nakita kong matalim ang titig nilang dalawa sa bawat isa, yung tipong pwede silang magpapatayan ano mang oras.
Teka, kailangan ko ba talagang pumili? 'Di pwedeng kaming tatlo nalang ang sumayaw? Hahaha chena lang, para siguro kaming tanga non 'no?
Alam kong gusto ko si Dylan kaso nakakahiya naman din kay Blaze kung iiwanan lang namin siya ron.
Haysss bakit kase kailangang sabay pa sila? Pinagti-tripan lang siguro ako ng mga 'to. Waaaaah ayoko na! Hindi ba pwedeng after ni Blaze e si Dylan naman? Myghad! Masyado na bang mahaba ang buhok ko? Pakiputulan naman oh, charot.
"Hmmm pasensya na ha, excuse me." Sambit ko sa kanilang dalawa tsaka na sila tuluyang nilagpasan.
Lumabas nalang ako ng school tsaka na sana mag-aabang ng jeep kaso naisip ko si kuya. Wala nga pala akong pantext sa kaniya. Maghihintay nalang siguro ako dito sa labas hanggang matapos 'yon hays.
Wahhh bahala sina Dylan at Blaze, na-stress lang ako sa kanila e. Pero parang nakakapangsisi naman yata 'no?, si Dylan na ultimate crush ko tinanggihan ko ng ganon ganon lang? MYGHAD PURPLE ANG SHUNGA MO.
Matagal ko ng pangarap yun e huhu! Pero bakit gano'n? Bakit ni-consider ko pa kung ano man ang mararamdaman ng Blaze na 'yon? Ang gulo ko rin e hays! Shemay ayoko na! Bakit gano'n at 'di ko magawang pumili sa kanilang dalawa ni Blaze?
Si Dylan ba? O si Blaze?
Hay nako! Ano bang sense ng pagpili ko ngayon e iniwan ko na nga sila diba? Ako tuloy ang naguguluhan at mukhang shunga dito ngayon!
BINABASA MO ANG
Loving You
Teen FictionBakit pa ba tayo nagmamahal kung patuloy naman tayong nasasaktan? Bakit pa tayo sumusugal kung walang namang kasiguruhan? At higit sa lahat, bakit ba sa maling tao pa kung tayo'y magmahal? Yung tipong alam mo namang imposible siyang mahulog sayo per...