Chapter 4 "BUSTED"

280 12 1
                                    

Chapter 4

“BUSTED”

(a/n short update lang po ito.. Sana magustuhan nyo po..)

“tagal naman ni Mitch. Kanina pa daw sya papunta e hanggang ngayon wala pa din.” Patingin-tingin pa ito sa kanyang relo.

“maghintay lang tayo. Oh, heto na nga pala ang regalo ko. Sabi mo gusto mo ng white rose. Di ba?”

“tabi mo na lang yan dyan Michael. Hindi para sa akin yan.”

“ha? Ano? “

“basta. Hindi yan sa akin.”

“Hi, sorry im late. Bakit ba bigla bigla kang nag-aayang kumain sa labas? Ano bang meron?” humahangos pa nitong sabi. “Oh, Michael.”

“hi mitch. E birthday daw ni Karen.”

“birthday? E sa January pa birthday nyan e. Karen, ano ba to?”

“Ooppss. That’s my cue. Umupo ka nga dito siz. Aalis na ako. Naalala ko lang may pupuntahan pa nga pala kami ng mahal ko. Bye guys. Got to go. Enjoy.” Kumindat pa ito sa kaibigan bago tuluyang nagpaalam.

“Karen??” pahabol na tawag sa kaibigan pero mabilis itong nakalabas ng restaurant. “pasaway ka talaga.” Bulong nya habang sapo ang kanyang noo. “Pasensya ka na Michael. Naistorbo ka pa ng kaibigan ko sa kalokohan nya. Kumain na ba kayo?”

“Hindi pa nga e. Tara order na tayo. Medyo gutom na rin kasi ako.”

Habang kumakain ay biglang tumugtog ang paboritong kanta ni Mitch.

“Alam mo favorite ko ang kantang yan. Ang ganda kasi ng lyrics. God gave me you. Sobrang romantic.”

“Talaga? Ou nga noh. Maganda nga. Themesong nyo ba yan dati ng ex mo?” pag-uusisa nya.

“Hindi noh. Favorite ko lang talaga yan.”

“Mahilig ka pala sa mga lovesongs?”

“actually lahat naman. May rock, may ballad, may RNB. Depende lang sa meaning at dating sakin nung kanta.”

“Marunong kang pumili ng kanta huh.”

“hindi naman. Kung minsan kasi ni-rerelate ko yun sa buhay ko. Dati nga sumusulat pa ako ng sarili kong kanta eh.”

“Aba, napakatalented mo naman. You deserve a round of applause.”

“Gawang bata lang yung sakin. Mahilig ako sa music nuon. Highschool, nagigitara ako. Pero simula nung college, ayun, nabulok na yung gitara ko sa bahay.”

“See, marunong ka pa maggitara. Ako, ayaw sakin ng music. Di ako marunong kumanta o maggitara eh. Maglaro ng computer games mana pa.”

“Well, boys will always be boys ika nga.”

Dahil nga sa close na sila, parang wala lang na naiwan silang dalawa sa restaurant. Matapos nilang kumain ay naglakad-lakad sila malapit sa park. Nagikot-ikot at nagwindow shopping sa isang malapit na tiange. Matapos nito ay may ibinigay si Michael na toblerone at white rose kay Mitch.

“For me?”

“Actually, kay Karen yan dahil nirequest nya sakin yan dahil ang sabi nya birthday daw nya. Pero mukang planado ang lahat ng to ng mabait mong kaibigan eh. So I guess, this is really for you.”

“thank you.”

“Favorite mo yan tama ba ako?”

“aba talagang hindi mo nakakalimutan ha.”

“syempre naman.”

“Michael, medyo gumagabi na, pwede bang umuwi na tayo?”

“ay hindi ko dala yung kotse. Pasensya na. hahatid na lang kita. Magcommute na lang tayo.”

“hindi. Ok lang. ako na lang. may dadaanan din naman kasi ako eh.”

“Sigurado ka ba?”

“oo. Uhm, Michael,”

“Hmm”

“wag ka sanang magagalit ha?” nagsimulang sumeryoso ang boses at ekspresyon ng dalaga.

‘bakit kaya. Kinakabahan ako ha. Baka sasabihin nyang babustedin na nya ako. Na di nya ako kayang mahalin.’ “ano yun”

“uhm, ayoko na kasing mahirapan ka pa eh. Kaya ngayon palang, tatapusin na natin ang paghihirap mo.”

“anong ibig mong sabihin?” matagal na katahimikan. At saka muling nagsalita si Michael. “okay lang sakin, ano mang sasabihin mo. Tatangapin ko.”

“kasi, gusto na kitang bustedin.”

“sabi ko na eh. Okay lang. Naiintindihan ko.” Pinilit nyang ngumiti pero hindi nya maitago ang nararamdamang lungkot na para bang may tumusok sa isang parte ng kanyang puso.

“hindi mo naiintindihan. Uhhhmmm.”’

“anong hindi? Tanggap ko. Okay lang sa akin iyon.”

“Hindi. Kasi----“

“kasi ano?”

“Babustedin na kita kasi ayoko ng mahirapan kang manligaw. Kasi---“

“kasi?”

“Kasi sinasagot na kita.”

“huh? pakiulit nga.”

“nabinggi ka na naman. Sinasagot na kita.”

“Talaga? Yes. Yes. Wala ng bawian yan huh? Thank you. Promise, hindi ka nagkamaling sinagot mo ako. Salamat. Salamat talaga Mitch.”

At naghiwalay silang dalawa na masaya. Successful na naman ang plano ni Karen.

“ma, ma,”

“ano ba yun bata ka?”

“Ma, sinagot na nya ako. Kami na.”

“Sya ba yung dahilan bakit nitong mga nakararaang buwan e sobrang sigla mo? E kelan mo naman sya balak ipakilala sa akin?”

“soon ma, soon.”

Pinakilala nga ni Michael si Mitch sa kanyang pamilya at hindi naman sila nahirapan dahil madaling nakuha ni Mitch ang loob ng pamilya nito. Kahit nasa states na ang Ina ni Mitch, ay nagawa pa din nitong ipakilala sa ina ang kasintahan sa tulong ng internet. Hindi na rin ginugulo ni Doc Calvin si Mitch. Marahil ay nalaman na nitong sinagot na ng dalaga ang nakitang manliligaw nya dati. Mabilis kasi kung kumalat ang balita sa ospital dahil sa dami ng mga tsismoso doon. Mula nuon, ay naging masaya ang pagsasama ng dalawa. Nagkakaroon man ng konting hindi pagkakaintindihan ay naaayos naman agad nila. Pero kung kelan nasa pinaka masayang parte na ang kanilang istorya, saka naman dumating ang pinakamatinding problemang kahaharapin ng kanilang relasyon.

Book 1 No Boundaries (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon