Nang maka-upo na kami sa isang lamesa sa gitna, sinimulan ko na'ng kumain---ganon din si Aireen.
"Reen, sa tingin mo, ano yung section natin?" Tanong ko habang hinihiwa yung manok.
"Ilan nga ulit final average mo last year?" Tanong niya.
"92 point something" Sagot ko.
Tumango-tango naman siya. "Well, obviously, section 1 ka."
Kinain ko muna yung balat ng manok bago mag tanong ulit. "E ikaw? Ilan ba final average mo last year?"
"91 point something"
"Luh? Akala ko mas mataas pa average mo sakin e"
Uminom naman siya ng tubig bago sumagot. "No'ng 4th grading kasi, 87 lang ako sa history. Kaya ayon, bumaba average ko."
Tumango naman ako at pinagpatuloy ang pagkain.
Isusubo ko na sana ang huling kanin, ng maramdaman ko na ang lamig ng ulo ko.
"Sab!" Gulat na saad ni Aireen.
"Ops, sorry"
I know that 'maharot' voice
Binaba ko ang hawak kong kutsara at tumayo. Tiningnan ko si Margaux ng blangkong tingin
"Malamig ba?" Mapang-asar na tanong niya.
"E kung ibuhos ko kaya yung isang baldi ng tubig na punong-puno ng ice tapos tatanongin kita "malamig ba?" Hindi kaba maiinis?!" Pabalang na sabat ni Aireen.
Natawa naman ang mga estudyanteng nanonood samin.
Lumapit sa aking tabi si Aireen at pinunasan ang ulo gamit ang panyo.
"Awe, so sweet naman" Sabat ni Margaux at ng mga alipores niya na nasa tabi na niya ngayon.
Tinigil naman ni Aireen yung pagpunas niya sa ulo ko at tinignan ng masama ang apat. Sasabat na sana siya ng pigilan ko siya. Lumakad ako papalapit kay Margaux ng hindi pinuputol yung deritsong tingin ko sa mata niya. Tumigil ako at siniguradong may distansiya pa naman na namamagitan sa aming dalawa.
"Tignan ako ng masama is okay. Unahan kami sa pagpila is okay. Pero yung buhosan mo ako ng malamig na tubig habang kumakain ako is fucking not okay!" Sigaw ko dahilan para magulat yung mga tao sa paligid. At si Margaux? Halatang nagulat. Ganon din ang mga alipores niya.
"So anong gagawin mo? Sasampalin mo'ko? Sige, sampalin mo!" Saad niya sa nanghahamong tinig.
Nag smirk naman ako at bumuntong hininga. "Well, sasampalin sana kita, kaso, naalala ko na animal abuse pala 'yon"
She gasped. "H-how could you!"
Natawa naman ako at umiling-iling. "Ikaw yung nauna, kaya ako yung tatapos.
Hindi siya nakapagsalita. Pati mga alipores niya natulala.
Mabait naman akong tao. Pero kapag inunahan mo ako, I'll be the heartless person you will ever met.
Lumapit pa ako sa kanya ng kaunti at nilagay ang kamay ko sa balikat niya at bumulong; "Papalampasin kita ngayon, pero, hindi na sa susunod na pagkakataon"
Kinuha ko ang bag ko at niyaya na si Aireen na lumabas. Ang daming demonyo e. Pero bago paman ako tuloyang makalabas sa canteen, sumigaw si Margaux."Hindi pa tayo tapos!"
Nag smirk naman ako at lumingon sa kinatatayuan niya. "Hindi pa ako nagsisimula" Seryoso kong sabi at lumabas na ng tuloyan sa canteen kasama si Aireen.
Habang naglalakad, lahat ng mata, nasa amin. Paano ba naman, for the nth time, natalo ko na naman ang 'pinakamamahal' nilang queen bee.
Isang Isabella Liondale na gusto lang makapagtapos, natalo at napatahimik ang isang Margaux Delinarde na sobrang sikat sa SAA at sa iba pang school. Yeah, it's impossible. But with Isabella, nothing is impossible 😉
Nang makalabas na kami ng canteen, dumiretso kaming dalawa sa CR para makapagbihis na ako. Mabuti nalang, dala ni Aireen yung extra uniform niya.
"Alam mo sab, dapat kay Margaux at sa mga alipores niya, sinusumbong sa guidance e" Saad ni Aireen na nasa labas.
Sinuot ko muna yung necktie bago sumagot. "Well, she have 'rules' you know? At isa pa, mataas yung kapit ng pamilya non sa guidance"
"E sumosobra na siya e."
Binuksan ko ang pinto nitong CR at tska dumeritso sa lababo para tignan ang sarili ko sa salamin.
"Pabayaan mo nalang siya. Pangbu-bully sakin yung ikasasaya niya e, kaya wag na nating putolin."
Nawindang naman siya sa sagot ko. "Are you out of your mind Isabella?! We are talking about your safety here, tapos hahayaan mo lang yung Margaux na 'yon na api-apihin ka?" May pa turo-turo pa siyang nalalaman.
Kinuha ko muna 'yong bag ko na nakapatong sa lababo at tsaka tumalikod kay Aireen. "You don't know the full story nor the story behind the attitude of Margaux, so shut up" At tumalikod na ako. Iniwan ko si Aireen don sa CR ng nakatulala.
Ngayon ko lang kasi siya sinagot ng ganon. Naiinis lang kasi ako. I know na concern lang naman siya sa'kin, pero I know that she will understand things when she knew the truth about Margaux. But for now, that 'truth' will stand between me and Margaux. For now.
Habang naglalakad ako papunta sa Gym, nakasalubong ko na naman 'yong lalaki na grabe kung makatingin sa akin. Mukha siyang nagmamadali. Ang laki ng hakbang niya e. Liliko na sana ako ng may mabunggo na naman ako sa isang tao.
Bakit ba palagi nalang akong nabubunggo?!
"ARAY!" Sabay naming daing ng taong nabunggo ko. Hinimas-himas ko ang aking ulo dahil baka may bukol o ano. Pero wala naman. Dumilat ako para tignan kong sino 'yong nabunggo ko, pero pagdilat ko, wala na siya sa harapan ko. Lumingon-lingon ako at nakita ko siyang nagmamadaling naglalakad habang nakatalikod sakin. Hinabol ko naman siya. Pero pagliko ko, wala na siya.
"KUNG NASAAN KAMAN SORRY!" Sigaw ko. Mabuti nalang, wala na ditong tao sa hallway.
Hinihingal akong naglakad sa papuntang Gym. Pagkarating ko do'n, kaunti nalang ang mga estudyanteng tumitingin sa bulletin board na nasa gilid ng stage. Lumapit naman ako do'n at tinignan kong ano yong section ko.
Grade 10-1
Tinignan ko ang mga apelyido na nag s-start sa letter L:
Lanar, Jade Marie A.
Libiar, Maru D.
Liondale, Isabella B.So, section 1 pala ako.
Aalis na sana ako ng may mahagip ng paningin ko ang apelyidong Delinarde.
Tinignan ko ng maigi, at walang hiya, mag kaklase kami!
Parang masaya last year ko sa junior high a...
YOU ARE READING
End Of Time
Teen FictionIn life, you need to be tough or strong enough. Strong enough to fight against all odds. But in the case of Isabella, she's not fighting against all odds, she's fighting against her life. She's diagnosed with heart disease. And if nobody was their...