Purple's POV.
Ready na 'ko sa acquiantance party namin. Yieee excited na 'ko!
Naka-stripes na shirt ako na medyo loose then ni-tuck in ko lang sa high waisted na shorts ko na hindi gaanong fitted. Hindi naman din gaanong maikli yung shorts ko dahil patay ako kay kuya 'pag nakita niyang super ikli ng shorts ko. Naka-white shoes din ako with a pair of iconic socks.
Feeling ko nasa Korea na 'ko dahil sa outfit ko! Si Dylan Oppa nalang ang kulang chena haha.
Balita ko kasali raw si Dylan and Darren sa Battle of The Bands e. Magkaibang banda nga lang dahil magkaiba sila ng strand.
5 p.m. ang start ng party namin. At 4:30 kami nakarating ni kuya sa school.
Pagpasok namin nakita ko naman agad ang Marurupokz squad tsaka ko na sila pinuntahan. Pinuntahan nalang din ni kuya ang mga barkada niya.
Bet na bet ko ang mga outfit namen yieee! Nagselfie este groupie muna kami siyempre habang hindi pa nags-start ang program.
Habang naggu-groupie kami may nahagip sa camera na ikinainis ko. Pa'no ba naman kase may kapareho ako ng shirt.
"Girl ba't same shirt kayo netong guy na 'to." Sabi ni Danah tsaka ni-zoom in yung picture na nakunan namin.
"Luh oo nga girl, para tuloy kayong couple." Dagdag naman ni Marvie.
Dahil do'n nilingon ko yung guy na kapareho ko ng shirt.
Hays, oo expected ko namang may kapareho ako dahil 'di naman limited edition 'tong shirt na 'to. Ang ikinaiinis ko lang e sa dinami-dami ng makakapareho ko e si Blaze Aiden Perralco pa! Pwede namang si Dylan nalang 'di ba huhu?
Ihhh nakakainis naman talaga! Wala pa naman akong extra shirt. Bwiset kahit kailan talaga panira ng araw yung lalaking 'yon e hays. Ang akala ko ba e ayaw niya na yung shirt na 'yon?! Ka-stress naman!
"Tara layo nalang tayo mga dai hays nakakainis yung lalaking 'yon." Tugon ko sa kanila.
"Aba diba crush mo si Blaze dati?" Tanong naman ni Jane.
"Dati 'yon dai nagwapuhan lang naman ako. Kaso hindi na ngayon." Sagot ko sa kanya.
"Wew haha." Pagsingit ni Mae. Kaloka 'tong babaeng 'to. Pana'y WEW ang sinasabi 'pag walang masabi hays. Na-stress na nga ako dumadagdag pa siya hays.
Nang nagsalita na yung coordinator namin tamayo na kaming lahat. Siyempre bago ang lahat prayer muna.
Sumayaw din ang mga Mananayaw sa school namin. Tapos pati ang mga teachers naghanda ng dance performance nila.
After non nagsikain na kami. Dahil after ng pagkain namin is Battle of the Bands na, ang pinakahihintay ng lahat. Myghad makikita ko na sa wakas si Dylan!
Pumunta na kami nina Mae, Jane, Danah at Marvie sa pinakaharap para makita namin ng malapitan.
At siyempre malaking benefit ang makukuha ko do'n dahil masisilayan ko na ang Dylan ng buhay ko. Balita ko siya yata yung magbe-bass sa banda nila.
Unang tutugtog ang mga ABM, kaya ini-ready na namin ang boses namin sa pagcheer sa kanila. Siyempre todo cheer si Mae dahil nandon ang guitarist ng buhay niya, si Darren sino pa ba?
Bago sila nagstart tumugtog e sabay-sabay kaming sumigaw ng GO ABM! Tapos si Mae naman tinuglungan ng GO DARREN! Yieee ba't kinikilig na naman ako haha?!
Dalawa yata ang tutugtugin ng bawat banda per strand.
Unang tinugtog nila Darren ang Di Na Muli by Itchyworms tapos sumunod naman ay yung Sa Ngalan ng Pag-ibig ng December Avenue. Habang tumutugtog sila nagwe-wave lang ang mga kamay naming mga audience. Ang sarap pala sa pakiramdam yung tipong wala kang iniisip na test, na pagre-review, yung tipong chill muna at walang stress.
Sumunod namang nagready sina Dylan OMG! Ready na yung boses ko para magcheer shocks!
Pero teka, bakit nandito na naman si Blaze hays! STEM din pala siya? Ay oo nga pala classmates sila ni kuya. Teka marunong ba siyang kumanta bakit siya ang may hawak ng mic?! Nako baka magkalat lang 'tong lalaking 'to hays.
"Girl yung ka-couple shirt mo oh, siya pala yung vocalist nila." Sambit ni Danah tsaka ako siniko. Ihh pina-alala pa talaga niya.
"Oo nga girl yieee mukhang maganda boses niya myghad gwapo pa!" Sabi naman ni Marvie, hays pustahan panget boses niyan.
"Nako manahimik nga kayo riyan mga dai, sisirain niya lang yung mga araw niyo." Tugon ko sa kanila. Hindi nalang nila ako pinansin dahil nakafocus na sila sa banda.
Unang tutugtugin nila ay ang Bulong by December Avenue.
Bakit ganon? Intro palang e nangingilabot na 'ko? 'Di ko alam kung bakit. Dahil siguro kay Dylan? Titig na titig kasi ako sa kanya e.
Pero bakit ganon? Kahit siya yung tinititigan ko bakit parang iba. Habang pinakikinggan ko ang intro ng kanta 'di ko rin maiwasang tumitig kay Blaze, dahil siguro same kami ng shirt? Bakit ganon?! Iba yung pakiramdam ko.
Mabuti nalang at hindi napapansin ng ibang tao na same kami ng shirt, hays baka ma-issue pa kami.
Nang magsimula ng kumanta si Blaze na-stuck na lang bigla yung titig ko sa kaniya. Ni 'di ko na nga nagawang ipag-cheer si Dylan e. Kung kanina kay Dylan lang ang titig ko bakit ngayon kay Blaze nalang?!
🎶Hindi masabi... ang nararamdaman.
'Di makalapit sadyang nanginginig nalang, mga kamay na sabik sa piling mo...
ang iyong matang walang mintis sa pagtigil ng aking mundo...
Ako'y alipin ng pag-ibig mo ohh...
Handang ibigin ang isang tulad mo...
Hangga't ang puso mo'y sa akin lang... hindi ka na malilinlang...
Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga bituin...🎶
Napansin ko si Blaze na kanina pang nakatitig sa 'kin habang kumakanta siya. Pero bakit gano'n at hindi ko man lang magawang umiwas sa mga titig niya?
Hindi ko maipaliwanag, na-hypnotized na ba 'ko ng boses niya? Oo aaminin ko maganda nga ang boses niya. Ang dami ngang girls na tumitili kanina pa e. Siguro karma ko 'to dahil kanina e ni-judge ko kaagad ang kakayahan niya.
Pero enough ba 'yon para siya lang ang titigan ko? Enough ba 'yon para tumibok ng gan'to ang puso ko? Feeling ko tuloy nagtataksil na 'ko ng sobra kay Dylan kaya tama na ang kahibangang 'to.
"Excuse me lang mga dai ha." Sambit ko sa mga kasama ko.
"O sa'n ka pupunta girl?" Tanong ni Jane sa 'kin.
"Sa labas lang." Sinenyasan ko naman sila na sa labas lang ako pupunta. Ang sikip pa naman at ang daming tao pero hays kailangan ko ng sariwang hangin.
BINABASA MO ANG
Loving You
TienerfictieBakit pa ba tayo nagmamahal kung patuloy naman tayong nasasaktan? Bakit pa tayo sumusugal kung walang namang kasiguruhan? At higit sa lahat, bakit ba sa maling tao pa kung tayo'y magmahal? Yung tipong alam mo namang imposible siyang mahulog sayo per...