Math pala first period namin. Mabuti nalang malapit ang Math Building sa Gym. Nasa 2nd floor ang room ko, at kaklase ko rin si Aireen.
Nang makarating ang elevator sa 2nd floor, pumunta na ako sa room ko. Nasa labas na ako ng room, at ipipihit na sana ang doorknob ng may bumunggo sa bag ko. Hindi naman ako natumba, na out of balance lang. Tinignan ko ang paligid at wala namang tao. Nagkibit balikat nalang ako at pumasok na sa loob.
Wala pa ang iba naming mga kaklase at ang aming adviser. Mga 15 palang kami rito. Pumunta ako sa pwesto sa likod dahil hindi ako sanay na sa gitna o sa unahan umupo. Lumayo ako sa may aircon dahil sabi ng doctor, bawal daw sakin. Umupo na ako at tinignan ang paligid. Color white 'yong pader, color white 'yong tiles, color white 'yong aircon, color blue ang upuan, at syempre, color green ang blackboard.
Tinignan ko ang mga kaklase ko sa taong ito, at ang iba sa kanila ay mga naging kaklase ko noong grade 9,ang iba naman, hindi pamilyar ang mga mukha. Naisipan ko nalang na makinig sa music habang naghihintay ng mga kaklase ko at sa bago naming adviser. 8:35 palang naman.
Isinalpak ko ang airphone sa aking tenga at nilagay ang parehong braso sa armchair at isinubsob ang mukha ko sa braso ko at umidlip.
Nakakapagod...
Nagising ako dahil sa ingay. Minulat ko ang aking mga mata at tumingin-tingin sa paligid. Marami na kami dito. Lahat sila ay may kanya-kanyang ginagawa. Kaya pala ako nagising dahil may naglalaro ng ML sa tabi ko. Kinusot-kusot ko ang aking mata at nag hikab. Pagkatapos, kinuha ko ang cellphone sa bag ko para tignan ko may something sa mukha ko.
"Diba ikaw si Isabella?" Tanong ng isa sa dalawang lalaki na katabi ko.
Tumango naman ako at tinignan na ang aking mukha sa screen ng cellphone. Okay naman yong mukha ko; walang muta, walang laway, pero 'yong mata halatang kulang talaga sa tulog; at ang bibig, ang putla. Kaya, kinuha ko ang liptint sa bag ko at naglagay.
"Pwede kaba naming tawaging 'Ella'?" Tanong ulit ng isa sa mga lalaki.
Tinignan ko sila ng what-do-you-mean-look. "Isabella is my name. We're not close so don't call me Ella."
Natawa naman ang dalawang lalaki.
May nakakatawa ha? May nakakatawa?
"Wow, grabe ka talaga Isabella!" Sabay saad ng dalawang lalaki.
Tumingin ako sa kanila at sinabing, "Ang grabe, nasa ospital. Awesome is the exact word na nag de-describe sakin."
Napailing-iling nalang silang dalawa at umalis na sa tabi ko. Mabuti.
Chineck ko ang cellphone ko at tinignan kong anong oras na; 8:50 na pala.
"Good morning class."
Inangat ko ang aking mukha upang tignan kung sino ang nagsabi--- isang babae na na medyo may katandaan na at base sa mukha, parang istrikta.
"I am Ms. Josephine Arroyo. And I am your adviser for this school year." Seryosong sabi ni Ms. Josephine.
Miss? So wala pa siyang asawa?!
"Where's the others?" Tanong niya.
Nabalot ng katahimikan ang buong klase. Nakakatakot kasi siya.
"Wala? Okay." Kalmado niyang saad, ng bilang... " You! Close the door!" Nagulat ako sa pag-utos niya sa lalaki na nakaupo malapit sa pintuan. Ang lalaki naman ay parang natakot at mabilis na isinirado ang pinto.
"Who is the section 1 here last year?" Tanong niya ulit.
Tinaas ko ang aking kamay at ang iba pang kaklase ko last year. Mga 10 lang kami siguro ang nag taas.
"And who is the section 2 here?" Taas kilay niyang tanong.
Ang natira ay nag taas ng kanilang kamay.
"Wala ng section 3 at 4 dito?" Tanong niya ulit.
"Wala na po." Sagot naming lahat.
"What if transferee?"
Napuno ng katahimikan ang buong silid. Minsan lang kasi nagkakaroon ng transferee sa school na 'to, dahil ayaw ng Dean na rarami ang mga estudyante sa SAA dahil kapag marami, mas gugulo ang school. At batay rin sa mga naririnig ko sa aking mga kaklase at kay Aireen,marami ng nagtangkang mag transfer ng kanilang mga anak dito dahil daw mababa lang ang tuition, pero hindi sila tinatanggap ng school. Hindi ko alam ang dahilan; at kung aalamin ko man, nag-aaksaya lamang ako ng panahon.
Iginala ko ang aking paningin at nahagip ng paningin ko ang isang babaeng nakayuko. Dahan-dahan niyang tinaas ang kanyang kamay at sinabing,"I-I'm transferee ma'am." Nahihiyang saad ng babae.
Lahat ng mga kaklase ko ay lumingon sa babae na nasa kaliwang bahagi ng room. Paano siya nakapasok sa school na'to? Halos isang libo na ang mga estudyante dito at himalang tinanggap parin ng Dean ang babae na'to.
"Oh. Stand up miss, introduce yourself." Ani naman ni Ms. Josephine. Lahat ng mga kaklase ko ay tumingin sa babae. Nakayuko siyang tumayo at naglakad papunta sa unahan.
"G-good morning g-guys. I-I'm---" Hindi niya natapos ang kanyang sinasabi dahil sumabat si Ms. Josephine na nasa gilid lang niya.
"Tama ba na nakayuko habang nagpapakilala?!" Galit na saad niya.
Muli, nabalot na naman ng takot ang buong silid. Nakakatakot talaga siya.
"S-sorry ma'am." Nakayukong pagpapaumanhin ng babae.
"Introduce yourself properly miss." Seryosong saad ni Ms. Josephine.
Lahat ng paningin ay nasa babae. Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang mukha at nagpakilala, "G-good morning guys. I-I'm Kayla Deocampo. N-nice meeting you all." Kabado ngunit parang may angas ang dating ng kanyang pagpapakilala. Babalik na sana siya sa kanyang upuan ng tanongin siya ni Ms. Josephine, "So miss Kayla, you're the new student of this section right?" Tumango si Kayla."Paano ka nakapasok sa school na'to?" Naging blangko ang mukha ni Kayla dahil sa tanong si Ms. Josephine. "With the help of the gate po Miss." Iwan ko kung sarcastic o ganon lang talaga sumagot si Kayla, pero gusto kong matawa dahil sa sagot niya, kaso baka mapalabas ako dito.
Tumaas ang kilay ni Ms. Josephine dahil sa sagot ni Kayla sa kanya, pero imbis na magalit, sinabi niyang,"Yesterday, I checked your card and there's nothing wrong in your grades. Bakit ka nag transfer dito kung ang grades mo ay ang tataas?"
Lumingon siya kay Ms. Josephine at sinabing, "Ang grado ay hindi basihan para manatili sa isang paaralan Ms. Josephine."
Napuno ng katahimikan ang buong silid at maging si Ms. Josephine ay natahimik.
Nang makabalik na siya sa kanyang upuan, tinignan ko siya at nakatingin lamang siya sa blackboard ng walang ano mang bahid ng kung ano mang emosyon.There's something in Kayla na gusto kong alamin. And that something is what I want to find out.
YOU ARE READING
End Of Time
Teen FictionIn life, you need to be tough or strong enough. Strong enough to fight against all odds. But in the case of Isabella, she's not fighting against all odds, she's fighting against her life. She's diagnosed with heart disease. And if nobody was their...