Alam mo 'yong nakakainis? Iyon ay ang hinihintay mo ay wala parin. Asan naba kasi siya?!
Aireen is calling
Accept| Decline"Asan kana?" Tanong ko pagkasagot ko sa tawag niya.
"Wait, malapit na!" Saad naman niya at dinig ko ang andar ng sasakyan nila.
"Andito ako sa labas ng gate ha? Kanina pa ako dito."
"Hala sorry ha? Malapit na talaga ako." Paliwanag niya pa.
Tumango naman ako as if makikita niya at pinatay na ang tawag.
Habang nakasandal sa pader, tumingin-tingin ako sa mga istudyanteng labas pasok sa gate. Merong parang masaya, haggard na, at meron din namang parang naiinis na kakatayo habang tumingin-tingin sa kaliwa't kanan.
May nakita akong classmate ko, kakaway na sana ako ng mag vibrate ang cellphone ko. Tiningnan ko at si Aireen lang pala ang nag text.
Aireen panget🌙
Andito na akoooooo
Saan?
Nasa gateeeee
Tumaas naman ang kanang kilay ko.
To: Aireen panget
Saan banda?At sinend ko na. Wala pang isang minuto, nag reply na siya.
From: Aireen panget
Right side ata :-/Gusto kong matawa dahil sa reply niya. Kilala ko si Aireen simula grade 7 at alam ko na nalilito siya kung saan ba talaga ang left at ang right.
To: Aireen panget
Huh? Wala naman.From: Aireen panget
Andito akoooo 😭Pinipigilan ko nalang talagang hindi tumawa. Tumingin ako sa kaliwa't kanan, at ayon! Nakita ko si Aireen na parang tangang palingalinga.
Pfft ang sarap picture-ran
Habang nakatingin sa kanya, nakaisip ako ng kalokohan.
Aireen panget 🌙
Andito na akoooooo
Saan?
Nasa gateeeee
Saan banda?
Right side :-/
Huh? Wala naman.
Andito akoooo 😭
Oo na nakikita na kita!
Weh? Ano color ng damit ko?
White 😂
King ina, gray uniform natin. Hanoba!
Ay, gray ba? Akala ko kasi ikaw 'to.
Loading :-/
YOU ARE READING
End Of Time
Teen FictionIn life, you need to be tough or strong enough. Strong enough to fight against all odds. But in the case of Isabella, she's not fighting against all odds, she's fighting against her life. She's diagnosed with heart disease. And if nobody was their...