Purple's POV.
Nang makabalik na 'ko bigla naman nag-alala yung tatlo.
"Girl are you okay?" Tanong ni Danah.
"Namumutla ka girl e." Tugon ni Mae.
"May nangyari ba sis?" Tanong naman ni Jane.
"Mga dai ayos lang ako. Don't worry, ako pa." Sabi ko nalang para 'di na sila mag-alala. "By the way nakahiram na ba kayo? Balik na tayo ng room oras na e."
Tumango naman sila at mabilis na kaming pumunta ng room. Next subject na kase namin.
~
4:00 p.m.
Uwian na namin at nagpaalam na kami sa isa't isa nila Jane, Mae, at Danah.
Nitext ako ni kuya kanina. Magsasabay daw kami pauwi. Ano kayang nakain non. Sabi ko hintayin ko nalang siya sa may chapel.
Habang naghihintay ako nakita ko sa labas ng school si Darren, at may kasamang babae hala masumbong nga 'to kay Mae.
Oppss teka parang familiar yung girl, lagot ka sa 'min babaita ka lalo na kay Mae. Mapicturan nga.
Habang pinipicturan ko medyo namukhaan ko na si girl. Teka! Si Mae yun e! Akala ko bang uuwi na ng deretso si Mae? HALA OMG! May date ata ang MaeRren gosh nikikilig ako! My ship si sailing myghad! Kaya pala biglang nawala si Darren kanina tapos nagmamadali namang umalis si Mae. Yieee sana all!
"Ubeng Panget tara na." Bigla namang sumulpot si kuya. Muntik ko na tuloy mabitawan ang phone ko jusqo.
"Ahh okay." Sabi ko nalang. Tsaka na kami nagsimulang maglakad.
"Samahan mo muna ako kina Keanno." Tugon pa niya. "Hintayin muna natin sila dito sa gate."
"Ha? Sa'n ba yon? Sge ba basta ilibre mo 'ko ng pamasahe."
"Yan tayo e no palibre-libre." Pamasahe lang naman kaines naman 'to.
"Ikaw na nga nagpapasama diyan. Ano bang gagawin mo dun? Siguro iinom kayo no? Sige gusto mo isumbong kita kay mama't papa?" Pagbabanta ko sakanya. Wawalwal nanaman ata siya hay naku, pero mild lang naman kung uminom si kuya. Kung 'di lang talaga ako mabait na kapatid isinumbong ko na 'to. Pasalamat siya hindi lang ako maganda e mabait at mapagmahal din ako. Diba? HAHAHA.
"Hoy baliw hindi naman kami iinom group project yun." Palusot pa siya nako laos na yang ganyang style.
"Group project mo mukha mo ts!" Style talaga netong kuya ko bulok. Siya gagawa ng project? Neknek niya. "Pero kuya ba't ang gwapo mo yata ngayon? Kayo na siguro ng nililigawan mo no? Libre mo nga ako ng milk tea hehe."
"Hay nako Ubeng Panget sige na nga!" O diba nakita niyo na, onting pambubuladas lang may milk tea na 'ko hihi.
"Yehey!"
"O ayan na pala sila. Tara na larga na." Salamat naman at dumating na sila dahil gusto ko na ng milk tea. Shocks ang tagal na rin nung last akong nakainom ng milk tea. Siguro mga 600 years ago? CHENA!
"Hi Purple, nandiyan ka pala!" Bati sa 'kin ni Keanno.
"Hello." Sabi ko sabay pilit na ngiti ang iginanti ko sa kanya. "Madaldal ka talaga no?" Tanong ko pa.
"Hindi naman masyado slight lang haha." Hay nako pinaglihi din 'tong isang 'to sa kabaliwan. Tama ngang magkabarkada sila ng kuya ko nako haha.
"Kuya yung libre ko hihi." Mabuti nalang at may malapit na nagtitinda dito ng milk tea kung hindi baka nakalimutan ko na at nautakan na 'ko ng magaling 'kong kuya hays.
"Oo na pila kana don sa loob at hintayin ka nalang namin dito sa labas." Sabi nalang niya tsaka iniabot ang perang pambili ko.
Ang haba naman ng pila kaines.
Habang naghihintay ako napatingin naman ako sa labas ng shop. Biglang pumasok si Blaze na barkada rin ni kuya, teka wala naman siya kanina ah? Baka sumunod lang siya sa 'min. Ang gwapo pala talaga niya hehe ang hot niyang tignan CHENA, ERASE ERASE may Dylan na 'ko no duh!
Bigla namang may nagsalita na babae na nasa bandang unahan ng pila.
"Blaze dito ka nalang hehe." Sinenyasan naman nung babae si Blaze. Halatang maharot e naku! May mga kasama pa naman siyang mga alipores.
"Sure." Napangiti naman si Blaze dun sa girl na tumawag sa kanya at nagsimula ng maglakad papunta sa pila nung mga babae. Ang unfair naman yata, siya pa yung mauunang makabili sa 'ming mga nasa bandang likuran?
"Hoy lalake! Hindi ka ba nahihiya sa 'ming mga nasa bandang likuran ha?! Nagpila kami tapos ikaw kakapasok mo lang diba?!" Sigaw ko kay Blaze. Nakakahigh-blood talaga ang lalaking 'to kahit kailan.
Napatingin naman lahat ng tao sa 'kin. Shemay sarap magpalamon sa lupa gosh. Pero para sa karapatan ko bilang tao at bilang mamimili, IPAGLABAN NATIN YAN! Chos!
Ang sama naman ng tingin sa 'kin nung babae na nagpapila kay Blaze. Pero duh may kakampi ako no. Napa "Oo nga naman." ang mga nasa likuran ko dahil alam ko unfair din para sa kanila yon. Ang ayos-ayos naming pumipila rito tas papasingitin lang siya!?
"Duh! Hoy miss magdahan-dahan ka sa mga pinagsasabi mo. Baka hindi mo alam kung sino kinakalaban mo." Matapang na sabat naman ng isa sa mga alipores ni ate girl.
"Bakit naman ako magdadahan-dahan ha? Pantay-pantay lang tayo dito no. At isa pa kayo naman yung mali ha, pumila na nga lang ng maayos 'di niyo pa magawa." Makatwiran kong banggit sa kanya.
"Shut up b*tch!" Hindi na nakapagtimpi si ate girl at pasugod na sa 'kin. Sinabunutan niya 'ko. Ako naman syempre nakikipagsabunutan din. Alanamang siya lang ang sumabunot diba? Ang unfair non duh bahala na kung nakakahiya 'tong situation na 'to ang importante makamit ko ang katarungan.
Nagsigawan na ang mga nasa shop. Yung iba bini-video-han na kami. OMG baka magviral pa 'to shocks patay ako kay mama at baka masuspend pa 'ko!?
Nakita ko namang umaawat na si Blaze sa 'min. "Hey enough!" Tapos yung ibang mga alipores ni ate girl kunware nakikiawat e damang dama ko namang nakikisabunot din. Bwiset!"Purple tama na yan!" Sigaw ni kuya Karl. Infairness tinawag niya 'kong Purple kahit feeling ko galit and worried na si kuya sa tono ng pagsasalita niya. Big achievement pa rin sakin na tawagin niya 'ko sa pangalan ko no. Napahinto naman kami ng kasabunutan ko na may matatalim na tingin sa isa't isa.
"Klare?" Gulat na tanong ni Kuya dun sa babae. So magkakilala sila?
BINABASA MO ANG
Loving You
Teen FictionBakit pa ba tayo nagmamahal kung patuloy naman tayong nasasaktan? Bakit pa tayo sumusugal kung walang namang kasiguruhan? At higit sa lahat, bakit ba sa maling tao pa kung tayo'y magmahal? Yung tipong alam mo namang imposible siyang mahulog sayo per...