Chapter 11 "TWISTED"

275 10 2
                                    

Chapter 11

“TWISTED”

“Maam?” pagkatok ng Yaya ni Mitch sa kanyang kwarto.

“Ya, ayokong kumain. Pasensya na. busog pa ako.”

“Maam,may bisita po kayo.”

Biglang napatayo si Mitch sa pagkakahiga. “Baka si Michael iyon.”  “Bababa na ako ya.” Patakbo syang bumaba para makita ang taong naghihintay sa sala.

“Ma?”

“I missed you my unica ija. Im home.” Agad nitong niyakap ang anak na matagal ding hindi nakita.

“Hi Ma.” Tipid at gulat nitong bati sa hindi inaasahang pag-uwi ng ina.

“Oh, teka, bakit parang hindi ka naman ata nasurprise na nakauwi na ako. Ha? Are you expecting someone else?”

“Ah, eh, wala naman po Ma. I missed you too.”

“Teka nga, tumingin ka nga sa mata ko anak. Somethings wrong. Bakit ganyan ka?”

“Okay lang ako Ma. Im super okay. “

“I know, and you should be because your getting married in 7 days. But, I’m your Mom, and though I’ve been away for quite some time, I am still your Mom and I know when somethings bothering you. And I know, with those eyes, there is. Come on. Tell me. “

“Ma, kasi----“

“Maam Mitch, may delivery po ulit ng bulaklak.”

“Sige Yaya, paki akyat na lang po sa kwarto.”

“hindi mo man lang ba titingnan kung kanino galing anak?”

Ding-dong.

“may inaasahan ka bang bisita anak?”

“Wala naman po. Baka additional lougage mo Ma.”

“Miss, flower delivery po. Pareceive na lang po.” Isa na namang bouquet of flowers. Pangalawang beses na nyang nakakareceive nito.

“Na naman? Kanino ba ito galing? Wala namang pangalan.”

“Anak baka naman kay Calvin galing yan?”

“I don’t know Ma.”

“So, ano nga ulit yung pinaguusapan natin? Ah, your problem. Come on. Tell me. Ill listen.” Prenteng umupo pa ito sa malaking couch na nasa sala. Marahil ay napagod sa byahe pabalik ng Pilipinas. Matapos ang limang taon ay ngayon na lamang ito ulit umuwi ng Pilipinas. Mula kasi ng tuluyan na silang talikuran ng ama ni Mitch, ay ito na ang mag-isang nagtaguyod sa anak. Labag man sa loob nyang maiwan ang anak mag-isa ay wala itong magawa. Ayaw din naman kasing sumama sa kanya noon ni Mitch. Kaya minabuti na lamang nyang ipagkatiwala ito sa yaya nya. Inasikaso at pinagtuunan nito ng pansin ang mga negosyong naipundar nya sa Amerika. Paraan na rin niya ito marahil para malibang at makalimot sa nangyaring hiwalayan sa kanila ng dating asawa.

“Ma, he’s back. Michael’s back.”

“So, whats the problem with that?”

“Ma, nagkita kami  kahapon. At nakita na rin sya ni Calvin.”

“okay. So?” kaswal na tanong pa niya.

Hindi na ito muling sumagot.

“You still love him, is that it?” nanunudyo ang tinig ng ina. Parang nahulaan na ang pinupunto ng anak.

Tumitig lang sa kanya si Mitch.

“Michelle, ikaw lang ang makakapagdesisyon nyan. I know your caught in the middle. Kasi until now, I can see that you’re still inlove with him.”

Book 1 No Boundaries (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon