Chapter 5

5 0 0
                                    

Second period na at hindi parin kami pinapalabas ni Ms. Josephine.

"Uhm, guys? Anong oras na?" Malakas na tanong ng isa sa mga lalaki na katabi ko kanina.

"Aish! Balita ko strict sa time 'yong teacher natin sa second period." Dagdag naman ng katabi niyang lalaki rin.

Lahat ay mahinang natawa dahil sa pagpaparinig ng dalawang lalaki; pero si Ms. Josephine, parang walang narinig. Patuloy parin siya sa pagsulat sa white board at nag bingi-bingihan. Pero ang dalawa, parang hindi titigil sa pagpaparinig. Paano ba naman, nagsulat sila sa isang scratch paper na may nakalagay na: ARROYO PARA SA PAGBABAGO!!!

Gusto kong tumawa ng malakas kaso sabi ng doctor, I need to control my emotion. Kaya, tumawa lang ako ng mahina. Pero ang iba, naghagikhikan at ang iba, pulang-pula na dahil pinipigilan ang pagtawa ng malakas.

Dinig na dinig ang ingay ng pentle pen na ginagamit ni Ms. Josephine. Parang wala ng nakatingin kay Ms. Josephine dahil parang lahat yata ng atensyon ay nasa dalawang lalaki na winawagayway pa ang papel. Nabigla nalang kami ng tumigil ang honi ng pentle pen at nagulat ako dahil biglang humarap si Ms. Josephine at tinuro ang dalawang lalaki. "YOU TWO! WHAT IS THE SQUARE ROOT OF 500?!"

Biglang natahimik ang buong klase dahil galit na galit si Ms. Josephine. Napaayos ako ng upo at napakagat ng labi.

Delikado to...

"AYAW NIYONG SUMAGOT?! GO TO THE PRINCIPAL OFFICE LATER AND BRING YOUR PARENTS!"

"P-po?" Kabadong tanong ng isang lalaki na nag wagayway ng papel.

"HINDI MO BA AKO NARINIG?! I SAID BRI---" Hindi na natapos ni Ms. Josephine ang kanyang sasabihin dahil pinutol ng lalaki na katabi ng isang lalaki na nagwagayway ng papel. "Narinig po namin ma'am, hindi po kami bingi." Bored na sambit niya.

Ang salubong na kilay ni Ms. Josephine ay nadagdagan at ang pula-pula na niya. "GET OOOOOOOOOUT!!!!!" Napatakip kami sa aming tenga dahil sa sigaw ni Ms. Josephine. Ang lalaki na sumagot sa kanya ay chill na kinuha ang bag at lumabas ng room. Ang isang lalaki naman ay parang naubusan ng dugo dahil ang putla-putla na niya. Nanginginig niyang kinuha ang kanyang bag at mabilis na lumabas ng room.

"Kayo?! Gusto niyo rin ba'ng lumabas?!" Galit na tanong ni Ms. Josephine habang tinitignan kami ng matalim na titig.

Kinuha niya ang ruler na naka lagay sa kanyang lamesa at hinampas sa whiteboard dahilan para gumawa ng malakas na ingay. "Solve this 10 problems on the board, now!"

Dali-dali kaming kumuha ng 1 whole sheet of paper at nagsimula ng mag solve ng sampung problems sa board.

Nasa number 7 palang ako pero si Kayla, na transferee namin ay naglakad na papunta sa gitna para magpasa ng papel.

She's smart.

"You can go now, Ms. Deocampo." Dinig kong saad ni Ms. Josephine at narinig ko nalang ang pagsara ng pinto.

Makalipas ang ilang minuto, natapos narin ako at agad na nag pasa ng papel para makalabas na. Sumasakit na ulo ko e.

Pagkalabas ko ng classroom, nagulat ako dahil nasa labas si Aireen at halatang may hinihintay talaga.

"Oh?"

"S-sab"

Biglang lumapit sakin si Aireen at nagulat ako dahil bigla niya akong niyakap.

"A-anyare?" Nagugulohan kong tanong.

Mas humigpit ang yakap niya at nagulat nalang ako na parang nababasa na ang likod ko.

End Of TimeWhere stories live. Discover now