Chapter 3
“ANG PAGKIKITA”
(please do vote, fan and comment.. salamat po sa lahat ng nagbabasa..)
“Michael, bakit mo ba na sabi sa kanya yun. Baka kung ano ang isipin nya sayo. Baka isipin nya, may gusto ka sa kanya. Teka, e bakit nga ba kasi ako natakot kanina nung di ko sya makontak? Syempre, kaibigan ko sya, ayokong may mangyaring masama sa kanya. Kasi, kasi----------.Ahhh!!!bakit ba ako nagaalala? Dahil ba? Mukang naiinlove na ako sakanya. Hindi pwede. Hay. Grabe ka Mitch. Erase. Erase. Erase. Hay.” Arggh.. Napasabunot na lang ako sa buhok ko..
*Beep---beep---*
(salamat sa pag aalala sakin kanina. Im home. Thanks ulit. Goodnight.:))
Lubb-dubb, lubb-dubb
Lubb-dubb, lubb-dubb
Lubb-dubb, lubb-dubb
“Bakit ganito tibok ng puso ko ngayon. E ganito din naman kami mag usap dati sa text. Michael, ano ba? Inlove ka na ba talaga? Hay. Mukang inlove ka na nga tlaga. Antok lang to. Bukas wala na to.”
Ikot dito, ikot dun. Tayo dun, higa dito, lakad dito upo dun. Hindi ka pa ba napapagod Mitch?? Kanina ka pa tumatakbo sa isip ko eh.. Patulugin mo naman ako..
“hay, dapat siguro magkita na kami. Baka magbago to pag nagkita na talaga kaming dalawa. Pero kelan, pano at saan?”
“Derek, pare, kamusta?”
“ok lang, ikaw ba?”
“okay lang din naman eto papasok na. saan ka ba pupunta? Buti nagkasabay tayo ng bus.”
“sa may QC lang pre, may interview ako. Alam mo na. Kailangan na magtrabaho.”
“mabuti naman. Pakain ka pagkatapos pare.”
“papakain talaga ako dahil birthday ko na sa linggo. Kaya dapat pumunta ka. Kumpleto ang barkada natin. Magtatampo yung mga yun pag di ka pumunta.”
“sige, pupunta ako.”
Hanggang sa trabaho ay pinipilit ko pa ding ipahinga sarili sa kaiisip sakanya. Pinipilit libangin ang sarili sa ibang bagay pero di ko magawa. Halos isang linggo na din kaming hindi nagkausap. Kamusta na kaya sya??
“siguro busy sa trabaho si Michael”
“siguro busy sa trabaho si Mitch”
-------
[3rd person’s POV]
Araw ng linggo.
“Karen, si Derek to”
“Derek, long time no hear huh.”
“Oo nga eh.”
“oh, bakit napatawag ka?”
“May pasok ba kayo ni Mitch?”
“oh, wala naman. Bakit?”
“birthday ko kasi ngayon, e may konting handaan sa bahay. Punta naman kayo ni Mitch.”
Sandaling na tahimik si Karen at nakinig sa paliwanag ng binata sa kabilang linya. Patango-tango habang nangingiti sa sinasabi ni Derek.
“sige ba. Game ako jan. tawagan ko lang Mitch. Sige. Salamat. Bye”
Pagkatapos ay agad nitong tinawagan ang kaibigan. Matapos ang matagal napasama din ako.. Kadalasan kasi may pasok kami kahit linggo.. Wla namang day-off ang nurse.. haha.. joke lang.. Pero swerteng natapat ngayong linggo, wala kaming duty..
![](https://img.wattpad.com/cover/1884891-288-k671376.jpg)