Chapter 7 "CURE"

255 10 0
                                    

Chapter 7

“CURE”

Professional nurse si Mitch lalo na pag nasa trabaho. Hindi nya hinahayaang maapektuhan ng ano man personal na problema ang kanyang pagtatrabaho dahil alam nyang buhay ang hinahawakan nya. Gayumpaman, paminsan-minsan ay nagugulat na lang sya na mapansin an gang pagluha ng kanyang mga mata. Ang mga alala ng nakaraan ay manilis din naman nyang iwinawaksi. Mula nuon, ay wala na syang narinig tungkol kay Michael. Halos anim na buwan na din sya dun. Kung minsan ay napapagusapan parin nila ni Karen ang tungkol sa binata pero agad iniiba ni Mitch ang usapan.

Isang araw, habang kumakain sa cafeteria ng ospital, may biglang lumapit at tumabi sa kanya.

“Bakit mukang nagiisa ka ata Ms. Mitch?”

“Doc, kain po.” Si Doc Calvin pala ito. Ngayon na lang ulit sila nagkausap at nagkita matapos nuong huling makita sila na magkasama ni Michael nung minsang sinundo sya ng binata sa Ospital.

“Hindi ko tatanggihan yan. Muka ngang masarap yan ha. Nasan nga pala si Karen?”

“E may sakit po Doc eh. Kaya nagpahinga muna po sya sa bahay. Nag sick leave muna po. On duty po kayo ngayon?”

“Oo. Konti lang naman mga pasyente kaya nagkaron ako ng time kumain ng maaga.”

“Ah. Doc, mauna na po ako ha. Marami pong pasyente ngayon sa ward. Maiwan ko na po kayo.”

“Ngayon pa lang ako magsisimulang kumain e, iiwan mo na ako agad.” Pagbibiro nito sa dalaga.

“Si Doc talaga, pasensya na po. Mauna na po ako.” Magalang na pagpapaalam nito sa Doctor.

Magisang uuwi si Mitch dahil wala ang kanyang kaibigan. Paglabas nito ay may nakaabang nasakanyang sasakyan.

“Hi Mitch.” Pagbati ng Doctor na si Calvin.

‘akala ko si---‘ nawika na lang nya sa isip pero pagkatapos ay inalis ka agad sa isip.

“Doc?”

“Pauwi ka na?”

“Opo.”

“Okay lang ba kung isabay na kita pauwi? Magisa ka kasing uuwi ngayon. Delikado pa naman ngayon.”

“Doc, hindi na po. Kaya ko naman pong umuwi magisa. Sanay na po ako.”

“Madaming beses mo na akong tinanggihan. Kahit ngayon lang naman. Delikado kasi ngayon. Kahit ngayon lang oh. Di mo ba ako pwedeng pagbigyan?”

“Ah, eh,---“

“Sige na. Kahit ngayon lang.”

“Eh, Doc, kasi, nakakahiya po eh.” Napayuko pa nitong sabi.

“I wont take no for an answer.”

“Sige na nga po Doc.”

“Thank you. Tara, ingat sa pagpasok, yung ulo mo.” Pagaalalay pa ni Calvin sa dalaga.

Habang nasa byahe ay ilang pa rin si Mitch na makipagusap sa Doctor. Marahil dahil sa superior nya ito at baka kung ano na naman ang isipin ng mga kasamahan nya sa trabaho. Pero dahil sa makwento at magaan kausap ang Doctor ay hindi ito nahirapang makipagusap habang nasa byahe. Nagtatawanan at nagkakabiruan na din ang dalawa.

“Okay lang bang magtanong ako Mitch?” pag-iiba ng tono ng doctor.

“Ano po yun Doc?”

“Pwede ba Calvin na lang. Tayo lang naman ang magkausap eh. Pwede?”

“Eh, nakakahiya  po Doc.”

“Calvin nga e.”

“Ah, eh, sige na nga po Ca-Calvin. Ano po yun?” naiilang pa din nitong pakikipag-usap.

Book 1 No Boundaries (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon