Chapter 5 "BITTER SWEET"

321 13 1
                                    

Chapter 5

“BITTER SWEET”

“Hay good thing naisip ni Benjie na magbakasyon. Para naman makapagrelax sa mga toxic na patients at toxic na mga co-workers.” May nakangusong sabi ni Karen habang nakaangkla sa kasintahang si Benjie. “Mahal, malapit na ba tayo?

“Oo nga Benjie. Malapit na ba tayo? Masakit na likod ko sa byahe eh.” Sabat naman ni Mitch.

“Imamasage ko na lang para mawala yung sakit.” Paglalambing ni Michael.

“hintay lang kayo. Ayan na tayo oh. Saka pagdating natin dun, mawawala lahat ng mga yan.” Pagsagot ni Benjie sa dalawa.

“Siguraduhin mo lang, naku kung hindi, lagot ka sakin.” Umaakma pang manununtok si Mitch.

“Oh, easy ka lang Hon. Malapit na naman daw eh. Ikaw talaga.” Pag-aalo ni Michael sa dalaga.

“Oh, ayan na pala tayo. We’re here guys. Welcome to our rest house. Pinaparentahan muna to habang hindi pa naiibenta.”

Napanganga na lang ang magkaibigan sa ganda ng kanilang nasilayan. Bukod sa napakalaki at napakagandang bahay ay napakaganda rin ng tanawin sa paligid nito. Napakaluwang na taniman ng mga pinya at iba pang mga halaman at puro puno’t mga berde ang iyong makikita. Medyo malamig din ang klima dahil nasa mataas na lugar ang Tagaytay. Pagkatapos mamangha ay inaya na silang pumasok sa loob.

“Pare, mukang yung dalawa e natahimik pagbaba natin ha.” Pagbibiro ni Michael kay Benjie.

“ou  nga. E ganun naman talaga yung dalawang yun. Siguro’y nainip at napagod lang sa byahe kaya pagbaba, ayun, masyadong natuwa sa mga nakita.”

“Puro na lang kasi gamut, pasyente at mga nakaputi ang nakikita nyang dalawang yan. Kaya tama lang na nagbakasyon sila. Dahil kung hindi, malamang sila naman ang magkasakit.”

“Pare, maiba ako. Kelan mo balak sabihin?” pagiiba ni Benjie sa usapan.

“Hindi ko pa alam pare. Pero, ayoko ng patagalin. Nauubusan na din kasi ako ng oras.”

“Kami bang pinaguusapan nyo mahal?” Nakataas pa ang kilay ni Karen.

“Hindi mahal. Tara ayusin na natin ang mga gamit natin sa taas. May tatlong kwarto sa taas. Yung dalawa may dalawang kama. Yung isa king size bed. Saan nyo gusto?”

“Mahal, dun na lang tayo sa isang kwarto na may dalawang kama.”

“sa ganun na lang din kami siz. Okay lang ba sayo yun Hon?”

“Ayaw mo bang isang kama lang tayo?” paglalamabing nito sa kasintahan na parang bata.

“e kung sinasapak kaya kita. Huh? dun na lang kami sa kwartong dalawang kama siz. That’s final.”

Sabay tawa ng apat.

“eto namang asawa ko, nagbibiro lang eh. Wag na magalit.”pagsuyo ulit ni Michael.

“guys, magayos muna kayo ng gamit. Tapos maglibot-libot muna kayo sa labas. Wag lang kayo pagabi dahil masyado madilim sa daan. At mas malamig pag ganung oras. Pwede rin mamahinga muna kayo. Sila Nang Mely at Manong Celso na ang bahala sa foods natin. Okay? Kita-kits mga tso.” Pagkatapos ay nagpaalam na sila.

“Wow, ang ganda ng view mula dito. Kitang-kita mo ang ganda ng Tagaytay. Ang sarap sigurong tumira dito. Tahimik, romantic. Perfect.” Hindi matapos na papuri ni Mitch sa napapagmasdan mula sa veranda ng kanilang kwarto.

“Mukang tuwang-tuwa ka ha.”

“syempre. Bukod sa magandang lugar, masaya din ako kasi ngayon lang ako ngkapagout of town kasama ang taong mahal ko. Uyy, kinikilig.”

Book 1 No Boundaries (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon