Chapter 1

28 2 0
                                    


Ang tahimik ng buong bahay. Tanging ang honi lang ng kubyertos ko ang naririnig. Nag-iisa akong kumakain ng agahan sa lamesa at kaharap ko ang aso ni Ate Kaye na nakita niya nong isang araw sa labas. Wala si nanay at tatay dito ngayon, dahil may business trip ata sa Indonesia? Iwan, basta sa ibang bansa.

Para akong lantang gulay habang kumakain. Wala talaga akong gana ngayon.

"Tapos kana?" Tanong ni ate Kaye na bagong gising.

Siya si Maria Lutecia Kaye Magnesio. Anak ni Yaya Josefina. 25 years old na siya at tinutolongan niya si Yaya Josifena sa mga gawain nito. Matanda na kasi si Yaya Josefina. Si Ate Kaye ang isa sa mga patunay na "black is beauty." Kamukha niya si Gabbi Garcia ba 'yon? Basta yung morenang maganda.

"Opo." Matamlay kong sagot at agad na tumayo sa upuan.

"Nabusog kana man?" Tanong niya ulit.

Yumuko lamang ako at matamlay paring sumagot. "Opo."

"May baon kana ba diyan?"

"Opo."

"Nakita mo ba si Kuya Tonyo?"

"Opo."

"Tomboy kaba?"

"Opo---ANO?! HINDI AH!" Shet! Lutang kana naman Isabella!

"HAHAHAHAHAHAHA" Tawa lang ng tawa si ate Kaye habang nakahawak sa tiyan niya.

Langya naisahan ako don ah.

"Shut up ate..." Matamlay kong saway sa kanya. Iwan ko ba, basta ang tamlay ko ngayon.

Tawa parin siya ng tawa. Naluluha na siya.

"Shut up, please ate." Matamlay ko paring saway. Wala akong ganang makipag-away ngayon.

Hindi parin siya tumitigil sa kakatawa. "HAHAHAHAHA naluluha ako HAHAH---" Naputol ang pagtawa niya dahil tinignan ko siya ng blangkong tingin.

Tumikhim naman siya at pilit na pinapaseryoso ng mukha niya. "Asan si Kuya Tonyo?" Tanong niya nalang.

Tiningnan ko parin siya ng blangkong tingin. Hindi ko sinagot ang tanong niya. Kapag kasi tiningnan ko ang isang tao ng blangkong tingin, it means, galit ako o hindi ako natutuwa sa ginagawa niya. "Iwan" Bored kung sagot at tumalikod na sa kanya.

Naglakad na ako papunta sa kwarto ko para maligo. I know it's kinda weird, pero nakasanayan ko na talagang kumain muna bago maligo. Who's with me?

NANG MATAPOS na akong mag ayos, binunot ko na ang cellphone ko na naka charge at lumabasa na sa kwarto ko.

Sana wala na dito sa ate Kaye...

Ako lang ba? Ako lang ba ang nakokonsenysa  matapos magmaldita o magpakita ng masamang ugali sa isang tao? Iwan ko ba, nakokonsensya talaga ako e.

First day of school pala ngayon. Nag-aaral ako sa isang paaralan na medyo malapit lang sa village namin. Hindi exclusive o sikat ang school na pinapasukan ko. Hindi kagaya ng mga kaklase ko noong elementary, na nasa BIS, UST,ADMU, at sa iba pang sikat na school ngayon nag aaral.

Meron nga akong kaibigan dati na nagsabi na bakit daw sa isang academy 'lang' ako mag-aaral. Sayang lang daw ang talino ko kung doon lang ako mag-aaral sa isang hindi 'sikat' at 'exclusive' na paaralan. Like what the hell btch? I don't care kung sa isang 'simpleng' paaralan ako mag-aaral. We're rich, yes! Mayaman kami, pero hindi naman siguro ibig sabihin non na dapat sa isang 'exclusive' school na ako mag-aaral.

End Of TimeWhere stories live. Discover now