Chapter 9
“LET GO”
“I told you. May surprise sya di ba? Kahapon lang, single ka. Ngayon, you’re getting married. Hoy, hoy, bridesmaid ako wah. Wag mong kakalimutan. Naku.” Nakanguso pang pagpapaalala ni Karen sa kaibigan.
“I know. Halos di nga ako nakatulog eh.” Nasabi na lang ni Mitch na nakatingin pa rin sa nakasuot na singsing sa kanyang kamay.
“So, may plans na ba kayo? Sang church? Anong design ng dress? Dapat maganda at bongga. Saka madami sigurong pupuntang bisita noh? Parang wedding of the year yan huh?”
“Siz, hindi naman parang mas excited ka pa sa akin noh? Wala pang masyandong plans. Pero ang sure lang, it’ll be an intimate wedding. Ayoko ng madaming tao. Yung mga importanteng tao lang sa buhay namin. Wala na masyadong kung ano-ano pa. Gastos lang yun.”
“Minsan lang to dadating sa buhay mo. Dapat itodo mo na. Naku, kung sinuwerte lang ako ng ganyan kagaya mo, naku, as in. Bonggacious yun.”
“Ikaw yun. Kaw na lang kaya magpakasal. Ikaw talaga.” At napuno ng tawanan ang paligid.
“Hello my wifey,” sabay halik sa pisngi ni Calvin.
“Oh, hi. Napaaga ka ata?”
“Syempre, wedding natin ang aayusin e. nagfile na rin ako ng leave para makapagfocus tayo.”
“you don’t need to do that. Ako na lang sana. Nandito naman si Karen to help me.”
“Oo nga naman Doc.”
“Gusto ko kasi hands-on sa pagpaplano ng lahat. Hayaan nyo na. ngayon lang naman saka pinayagan na nila ako. Kinonggrats pa nga nila ako e.”
“Sinabi mo agad?”
“oo, syempre, proud ata ako.”
“Pasaway ka talaga noh.”
“Hehe. Oh, tara na. madami pa tayong aasikasuhin. Sumama ka na samin Karen. Kayong dalawa ang may taste sa mga ganitong bagay e”
“I know right. Tara na,” nauna pang sumakay ng kotse si Karen kaysa sa dalawang ikakasal.
Nagpunta sila sa isang wedding organizer. Inayos ang mga flowers na gagamitin, maging ang style ng kasal, mga pagkain at dami ng mga bisita. Sumunod na mga araw naman ay ang mga invitations, cake,ring at mga give-aways ang kanilang inasikaso. Naging detalyado naman ang description ni Mitch sa gusto nyang wedding dress. Noon pa man din ay mahilig na itong magsketch ng mga gowns and dresses. Mahilig din syang tumingin sa mga magazines at umatend sa mga fashion shows kung free time nya, ng mga latest styles in fashion. Ayaw man nyang aminin, isa syang frustrated artist. Nakuha naman ng designer ang gustong tabas at itsura ng gown ni Mitch.
Inabot din sila ng mahigit 3 buwan sa pagpaplano ng mga ito. Huli nilang binisita ang garden sa tagaytay na kanilang napiling pagdausan ng kanilang kasal. Sa lahat ng kanilang plano, si Mitch ang nasunod. Ang tanging dinisisyonan ni Calvin ay ang lugar ng kanilang kasal.
“Sweetie, bakit ba dito mo napili?” pagtatanong nito sa binata.
“Kasi, dito kinasal ang parents ko dati. At dapat dito rin kami ikakasal dati ng nasira kong ex-girlfriend.” Habang nakatanaw sa malayo. “bakit ayaw mo ba?”
“What a coincidence nga naman. Same place pa talaga. Tagaytay.”
“hindi naman. Maganda nga eh.” Pero may lungkot sa kanyang tinig sa sinabi. Bakit nga ba ngayong masaya na sya, saka pa nagbabalik ang kanyang nakaraan. Parang hinahabol parin sya ng isang bangungot.
As they were walking to the place, she saw a familiar house at the front of the garden where they will have their wedding.
“Iyon ang----villa. Bakit ba kasi nangyayari ang mga ito ngayong kung kelan pa ako malapit ng ikasal. Parang lahat ng ito ay plinano. Teka, mukang may nakatira ngayon doon. Siguro mga kamag-anak nila Benjie o baka ibang taong nagrent lang sa villa. Sana maging masaya sila at huwag silang magaya sa ano mang nangyari sa amin ni-----. Hindi ko na sya dapat iniisip. Siguro’y may sarili na rin syang buhay duon. Baka nga mas nauna pa nya akong palitan. Arrgghhh. I hate this feeling.”
“Sweetie? Are you okay?”
“Ha? Yah. Im fine. So eto na talaga ang venue natin tama ba?”
“Oo. Okay na rin ba sayo ito?”
“yes, its perfect.”
“Good. Im happy you liked it too.” Saka ito humalik sa noo ng dalaga.
*Krrringgg---kringggg*
“Yes?why? what? I cant, I told you I’m on leave di ba? Pero---, nasan ba si Doc. Cruz? Hay. Sige. Paki prepare na lang mga gamit ko. Im on my way.” Galit na binaba ni Calvin ang telepono.
“Sweetie, what’s the problem?”
“Im sorry sweetie. I need to go back to the hospital now. I have an emergency operation now daw. Hindi naman kasi pwede yung nakaasign na doctor nya daw pauwi pa lang from Cebu. Ininform ko na silang hindi muna ako tatanggap ng operations not until maikasal na tayo. Pero mukang nakalimutan nung head sa OR. Wala na akong magagawa dahil delikado yung patient.”
“okay lang. kagaya ng lagi kong sinasabi, you have to prioritize them 1st. I’ll be fine.”
“I promise to be here before dinner. Okay? Be safe here.”
“Okay. Magiikot-ikot na lang din ako dito. Sige na. Emergency yun. Tagaytay lang ito. Sandali lang naman ang byahe. Basta be here before dinner. Ayokong magisa dito ng hanggang bukas. Okay? Wag ka din masyadong maghadali sa byahe. Baka naman ikaw ang magdelikado nyan.” Pagpapaalala nya sa kasintahan.
“I promise. Bye sweetie. Im sorry again.”
“Its okay.” Sabay halik sa kanya.
“I love you.” Patakbo nyang tinungo ang parking lot at mabilis na pinaandar ang sasakyan.
“I love you too.”
Naiwan ngang magisa si Mitch sa Garreto farm and resort. Naka-inn sila dun for 2 days. Para makapagrelax ng ilang araw bago man lang ang kasal. Muli syang tumingin sa villa. At nandun padin ang taong nakita nyang nakatayo kanina. Matapos nito ay nagpunta sya sa simbahang dati nilang pinuntahan ni Michael kung saan sila nagsumpaan. Unti-unti syang pumasok sa tahimik na simbahan. Hindi pa rin nabago ang ayos nito. Lahat ay kagaya pa din ng dati. Nakangiti nyang inalala ang lahat. Wari’y nakikita nya ang sarili at ang dating kasintahan na magkasama sa loob. Matapos nito ay lumuhod sya para magdasal sandali.
“sana, hindi ka na lang umalis. Sana hindi mo na lang ako iniwan. Ikaw sana ang kasama kong maglalakad papunta sa dambana. Diyos ko, tama ba itong gagawin ko? Tulungan nyo naman po ako. Para nyo na pong awa. Tulungan nyo po ako.” Hawak nya ang singsing na ibinigay sa kanya ni Michael. “kinakailangan na kitang kalimutan. Magsisimula na ako ng panibagong buhay kasama ang lalaking mahal na mahal ako. Sana sumaya ka na din nasan ka man at sino mang kasama mo. Hindi ko na rin ito kailangan. Wala na akong pangakong panghahawakan. Pinatatawad na kita. Mapatawad mo rin sana ako sa gagawin ko. Paalam Michael. Paalam.” Iyon lang at iniwan nya na ang promise ring nila ng dating kasintahan.
![](https://img.wattpad.com/cover/1884891-288-k671376.jpg)