Chapter 22

24 4 0
                                    

JESPER SMILE WHEN he finally arrived at Grendelyn's shop. His girl was facing her back at his direction so she can't see him.

Sinenyasan niya sina Lia at Seri nang makita siya ng mga ito. Ngising-ngisi naman ang mga ito at saka tumango.

"Ma'am Ganda ano po, uhm, mauuna na po kami. Mahirap kasi ngayon na sumakay sa bus stop ngayon. Oo yun," paalam ni Seri rito na pinasang-ayunan naman ni Lia.

"Ganoon ba? Okay sige, mag-ingat kayo."

"Sige po. Enjoy po ay este ingat din kayo sa pag-uwi," sabi ni Lia sabay tawa kaya natawa na rin ang nobya sabay iling.

Bahagya siyang nagtago sa gilid ng pinto nang lumingon ito para ihatid ng tingin sina Lia at Seri na lumabas na at pasimple siyang kinawayan.

Ngumiti siya sa mga ito at saka kumaway rin.

"Hay naku, hindi na talaga sila nagbago," ani Grendelyn nang makaalis ang dalawa.

Sumilip siya ng kaunti at nakitang nakatalikod itong muli sa pinto.

Tahimik siyang pumasok at ingat na ingat na hindi makagawa ng ingay.

He hug her from the back that made her scream and that made him laugh.

"Oh my goodness, Jesper!"

"Hi, gorgeous," he said and tighten his embrace on her waist and kiss her on her left cheek.

"Papatayin mo naman ako sa gulat eh," anito at saka natawa sabay hampas sa braso niya.

Tumawa siya at saka hindi na nagsalita habang pinagpatuloy nito ang ginagawang calculus.

"Saan ka galing?" tanong nito maya-maya.

"School," matipid na sagot niya.

"Late na yata. May ginawa kayo?"

"Wala naman. I just walked, that's why."

"And why? You had the bike."

"Feel ko maglakad. Kaya naisipan ko na sunduin yung reyna ko," aniya at ngumiti.

"Kanina ka pa ba sa labas?" natawang tanong nito.

"Hmm, enough to see Lia and Seri came out. Nakita rin nila ako agad but I told them keep quiet."

"So that's why nagpaalam na pala sila."

"Yeah. Gusto nila na masolo kita."

Natawa lang ito at hindi na nagsalita. Ilang sandali pa ay natapos na ito sa ginagawa at sinabing uuwi na sila.

Tinulungan niya itong magsara ng shop at niyaya ito na maglakad-lakad muna sa park na hindi naman kalayuan sa bahay na sinang-ayunan naman nito.

"Dapat umuwi na lang tayo," sabi ni Grendelyn nang makarating sila sa park.

"Ha? Bakit?"

"Kasi mukhang inaantok ka na," sagot nito. "Malalaglag na yung mga mata mo."

Natawa siya ng mahina sa sinabi nito. Binitiwan niya ang kamay nito at saka hinapit ito sa baywang papalapit sa kanya.

Ilang hibla na lang ang lapit ng mga mukha nila at hindi na rin normal ang tibok ng puso niya.

Napakurap si Grendelyn dahil sa lapit ng mga mukha nila at nahihiyang tumawa sabay yuko ng ulo nito.

He gently rested his forehead on hers as she tightened her grip on his shoulders.

He smile at the sight in front of him. He always love to see Grendelyn blush since the day he met her.

A Love To LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon