Mabilis na natapos ang morning class namin. Ang dalawang guro namin sa dalawang subject ay hindi naman istrikto. Masaya nga silang magturo e. Hindi rin malayo ang Science Building sa ESP Building kagaya ng sabi ni Aireen.
"Sa tingin mo, mabait kaya ang Filipino teacher natin?" Tanong ni Aireen habang may dalang tray na naglalaman ng pagkain.
"Siguro" Saad ko at nagkibit-balikat.
Nilapag na namin ang pareho naming tray sa lamesa at umupo na. Kakagat na sana ako sa burger na hawak ko ng may nahagip ang aking mata.
No, no, no, he mustn't be!
"Sab? Okay kalang?" Naalis ang tingin ko sa labas ng canteen nong nag snap si Aireen sa mukha ko.
"H-ha?"
"Wala. Sige kain kana." Ani niya.
Natapos na ang pagkain namin ni Aireen pero hindi maalis sa isip ko ang nakita ko kanina. Posible kayang siya yon? Pero parang malabo naman. Nasa malayong lugar na siya e.
"Hindi talaga." I said out of nowhere.
"Ano 'yon sab?" Tanong naman ni Aireen na kumakain na naman ng ice-cream.
"H-ha? Wala." Sagot ko nalang at tinuon ang atensyon ko sa paglalakad. Papunta kami ngayon sa Science Park dahil nakakarelax do'n at presko ang hangin dahil sa mga puno.
Pagkadating namin doon, wala pang mga estudyante na nagkalat at ang tahimik ng paligid. Umupo kami ni Aireen sa isang bench na nasa ilalim ng isang puno. Pumikit ako at dinama ang preskong hangin at ang nakakarelax na paligid.
Sana ganito nalang palagi.
"This is so relaxing." Saad ni Aireen.
"Yes, it is." Sagot ko naman habang nakapikit parin.
I really love the place when there is a tree and when the air is fresh. Nakakawala lang kasi ng stress.
"Sab, can you imagine yourself sitting here--- in our favorite spot 10 years from now?" Tanong ni Aireen na nagpatigil sa akin.
Can I?
Can I imagine myself sitting here 10 years from now? Can I imagine myself talking to my friends 10 years from now? Can I imagine myself laughing with Aireen 10 years from now? Can I?
No Aireen, the real question is: "Can you imagine yourself laughing because you survived with your disease?"
"I-ikaw? Nai-imagine mo ba?" Tanong ko pabalik kay Aireen ng hindi nakatingin sa kanya dahil feeling ko, kapag titingin ako sa kanya maiiyak nalang ako bigla.
Bumuga siya ng hangin at sinabing, "Oo naman! Nai-imagine ko na na nandito tayong dalawa habang inaalala ang mga memories natin. Nai-imagine ko na na successful na tayo, tapos alam mo? nai-imagine ko narin na nakaupo tayong dalawa dito habang pinag-uusapan ang lovelife natin. Ang saya no?"
Gusto kong yakapin si Aireen. Gusto kong sabihin sa kanya na parang imposible na talaga. Gusto kong ipaalala sa kanya na may sakit ako at hindi ko na kayang mabuhay pa ng matagal. Kaso... naduduwag ako. Naduduwag akong sabihin sa kanya na may malala akong karamdaman. Naduduwag akong makita siyang nasasaktan. Naduduwag akong makita siyang naglalakad mag-isa sa daan at umiiyak dahil wala na ako sa tabi niya. Naduduwag ako at hindi ko kayang makita si Aireen sa ganoong sitwasyon.
"R-reen?" Tawag ko sa kanya.
"Hmm?"
"W-what if 10 years from now hindi mo na ako kasama?" Tanong ko habang pinipigilan na humagulhol sa harap niya.
YOU ARE READING
End Of Time
Teen FictionIn life, you need to be tough or strong enough. Strong enough to fight against all odds. But in the case of Isabella, she's not fighting against all odds, she's fighting against her life. She's diagnosed with heart disease. And if nobody was their...