Purple's POV.
Hay bakit ganon? Why so bilis ng panahon? August na nga shemay.
Panahon na ang lumilipas pero yung lovelife ko e 'di pa rin umuunlad. #DyPur anuena huhu?
Nililigawan na ni Darren si Mae. Sina Josh and Shane stay strong pa rin. Sina Danah at Darwin nasa getting to know each other stage na yata kahit laging nag-aasaran.
Naging kaibigan din namin si Darwin, mabait naman siya, mapagbiro at mapang-asar din.
Hindi na rin pumasok sa section namin si Leeane dahil lumipat siya ng strand. Nag-STEM yata siya. Mabuti pa nga siya naging classmate niya si bebe Dylan e huhu. Kung palipat na rin kaya ako? Chena haha.
May naging new classmate din kami last month, si Marvie. Naging close rin namin siya dahil pinaupo siya dun sa tabi ni Danah at pinalipat naman si Darwin dun sa kabilang row kung nasaan si Darren. Nalungkot tuloy si Danah haha.
Ngayong babae na lahat kami sa column namin. At tutal close na naman kaming lahat e pinangalanan namin yung squad namin na MARURUPOKZ, jejemon ba? Hindi naman 'di ba haha? Actually ako lang yata talaga yung marupok sa 'ming lima e. 'Pag nakikita ko si Dylan, wala na finish na. Isa yata siya sa mga kahinaan ko e. And siyempre isa rin siya sa mga kalakasan ko.
Aquiantance party na ng school namin tomorrow. And napagdedisyunan naming mga Marurupokz squad na tumingin ng damit ngayon na susuotin namin for tomorrow. Retro-rock kase yung theme ng party namin e so parang pang 90's. Yieee bet ko yung mga ganong outfits! Ang tanong bet ba 'ko? Chena lang haha baka mapunta pa sa hugutan 'to e.
"Mga dai ayun o punta tayo sa 90's Shop." Excited na tugon ni Mae sa 'min.
"Ay tara gora!" Sabi naman ni Marvie.
Mabilis naman kaming pumunta sa shop na 'yon.
Ang gaganda nga ng damit nila myghad. Saktong-sakto sa theme namin. Kaya siguro ang daming students na ka-school mates namin na nadito dahil bibili palang din sila ng isusuot nila para bukas.
Naghiwa-hiwalay muna kami nina Mae, Jane, Danah at Marvie para makapili ng mga bet naming nga damit.
Nakakita ako stripes na pang top ko. Kukunin ko na sana yung damit kaso may kaagaw pa 'ko. Nako pati ba naman sa damit may kaagaw ako.
E sa minamalas nga naman, si Blaze pa 'tong mang-aagaw na 'to. Nag-iisa pa naman din yung shirt na 'yon ihhh! Balak ko pa naman sanang mag-shorts then ita-tuck in ko nalang sana hays.
Duh mang-aagaw nga naman pala siya, nakuha nga niyang agawan ng babae ang kuya ko e sa damit pa kaya.
"Hoy lalake, ako ang nauna dito kaya bitawan mo na yan." Masungit kong sabi sa kanya. Ako naman talaga ang nauna e, so bakit ako papatalo sa lalaking 'to.
"Kanina ko pa 'to nakita so ako ang nauna." Pagpupumilit niya. Kung kanina pa niya nakita bakit 'di pa niya kinuha kaagad? Hays kahit kailan talaga panira ng araw 'to e!
"Hindi ka ba talaga marunong maging gentleman kahit minsan lang?!" Iritado kong tanong sa kanya. Hindi ko pa rin binibitawan yung shirt dahil bet ko talaga 'to e hays! Mala-korean outfit na pa naman sana ako hays.
"Ano namang connection ng pagiging gentleman dito? Isa pa Binibining Ube pang lalake kaya 'to." Aniya. LUH! ANONG BINIBINING UBE!? Ini-inis talaga ako ng lalaking 'to e!
"E ano naman kung panglalaki? E sa gusto ko 'to e. Isa pa ako nga kase ang nauna." Tugon ko. Hays nakakapagod mag-explain dito.
Hala shemay pinagtitignan na pala kami ng mga tao. Nakakaloka naman! Kasalanan 'to ng Blaze na 'to e. Mabuti nalang at bumalik na sila sa pagpili ng mga damit nila at 'di nalang kami pinansin.
Bigla namang sumulpot si Darwin habang nag-aaway kami netong Blaze na 'to.
"O Purple anong nangyayari?" Tanong ni Darwin.
"Yan kasing lalaking 'yan e mang-aagaw." Sagot ko sa kaniya.
"Insan ano ba talaga ang nangyari?" Tanong muli ni Darwin kay Blaze. Ha? Anong insan? Magpinsan sila?!
"E kase bro pareho kaming nauna dun sa shirt e kaso pinipilit niyang siya lang ang nauna." Sabi naman ni Blaze. Luh parehong nauna raw. Ako lang kaya yung nauna duh! Ka-triggered 'to!
"Ako nga kase talaga ang nauna, pero sige dahil mang-aagaw ka edi sayo na." Sabi ko tsaka ko binitawan yung shirt kahit labag sa kalooban ko. Pinagdikdikan ko pa nga sa kanya yung salitang mang-aagaw e. Eventhough okay na sila ni kuya ngayon 'di pa rin kase ako makapag-get over sa ginawa niya kay kuya noon.
"'Wag na sige ayoko na rin ng shirt na yan." Seryosong tugon ni Blaze. Hala na-offend ko kaya siya? Pero totoo naman e so bakit siya mao-offend 'di ba? Baka nang-aasar lang talaga. Kaninang gusto ko, gusto niya rin. Ngayong ayaw ko na, ayaw niya na rin hays!
"Hanap nalang kayo ng iba Purple, Insan marami pa naman diyan o." Sabi naman ni Darwin. Hays mabuti pa nga hanap nalang ako ng iba kaysa sa makita ko pa 'tong Blaze na 'to.
Umalis nalang ako para hanapin sina Mae, Jane, Marvie at Danah.
Nakita ko sila na nakapila na para magbayad sa cashier.
"O dai aalis na tayo niyan asan yung napili mo?" Tanong ni Mae. Luh aalis na nga kami? E 'di pa nga ako tapos maghanap e.
"Wait niyo 'ko hanap lang ako saglit." Sabi ko tsaka na mabilis na naghanap ng shirt. Kahit ano nalang siguro hays. Mabuti nalang at marami naman akong shorts sa bahay kaya kahit pang top lang ang bibilhin ko.
Teka bakit may isang stripe shirt na katulad na katulad nang kanina e nag-iisa nalang yun 'di ba?
Ang kaibahan lang parang medyo maliit 'to kaysa doon sa kanina. Pero maluwag pa rin naman kaya hindi masisira ang mala-korean outfit inspired ko tomorrow hehe chena.
"Girl! Dalian mo diyan malapit na kami." Sigaw ni Jane sa 'kin. Tumango nalang ako tsaka na kinuha yung stripe shirt na bet ko.
May isa pa naman palang shirt na katulad nung kanina e, sayang lang pala ang laway ko at nakipag-away pa 'ko sa Blaze na 'yon kanina.
BINABASA MO ANG
Loving You
Teen FictionBakit pa ba tayo nagmamahal kung patuloy naman tayong nasasaktan? Bakit pa tayo sumusugal kung walang namang kasiguruhan? At higit sa lahat, bakit ba sa maling tao pa kung tayo'y magmahal? Yung tipong alam mo namang imposible siyang mahulog sayo per...