Chapter 10
“YESTERDAYS GHOST”
“Ilang linggo na lang, magiging mag asawa na tayo. Handa ka na ba?” tanong ni Calvin kay Mitch isang gabi habang magkasamang nagdidinner sa bahay ng dalaga. Ngunit walang tugon na nakuha si Calvin. Tulala at tahimik lang si Mitch. “Sweetie? Sweetie?”
“Ay, I’m sorry. What were you saying?”
“Is there something bothering you?”
“Wala, siguro pagod lang ako. Nakakastress palang magayos ng kasal.”
“Ah,” pero halatang may iniisip ang dalaga kaya hindi inalis ng binata ang tingin dito. “Oo. Pero tapos na naman eh. Okay na. ngayon magrelax ka na lang. Magbeauty rest.”
“Ah, eh, ou nga.”
“Gusto mo na bang magpahinga? Parang kailangan mo na kasing magpahinga ngayon.”
“ha? Hindi. Kainin mo na yan. Kailangan mo din magpataba. Medyo pumayat ka dahil sa pagaasikaso. Saka ako nagluto nyan eh.” Inaasikaso nya ang binata para maiba ang mood nila. Pansin nyang batid ng binatang may dinaramdam sya.
Tumalima naman roon ang binata. Nang matapos ng kumain, hindi kagaya ng nakasanayan nilang panood ng DVD’s, nagpasya ng umuwi si Calvin. “Sweetie, uuwi na ako. It’s okay. Gusto ko din kasing maging okay ka sa mismong araw ng kasal natin. Okay? Sige na.”
“Pero----,”
“Sweet, gusto mo ba ako pangit sa kasal natin? Dapat gwapings din naman ako para hindi ako alangan sa maganda kong mapapangasawa.” Saka kumindat.
Matipid na ngiti ang itinugon nya sa binata. “Pasensya na sweetie.”
“Its ok. Pahinga ka na.”
Hinatid nya sa gate ang kasintahan.
“magiingat ka sa pagdadrive ha. Be safe.”
“I will, wala man lang ba akong kiss dyan?”
“naku, naglambing pa ang Doctor ko.Hmmmmm—“
“sarap naman. I love you Mitch.”
“I love you too. Pasok ka na. Alis na ako. Bye.”
Kumaway na lang ang dalaga sa papalayong kotse ng kasintahan.
Pagakyat nya sa kwarto, muli nyang tiningnan ang sulat na iniwan ni Michael bago sya umalis papuntang Singapore. “bakit nga ba parang hindi ako masaya? Dapat excited na ako dahil ilang linggo na lang, ikakasal na ko kay Calvin. Pero, bakit ganito? Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Dahil ba si Michael pa rin ang iniisip ko? Wala na sya at tapos na kayo. Promise yourself na hindi mo na sya iisipin mula ngayon.”
“Siz, hindi na kita masasabayan pauwi, magoot kasi ako ngayon para bukas off ko na. okay lang ba?”
“Oo. Okay lang. sige mauuna na ako ha. Bye girl.”
“Hoy, Michelle,magingat ka lang ha. Lapitin daw sa aksidente yung mga ikakasal. Naku, mag ingat ka lang babae ka.”
“Opo Mommy.”
“Pinagiingat lang kita noh. Mommy na daw ako. Naku. Sige na.”
Paglabas nya ng Ospital ay may nabunggo syang isang lalaki.
“Pasensya na po. Naghahadali po kasi ako. Im sorry sir---“Napatulala sya sa nakita ng kanyang tingnan ang taong nabangga.
“Kamusta ka na Mitch?”
“michael?” biglang bumalik ang lahat ng nangyari sa pagkikita nila. Ang gwapo pa rin ng binata. Mas naging macho at pumuti nga lang ito.pero, hindi pa rin nagbabago ang napakamaamong muka ng binata. Ayaw man nyang tingnan ito, ay hindi nya magawa. ‘bakit ba bumalik ka pa. ngayon pa?hindi na kita kailangan. Bakit ngayon pa?’ pagsagot nya sa kanyang isip.